Chapter 9 : Hope

2446 Words
Chapter 9 : Hope Selene POV Sa loob ng isang malaking bayan ay mayroong isang maliit na bayan? "Naguguluhan ako," sabi ko. "Maski ako," sagot ni Sebastian. "Ang balita sa palasyo ng Sacred Kingdom ay ang mga nilalang na naninirahan dito ay nasa maayos na kalagayan at walang lamangan," Sabi ni Lysse. "Tagapalasyo kayo?!" tanong nung bata. Kung kanina magagarang bahay at tindahan ang nakikita namin ngayon. Mga bahay kubo na mga sira-sira maging ang tindahan na parang dinaanan ng bagyo. Ang mga damit nila ay sira-sira din. Mga payat ang karamihan sa kanila. May mga sakit mapa bata o matanda. "Anong nangyari? Bakit naging ganito dito?" tanong ni Dwight na halata sa kanyang mata ay di rin makapaniwala. "Ang huling punta namin dito noong bata pa kami ni Dwight at kasama namin ang ama namin. Wala pa nito noon," ai Wright naman ang nagsalita. "Ngunit nitong taon lamang ay inansunsyo nila na ang mamumuo na sa lugar na ito ay mga dark shadow. Labis ang sama ng loob namin sa white shadow dahil pinabayaan nila kami," sabi ng isang bata. Lumuhod si Lysse sa batang babaeng nagsalita. "Hindi. Hindi namin magagawa yun. Kahit sa academy ng Devron Academy ay walang nakakarating na ganung ulat," paliwanag ni Lysse. "Mahal na prinsesa," may lumapit sa amin na matandang babae. "Nandito ang mga royals. Lumuhod kayo!" dagdag pa nito. Lumuhod nga sila. "Paumanhin po sa tinuran ng batang ito," iwinaslik ng batang babae ang kamay ng matanda. "Ayoko sa inyo! Pinabayaan niyo kami!" Saka ito tumakbo paalis. Batid ko na sobrang lungkot ngayon ni Lysse. Naikwento na sa amin lahat ni Sally. Yung batang nanghingi sa amin ng pera kapalit ng impormasyon tungkol sa akwas. Pero bago yun tinanong muna namin kung ano ba talagang nangyari dito. Ang sabi niya, nitong taon lang daw ng sabihin sa kanila na isang dark shadow na daw ang pamumuno dito. At ang sabi pa ay pinabayaan na ng sacred kingdom ang lugar na ito at ibinenta sa mga taga dark shadow. Nung una ay di sila naniniwala. Pero ilang buwan na ang nakakalipas. Walang dumating na tulong mula sa mga white shadow. Lalo na at ang dating mamamayan ng white land ay pinalayas at ginawa pa sa kanila ang ilan na alipin, tagamina sa minahan at binubugbog na lang ng walang dahilan. Nang makita ko kung paano umiyak si Sally ay di ko maiwasan na di magalit lalo sa mga taga dark shadow. Gulo lagi ang dulot nila. Wala silang awa! "Kaya pala ganun na lang ang asta ng batang babae kanina," sabi ni Enzo. "Ang magagawa na lang natin ay tulungan sila," sabi ni Lysse. "Ang nakakapagtaka bakit walang nagawa yung mandirigma na kakilala mo Lise?" tanong ko. Nakita ko na napayuko si Sally. "Si yung matanda kanina ba?" naging malungkot nanaman siya. "Maging siya ay walang nagawa. Tinarydor siya ng mga tinuturuan niya dati at nakuha ng mga dark shadow ang kanyang kapangyarihan. Hinigop nila itong lahat. Napakalakas nila lalo na yung nakaitim na nakacloak. Kinuha rin nito ang kanyang ginintuang espada." Kung ang matandang mandirigma na malakas sa lugar na ito ay walang nagawa, papaano pa kami? "Kaya natin ito okay?" nakangiting sabi ni Lysse. Pero alam ko na pati siya ay nangangamba sa maaaring mangyari. "Siguro kailangan na nating humingi ng tulong mula sa academy," biglang sabi ni Leanna. "Hindi maaari siguro ako na nandun pa ang mga traydor at nag mamasid lang. At isa pa ayoko madissapoint sa atin si Headmaster," seryosong sabi ni Sebastian at lahat kami ay sumangayon. "Tama si Sebastian malaki ang tiwala sa atin ni Headmaster Jax kaya tayo ang pinadala niya dito," sangayon ni Wright at sa pagkakataong ito ay seryoso ang mukha niya. Talagang nasa seryosong misyon na nga kami ngayon. Hindi kami pwedeng magkamali dahil baka kung ano ang mangyari at maging sanhi ng isang malaking problema. "Kailangan talaga natin maging maingat sa bawat galaw natin. Huwag din tayo basta basta magtitiwala basta basta kahit kanino. Tandaan niyo iyan," Paalala sa amin ni Sebastian. Napa-oo na lang kami kay Ash dahil tama naman ang sinabi niya. Ngayon pa na nalaman namin na kahit sa academy ay madaming traydor. Paano na kaya dito na halos mga dark shadow na ang nakatira. "Mga ate, kuya bilis magtago kayo nag iikot-ikot ang mga dark shadow ngayon baka makita nila kayo," halata sa boses ni Sally na natatakot siya. "Haharapin namin sila kung ganun," sabi ni Dwight labas ng kanyang espada. "Hindi po pwede madami sila saka baka madamay po yung mga kasamahan ko pakiusap po. Madami na po ang namatay sa amin," sabi ni Sally na halos maiyak na. Sa musmos na edad pa lang ni Sally ay alam ko na mabigat ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga dark shadow. "Sige na magtago na lang muna tayo sa ngayon. Tama si Sally. Saka kailangan nating maging maingat," sabi ko dahil lumambot ang puso ko sa nakikita kong natatakot na itsura ni Sally. Mabuti na lang at madali silang makausap. At panigurado ako na kahit gustong-gusto na nila lusubin ang mga dark shadow talagang maantig sila sa pakiusap ng batang si Sally. Kaya pumayag din sila. "Tara po dito," aabi ni Sally at hinila na niya ako. Halos patakbo na nga ang ginagawa namin. Nagkatinginan kami nang pumasok si Sally sa isang maliit na kubo pero sa tingin ko kasya naman kami. Pumasok na kaming lahat dahil nararamdaman na ni Leanna ang yabag ng mga dark shadow. Gaya ng inaasahan ko kasya nga kami pero siksik saka mainit. Sana bandang unahan namin si Sally. Nasa gilid ko naman si Sebastian at Lysse. Si Leanna ay napapangitnaan nina Enzo at Dwight nasa likod naman si Wright dahil siya ang unang pumasok sa amin. May maliliit na siwang sa kubong ito sapat na para makita namin kung ano ba ang nangyayari sa labas. Nakita ko ang dalawang hukbo ng mga dark shadow at may dala-dala silang armas. Yung iba espada na may pananggalan, sibat, axe at pana. "Nasaan yung ibang mga kasamahan mo?" tanong ni Wright kay Sally pero pabulong lang kasi baka marinig kami ng mga dark shadow. "Nagtatago na din po. Gaya ko ay natatakot din sila sa mga dark shadow," sabi ni Sally at kahit nanatakot siya ay nagagawa pa din niya tignan yung dark shadow. "May mga kasama silang revenant," wika ni Leanna at nakatingin na siya sa mga revenant. "Sana nakatago na ang lahat kasi baka mamaya may saktan nanaman sila sa amin kapag nakita nila," napayuko sa Sally pagkatapos niyang banggitin iyon. Napatingin ako sa nanginginig na katawan ni Sally. Titig na titig siya sa revenant. Kahit sino namang bata ay tiyak na matatakot sa naaagnas na itsura ng mga revenant. "Y-yung b-bata." Utal-utal na sabi ni Leanna. Lahat kami napatingin sa batang walang kamalay-malay na naglalaro ng kanyang bola. At nakatalikod siya sa mga dark shadow. Tantiya ko ay nasa apat na taon pa lang ang batang lalake. Nagulat kaming lahat ng may sibat ng pana ang tumusok sa bola ng bata kaya naman pumutok ito. Sandaling natulala ang batang lalake tapos bigla na lang itong umiyak nang umiyak. Nanigas kami sa sumunod na nangyari. Third Person POV Isang kahindik hindik nanaman ang ginawa ng mga dark shadow na siyang naging sanhi ng lubos na pagkagalit ng mga royals maging si Selene. Mabuti na lang at nakagawa agad ng barrier ang magkambal na sina Wright at Dwight kung hindi pare-parehas silang natusta. Bigla na lang kasing umapoy ang buong katawan ni Sebastian dahil sa nasaksihan. At ngayon galit na galit siya. Napaiyak naman si Lysse at inalalayan siya ni Leanna na hindi rin makapaniwala sa nakita. Napakuyom naman ng kamao si Enzo. Natulala si Sally at nandilim ang paningin ni Selene dahil sa ginawa ng mga dark shadow. Lumabas si Selene sa kubong pinagtataguan nila. Nagtataka ang mga kasamahan niya kung saan niya nakuha ang telang ginamit niya para matakpan ang kalahating mukha niya. Hinagis ni Selene ang dagger niya na may kakayahan na parang isang boomerang. Isang hilera ng mga dark ahadow agad ang naglaho. Naalarma ang mga dark shadow at ang tatlong revenant sa ginawa ni Selene. Pinalibutan nila si Selene at handa na silang sugurin siya pero may isang fire ball ang tumama sa isang revenant kaya naman naglaho ito. "Pati bata pinapatulan niyo," Galit na galit na sabi ni Sebastian wala na siyang pakialam kung makita ang kanyang mukha. Imbes na sagutin ng mga dark shadow si Sebastian ay inatake siya ng may mga pana. Pero imbes na mapunta kay Sebastian ay bumalik ito sa mga dark shadow at sila ang napana. Isang hilera nanaman ng mga dark wizard ang naglaho dahil sa wind blade ni Enzo. Hindi na rin nakapagpigil ng bugso nang damdamin sina Lysse at Leanna. Gumawa ng water arrow si Lysse at pinaulanan niya ng arrow ang isang hukbo. May ilan na nakaligtas sa nagagalit sa water arrow ni Lysse pero agad din silang sinaksak ni Leanna gamit ang kanyang di kalakihang espada. Habang ang kambal na sina Dwight at Wright ay mano manong nakikipaglaban sa dark shadow. Napatingin si Wright kay Sally na kamuntikan nang saksakin ng isang dark shadow pero tumalon si Wright at tinira niya ng light beam ang nagtangka sa buhay ni Sally. Binuhat ni Wright si Sally at itinabi sa batang nanghihingalo na at nilagyan niya ito ng barrier para di madamay sa gulong nagaganap. "Bantayan mo siya," bago umalis si Wright ay ginulo muna niya ang buhok ni Sally. Hindi napansin ni Wright ang isang dark shadow at nasaksak siya sa tagiliran. Nagulat siya lalo na si Sally pero ngumiti siya sa bata. "Wright!" Sigaw ng kakambal niya at agad pinatay ni Dwight ang sumaksak sa kakambal niyang si Wright. "K-kuya." Wika ni Sally. "O-okay lang ako." Pilit na ngumiti si Wright at hindi niya ininda ang sakit dulot ng saksak niya sa kanyang tagiliran at lumaban pa din siya. Halos hingal na hingal na silang lahat pero may natira pang isang revenant at limang dark shadow na sabay sabay na aatake sa kanila. Nagkatinginan sina LISE, at aSebastian Lysse at magkambal saka nila sabay-sabay na pinagsama ang kanilang kapangyarihan at tinira nila ang mga kalaban. Hinang hina sila nang magtagumpay sila sa ginawa nila. Hindi pa kasi nila gamay ang ganoong technique. Kaya naman madali sila maubusan ng lakas. Lahat sila ay napaluhod sa sobrang pagod at hingal at sakit nang makita nila na wala ng buhay ang batang sinalakay kanina ng dark shadow. At ang umiiyak na si Sally. Lahat sila ay iisa ang nasa isip ngayon. ANG MAKAPAGHIGANTI. Selene POV "Selene tama na yan hindi na natin maibabalik ang nangyari," sabi sa akin ni Leanna habang pinipigilan ako sa ginagawa ko. "W-wala namang masama kung susubukan ko," sabi ko at pinagpatuloy ko ang paggamit ng healing ability ko pero kahit ako aminado ako na mahina pa iyon dahil ang pinagtuunan ko lang ng pansin noon ay ang mind reading. Umiiyak ako habang sinubukan ko na ibigay sa bata ang buong lakas ko. Wala na akong pake kung maubos ang enerhiya ko basta mabuhay lang ang bata. Itinapat ko ang kamay ko sa dibdib niya at lumiwanag ng kulay puti ang kamay ko. Nararamdaman ko na umiinit ang palad ko. Tanda iyon na may lumalabas na enerhiya mula sa katawan ko. Tatlong oras na namin papalit-palit na gawin 'to pero nanghina lang sila. Si Lysse nga ay dumugo pa ang ilong. Alam ko na bawal na bawal sa amin ang buhayin ang isang patay na. Pero para sa isang batang inosente handa akong sawayin iyon. Mabuti na lang tumulong din ang mga royals at si Leanna pero hanggang ngayon wala pa din nangyayari. Humantong nga na lahat sila ay nawalan na nang pag-asa. Pero ako hindi. Hindi ako mawawalan ng pag asa kahit na ikamatay ko pa. "T-tama na Selene baka kung ano pa ang mangyari sayo," naiiyak na sabi ni Lysse. "Hindi ko ito pwede ihinto. Bata pa siya. Alam ko na madami pa siyang gustong gawin dito," hagulgol na sabi ko saka ko naramdaman na may mainit na lumalabas sa ilong ko. "Y-yung ilong mo," nanlaki ang mata ni Leanna ng makita niya na dumudugo na ang ilong ko. Nakaramdam na din ako ng pagkahilo. Pero tuloy-tuloy pa din ako. Umaasa na gumising ang bata. Nagulat na lang ako nang may kamay na pumatong sa kamay ko. Napatingin ako kay Sebastian na ngayon ay seryoso. Lumiwanag ang kanyang palad at naramdaman ko na lumakas yung pinaghalong enerhiya namin. "S-Seb," utal na sabi ko bago hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako sa sikat ng araw. Nakapa ko ang noo ko na may basa pang tela. Ang huli kong natatandaan ay tinulungan ako ni Seb para buhayin yung bata. Tapos... "Buti gising ka na." "Ah oo." "Kung kaya mo na mag-ayos ka agad ng gamit mo. Aalis na tayo dito," sabi ni Seb saka siya umalis. Nagtataka man sinunod ko na lang siya isa pa okay na din naman ang pakiramdam ko. "Bakit kailangan nating umalis dito?" tanong ko sa mga kasamahan ko kasi talagang nagtataka ako. Sa pagkakaalam ko may mission pa kami dito. "Hindi na tayo ligtas sa lugar na ito pagkatapos ng nangyari kahapon. Sigurado ako lulusob nanaman dito ang dark shadow," sagot sa akin ni Enzo. "Paano ang mamamayan dito? Hindi natin sila pwedeng iwanan dito," may halong pag aalala na tanong ko. "Relax Selene hindi natin sila iiwanan," sagot naman ni Seb na buhat na buhat ang malungkot na si Sally. "Doon muna sila pansamantala sa Lasou Tribe," sabi ni Lysse na nasa likuran niya yung mga mamamayan ng white land na handa na para umalis dito. "Yung bata?" bigla kong tanong pero lahat sila nag iwas tingin at napayuko. Iisa lang ang ibig sabihin ng aksyon nila... Wala na siya. "Lahat ba nakapasok na sa portal?" rinig kong tanong ni Seb. "Oo, nandun na din sa kabila sina Wright, Dwight at Leanna para alalayan ang iba," sagot ni Lysse. Ako naman nananatili ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin sa papalubog na araw. Napapatanong ako. Kapangyarihan lang ba ang mahalaga sa mundong ito? Kapag mahina ka wala kang laban sa mas malakas sayo. At meron namang malakas na nga pero hindi pa din makuntento sa kapangyarihan nila. Pati mga inosente nadadamay dahil sa kapangyarihan. "Selene tara na," nakangiting aya sa akin ni Lysse kaya naman napalingon ako. "Tapusin na natin ito para makabalik na agad tayo sa academy. Pagbalik natin ng academy pwede niyo ba ako tulungan para magpalakas?" buong tapang na sabi ko kila Sebastian at Lysse. Noong una ay nagulat sila parehas pero ngumiti din naman sila sa akin. Ngayon ko lang talaga narealize ang mga bagay bagay. Marahil ay umikot lang ang buhay ko sa loob ng academy ng tatlong taon. Sa mundong ito kung gusto mo talagang ipagtanggol ang nakakarami kailangan mo muna maging malakas at matatag para maharap mo nang maayos ang mga problema. Lalo na ang masasamang dark shadow na walang ginawa kundi ang pumatay na lang ng pumatay. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD