Chapter 7 : Two Weeks

1118 Words
Chapter 7 : Two Weeks Sebastian POV Sinubukan namin na habulin sila at bawiin si Charity pero madaming revenant ang humarang sa daraanan namin at pinaulanan kami ng dark magic. "Ang mga Lasou baka madamay," sabi ni Selene kaya naman nagmadali ang magkambal para gumawa ulit ng barrier para protektahan ang tribo ng Lasou. At si Leanna naman ay tinipon tipon ang mga kababaihan para tulungan ang mga sugatan. "Ibalik niyo si Charity!" sigaw ko saka pinagtitira ko ng apoy ang mga revenant. Hindi pwedeng makalayo yung mga golem. Gumawa si Lysse ng water rope at sabay-sabay na hinampas niya ang nga revenant. Si Selene naman ay pinagbabato niya ng dagger ang mga revenant nang biglang may lumabas na isang nilalang na naka-cloak hindi kita ang kanyang mukha. Pero kalansay na lang ang mga kamay niya. Ang bilis ng pangyayari kaya hindi ko na naiwasan ang bolang itim na galing mismo sa kanyang bibig at tumama sa aking tyan. "Aaaaah!" sa tindi ng hapdi, sakit, kirot ay nawalan na lang ako ng malay. Lysse POV Dalawang araw na kaming namamalagi dito sa Lasou Tribe. Dalawang araw na din na walang malay si Sebastian. Dalawang araw na din simula nung nakuha ng mga golem at revenant si Charity. Paano namin mapapaliwanag to kay Haring Leo at Reyna Kristal, ang ama at ina ni Charity Luna. Tiyak magagalit 'yun dahil napabayaan namin ang nag-iisang anak nila at nakuha ito ng mga kalaban habang wala kaming nagawa. "Magigising pa kaya si Seb?" Napakunot noo ako kay Selene, kung bibilangin ko kung ilang beses na siyang nagtanong sa akin kung magigising pa ba si Sebastian siguro hindi ko na mabilang sa sobrang dami. Saka simula kahapon Seb na lang ang tawag niya. Ayaw pa naman ni Sebastian na tinatawag siya ng ganun. Halata kay Selene na nag aalala siya. Maging si Enzo ay sinisisi niya ang nangyari nung isang araw. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nakuha sa amin si Charity. Hindi man aminin ni Enzo ay may pagtingin siya kay Charity kahit nung maliliit pa kami ay nahahalata na namin iyon sa kanya. "Matanong mga kita Selene may gusto ka ba kay Sebastian?" nagulat siya kaya naman tinalikuran niya ako at nakipaglaro sa mga bata. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Pansin ko din na nagiging masayahin na siya nitong nakaraan. Nawala yung masungit na aura niya. Sana magtuloy tuloy na iyon. Selene POV "Ang hari at reyna!!!" Sigaw na nanggagaling sa labas kaya naman lumabas kaming dalawa ni Lysse sa bahay ng isa ng taga Lasou Tribe. Nakita namin na yumukod sina Dwight, Wright, Leanna at Enzo. Lumapit pa kami at yumukod din sa harap ng hari at reyna. Sila ang namumuno sa earth kingdom. "Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo. Pati na din ang pagkawala ng sacred princess. Mas malaking gulo ang pagkawala ng prinsesa kesa sa pagkawala ng prinsipe ng earth kingdom," mahabang sabi ni Reyna Boa "Kaya naman dinideklara namin na bumalik na lang kayo sa academy at ibalita sa hari ng Sacred Kingdom ang nangyari dito," dagdag na sabi ni Haring Hezreal. "Marapatin niyo po akong magsalita," nakayukong magalang na wika ni Lysse. "Sige Prinsesa Lysse," sagot ni Haring Hezreal. "Nais po sana namin na tumulong sa pagkawala ng prinsipe ng inyong kaharian." Malungkot na pahayag ni Lysse. "Sisiguraduhin po namin na maibabalik namin ang inyong mahal na anak," sagot naman ni Wright. Napailing ang reyna sa mga sinabi nila. Nababasa ko na walang tiwala ang reyna sa amin. Habang ang hari ay nag-iisip pa ito ng kanyang isasagot. Napapansin ko na parang may mali? Pero hindi ko naman matukoy kung ano nga ba ang mali. "Wala nga kayong nagawa noong kunin ng mga kalaban ang Sacred Princess. Paano niyo magagawang maibalik ang prinsipe ng Tierra Kingdom?! Nagkamali yata ng pinadala ang Headmaster ng Devron Academy para sa misyong ito. Dahil simpleng misyon lang ay 'di niyo pa magawa. Naturingan pa naman kayong mga anak ng hari at reyna!" Bakas na bakas sa boses ng reyna ang sobrang galit. Sasagot sana ang hari ngunit naunahan ko siyang magsalita. "Mawalang galang na mahal na reyna. Pero ang misyong ito ay 'di ganung kasimple dahil bawat galaw na gagawin namin ay kailangan naming pag-aralan ng mabuti. Buhay po ng prinsipe ang pinag uusapan. At hindi po basta-basta na kami ay lumusob sa mga kalaban. At ang tungkol sa pagkawala ng Sacred Princess ay di rin po namin gusto. Sadyang nilubos lang ng mga kalaban ang pagkaubos ng aming enerhiya." Buong tapang na sagot ko. Kaya naman siniko ako ni Leanna. "Sino ang matapang na babaeng ito? Dalhin siya sa aking harapan!" utos ng reyna sa mga kawal at hinawakan nila ako sa braso at pwersahang dinala sa harap ng hari at reyna. Napansin ko na kanina pa din nakatingin sa akin si Haring Hezreal. "Huwag niyo po siya sasaktan," napatayo si Leanna at akala ng mga kawal ay lulusubin niya ang hari at reyna. Kaya naman tinutukan siya ng mga espada sa leeg. Naalarma naman iba naming mga kasama. Maging ang Lasou Tribe ay walang nagawa dahil natatakot din sila. "Ano ang pangalan mo matapang na babae?" tanong ng reyna. "Selene Flaire po," taas noo kong sagot. "Flaire," pag-ulit ng mahal na hari sa apelyido ko at tumingin siya sa reyna na tila may naaalala. May sasabihin si Haring Hezreal ngunit hinawakan ng mahal na reyna ang kamay ng kanyang kabiyak kaya naman siya na lang ang nagsalita. "Hindi ko gusto ang pag sagot mo sa akin," halata sa boses ng mahal na reyna ang 'di niya ako gusto. "Pero nagsasabi lang naman po ako ng katotohanan," "Alam mo bang maaari kitang ipakulong dahil sa kabastusan mo?" sagot ng reyna. Hindi na lang ako sumagot dahil baka mas lalong lumala. Maging sina Lise, Wright, Dwight at Enzo ay may espada na ding nakatapat sa kanilang leeg. "Wala na kaming magagawa kundi ang sapilitan kayong ibalik sa Devron Academy. Tara na mahal na reyna." Pasakay na sana sila sa kwarwahe nila ngunit natigil ang pagsakay nila dahil sa sinabi ko. "Payagan niyo na po kaming ituloy ang misyon na hanapin ang mahal na prinsipe. At kung kami ay mabigo ay buhay ko ang magiging kapalit," buong tapang kong sabi. Napaawang ng labi ang mga kasama ko sa sinabi ko "Nababaliw ka na ba Selene?" unang beses na narinig kong nagsalita si Dwight ng mahaba at agad rin akong napatingin sa kahal na reyna ng Tierra Kingdom. "Masyado kang matapang kaya naman pagbibigyan kita pero sa loob lang ng dalawang linggo. At kung magtagumpay kayo. Bibigyan kita ng limang kahilingan," sabi ng mahal na hari na ikinagulat ng reyna dahil nasabi iyon ng mahal na hari. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD