Chapter 6 : What happened?

1232 Words
Chapter 6 : What happened? Selene POV "Bilisan niyo ang babagal niyong kumilos!" Sigaw nila sa amin at tinulak tulak pa nila kami. "Ouch! ano ba?!" napatingin sa amin ang lahat dahil sa pagsigaw ni Charity Luna. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan nakatira ang tribo nila. Nakaposas pa nga kami. Nasa gilid lang sila ng mountain. Ibig sabihin sakop ng Tierra Kingdom ang lugar na ito. Inikot ko ang paningin ko, bakit may mga revenant dito? "Mga revenant," narinig ko ang boses ni Sebastian ibig sabihin kinakausap niya ako. "Anong ginagawa nila dito?" tanong ko. "Ewan ko, maging ako 'di ko alam. Kaya mo bang pagkonektahan ang mga isip nating lahat?" tanong niya. "Oo, pero isa sa inyo ang 'di ko na masasakop. At may limitasyon 'yun." "Sige lang bibilisan na lang natin. Ikaw na bahala kung sino ang hindi mo isasali." Finocus ko ang sarili ko at nakarinig ako ng ilang tunog na para bang may mga pinto ang nagbukas. Pagkatapos nun madami ko nang nagawa na pagkonektahin ang mga isip nila. Si Charity ang napili ko na wag na lang isali. "Mga revenant!!!" nangiwi ako sa pagsigaw ni Lysse. "Ang sakit Lysse," angal ni Enzo. "Sorry, nagulat lang ako. Nakakatakot pala ang itsura nila." Magising si Lysse ay nakakatakot ang itsura. Ang mga revenant ay mga nilalang na galing na sa pagkamatay. In short patay na sila at muling binuhay sa pamamagitan ng itim na mahika. Ang itsura nila ay medyo kita na ang pagiging kalansay nila. Tapos yung naagnas nilang katawan pati mukha. Isama mo pa ang nakakasulasok na amoy nila. "Ganun pa din yung plano," sabi ni Sebastian at tumango kami ng sabay-sabay. Sebastian POV "Ngayon na," sabi ko sa kanila at mukhang narinig naman nila iyon sa kanilang isip. Madali naming tinanggal ang posas dahil maluwag ang pagkakalagay. Patakbo na kami sana pero may medyong malaking bato ang tumama sa isa sa mga nakausap namin kanina na kasama sa tribo nila at agad niya itong ikinamatay dahil may tulis ito at tumama ito sa kanyang noo. Nagsimula ang iyakan at sigawa. Maging kami ay di nakakilos. "Hahahahahaha!" napatingin kami kung saan nanggaling ang tawa. "Mga gonggong! Akala niyo di ko alam kung sino kayo?" yumayanig ng bahagya ang lupa dahil sa kalakihan niya at bigat. "Yangkz!" sabi ko at naikuyom ko ang kamao ko. Si Yangkz ay isang ogre. Dati siyang naninilbihan sa Earth Kingdom at siya ang kanang kamay ng hari. Hindi ko alam kung bakit nasa panig na siya ng kasamaan. "Prince Sebastian," lumapit ito sa akin at yumuko na tila ba nangaasar saka niya ako sinapak na ikinadahilan ng pagtalsik ko sa puno. Nagsigawan ang mga kasamahan ko at kitang kita ko kung paano sinugod ni Selene si Yangkz at mabilis na sinuntok sa mukha pero higit na mas malakas si Yangkz at hawak pa niya ang gem stone ng earth kingdom. "Matapang ka ha," Natatawa ito saka sinakal si Selene at inangat sa lupa. "Selene!" sigaw ni Lysse. "Ang swerte ko kayo pa mismo ang lumapit sa akin," sabi niya. Nakita ko na nahihirapan nang huminga si Selene. Kaya pinilit kong bumangon kahit na sobrang sakit ng pagkakabato niya sa akin. Pinipilit niya ding makawala ni Selene. "B-bitawan mo siya!" sabi ko habang patayo. "Oh e 'di bitawan," sabi ni Yangkz sabay ngisi at binato sa direksyon ko si Selene. Sabay kaming bumagsak at nadaganan ako ni Selene. "Selene okay ka lang?" tanong ko dahil paubo-ubo siya. "Sacred Princess," sabi niya at tumingin kay Charity. Dahil sa takot ay napatago si Charity sa likod ni Enzo. "Palibutan ang prinsesa," utos ko. "Sel-Sebastian," hindi pwedeng malagay sa panganib ang prinsesa. Dapat hindi na namin siya sinama sa misyon kung ito ang mangyayari. Agad na pinalibutan ng mga revenant sina Lysse at hinawakan sila nito sa braso. "Aaaaah!" sigaw nilang lahat dahil nakakapaso ang mga kamay ng revenant. "Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong ko kay Yangkz. "Simple lang dahil sa kapangyarihan. Tapos na ang paghahari niyong walang kwentang mga royalties." "Walang kwentang dahilan!" seryosong sabi ni Selene at pinilit niyang tumayo. "Selene," tawag ko sa kanya dahil alam kong masakit ang mga natamo niyang sugat. "Dahil lang ba sa kapangyarihan kaya pumapatay ka ng walang kalaban-laban na nilalang na katulad nila? Eh mahina ka pa din pala kung ganun?" napangisi si Selene dahil napipikon sa kanya si Yangkz "Ang tabil ata ng dila mo babae." "Bakit nasasaktan ka? Kasi totoo." Dahil sa pagkapikunin ni Yangkz ay sinugod na niya si Selene. Dali-dali rin akong tumayo at pinatamaan ko ng apoy ko ang mga revenant na may hawak sa kasamahan namin. Agad naman silang naglaho. Kita namin kung paano sinusugod ni Yangkz si Selene ng suntok at mabilis niya itong naiiwasan. Katulad nung nagprapractice siya kaninang umaga. May mga revenant din ang sumugod sa amin dahil sa dami nila ay natagal kami bago namin sila maubos. Inutusan ko sina Lysse at Leanna na pakawalan ang mga kababaihan at sina Wright at Dwight tulungan ang mga sugatan at si Enzo para bantayan ang prinsesa. At ako habang nakatalikod si Yangkz ay sinipa ko siya sa likod niya. Kaya nabaling sa akin ang atensyon niya. Kaya madaling napatamaan ni Selene ang tenga ni Yangkz at agad na naputol. "Aaaargh! Ang tenga ko!" ngayon galit na galit na siya dahil sa pagyanig ng lupa. "Selene okay ka lang?" tanong ko. "Oo, napansin ko na may kumikinang sa noo niya baka ayun na yung gem stone," sabi niya sabay turo sa noo ni Yangkz. "Kailangan nating makuha yun," determinadong sabi ko. "Yung alaga ko pwede niyang makuha yun dahil nakakalipad siya," sabi ni Selene. "Sige, ako na bahala para lituhin si Yangkz." Binato ko agad ng fire ball ang kinalalagyan ni Yangkz habang dinadaing niya pa ang sakit ng pagkaputol ng tenga niya. Ginamit ni Yangkz ang gem stone para mapagaling ang sugat niya. Agad namang may pumalibot sa kanyang limang malalaking bato at binato niya sa amin ni Selene. Tumalon ako sa isang bato at pinatamaan ko ng apoy ko ang isang bato at sumabog ito. Si Selene naman ay sinuntok niya lang ang isang bato at umilag siya sa susunod na bato. Nagulat na lang kami ng biglang nabahati sa gitna ang isang bato yun pala ginawa ni Enzo. Nag-thumbs up sa amin si Enzo. Tapos yung isa binato na lang ni Selene ng isang dagger. Patakbo lumapit sa amin si Yangkz at susugurin sana kami. Agad na sumipol si Selene at tinawag ang alaga niyang unggoy na may pakpak. Mabilis itong lumipad na para bang alam na ang gagawin. Tinira ko ng fire arrow ang isang mata ni Yangkz kaya naman nawawalan siya ng kontrol. "Arrrrgh! Magbabayad ka!" sigaw niya. Hindi niya napansin ang paglapit ng alaga ni Selene at matagumpay na nakuha ang gemstone sa kanyang noo. Mabilis na binigay ng alaga ni Selene sa kanya ang gemstone saka umalis. Binigay sa akin ni Selene ang gemstone at agad na binato ni Selene ang mga paa ni Yangkz ng dagger kaya napaupo ito. "Nasaan ang gemstone? Nasaan?!!" nagwawala na ito. Agad na gumawa ng barrier si Wright para di matamaan ng pagwawala ni Yangkz ang ibang mga Lasou Tribe. Nagulat na lang kaming lahat ng bumagsak si Yangkz at nakita ko na may tatlong pana nakabaon sa dibdib  niya na kanyang ikinamatay. "Sebastiaaaaaan!!!!" Napatingin kami sa gawi nila Charity at Enzo. "Hindi!!!!" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD