Chapter 3 : Golem

1591 Words
Chapter 3 : Golem Lysse POV Malapit nang sumikat ang araw pero wala pa rin si Selene. Kanina pa kasi kami naghihintay dito sa kanya. Ang usapan kasi ay aalis kami bago sumikat ang araw. "Ano ba yan! Iwanan na natin siya," pagrereklamo ni Charity Luna. Kahit kailan talaga napaka inipin niya. "Tayo ang mapapagalitan kapag iniwan natin siya," sabi ko atsaka alam ko naman na darating si Selene. "Maghintay pa tayo," sabi ni Wright. Halata din kay Sebastian at sa iba na naiinip sila. Ayaw pa naman ni Sebastian na pinaghihintay siya. "Eto na pala siya eh," Masigla kong sabi ng makita ko na papalapit na sa amin si Selene habang may dalang bag. "Ang kupad mo!" bungad sa kanya ni Charity Luna. Pinuntahan ko na agad si Selene at hinawakan sa braso niya. "Pasensya na bad mood kasi siya wag mo nang pansinin pa," nakangiti kong sabi sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kaya naman napabitiw ako sa kanya. Hindi ko alam unang beses ko pa lang siya nakikita kahapon pero ang gaan-gaan na agad ng loob ko sa kanya kaya naman gusto ko siyang maging kaibigan. Nasa unahan ko siya. Palinga linga siya sa dinadaanan namin na para bang sinasaulo niya ang bawat madaanan namin. Ngayon ko lang napansin ang kulay brown niyang buhok na hanggang bewang niya. Tapos nung lumingon siya nakita ko din na nakasuot siya ng salamin. At bumagay yun sa kanya. Nabigla ako nung lumingon siya sa akin. Nakalimutan ko na nakakabasa nga pala siya ng isip. Kaya naman sinarado ko na ito para hindi niya mabasa ang aking isipan. Tumigil si Sebastian kaya naman tumigil din kami sa paglalakad. "Magpahinga muna tayo. Ayun na yung pasukan papuntang Deep Forest," sabi ni Sebastian habang nakatanaw sa pasukan ng Deep Forest Isang malaki at napakalawak na kagubatan ang Deep Forest. Iba't ibang halaman, bulaklak at hayop ang makikita doon. May mga mythical creatures pa nga daw ang nakatira sa kagubatang ito. Iyon ay ang tinatawag na draco. "Bakit hindi natin gamitin ang navis royale? Mas mapapadali tayo," mungkahi ni Charity Luna. "Sige, gamitin mo 'yun para makain ka ng mga halimaw jan," walang ganang sagot ni Selene. Bilib ako sa katapangan niya pero hindi niya ba alam na prinsesa ang sinasagot niya 'di ba siya natatakot? "Ako ba talaga kinakalaban mo?!" pikon na sabi ni Charity Luna. Inakbayan naman siya ni Wright at ngumiti. Sa tuwing may inaaway si Charity Luna ay si Wright ang gumagawa ng paraan para kumalma ang prinsesa pero lagi naman siyang sinusupalpal ni Charity Luna. "Ang aga-aga prinsesa ang init ng ulo mo. Smile ka naman jan," napailing na lang ako kay Wright. May akin ding kalandian ang lalakeng to. "Oras na gamitin natin ang portal magigising ang natutulog na halimaw sa deep forest kaya hangga't maaari wag muna natin 'yun gamitin," paliwanag ni Sebastian. Siniko naman ni Charity si Wright. Kaya nagkunwari pa itong nasasaktan. Nanatiling tahimik si Dwight at Leanna at wala yata silang balak na kumibo. Si Selene naman ay nakatingala at nakapikit. Samantalang ako ay gumawa ako ng maliit na upuan na gawa sa tubig. Si Enzo din tahimik at parang kanina pa may iniisip. "May mga paparating," biglang sabi ni Selene kaya kaming lahat napatingin sa kanya. "Isa." "Dalawa." "Tatlo." Pagbibilang ni Selene kaya naman naalarma ako. "Maniwala na lang tayo kay Selene mukhang nagsasabi naman siya ng totoo," sabi ko. Napapatingin tuloy ako sa aming kapaligiran. Kailangan naming maging alarma sa pagkakataong ito. "Sigurado ka ba Selene? Leanna, May nararamdaman ka ba?" tanong ni Wright. "Oo sigurado ako," taas noong sagot ni Selene kay Wright. "Nasa tatlong hukbo sila at ang bilang nila ay sampu kada hukbo. Papunta sila rito sa direksyon natin," dugtog ni Selene na nakapikit pa din. "Pero wala akong naririnig o nararamdaman man lang," sagot ni Leanna. Ang kakayahan kasi ni Leanna ay marinig at maramdaman kung may papalapit na nilalang sa kanya. Kaya kapag sa labanan ay malaki iyong advantage kasi malalaman niya agad kung saan papunta o kung ano ang target ng kanyang kalaban. "Pinagloloko mo lang yata kami!" Sigaw ni Charity Luna kay Selene "Sige bahala kayo," Sabi ni Selene at umalis. "Haharapin natin sila." matapang na sagot ni Sebastian. "Ito na din ang magsisilbing training natin para sa araw na ito. Ready?" "Ready," sagot naming lahat pwera kay Charity na nakatago na sa likod ni Sebastian. Third Person POV Biglang yumanig ang lupang kinatatayuan nila. Ibig sabihin papalapit na ng papalapit ang tatlong hukbo ng kung sino man o ano mang nilalang na iyon. Biglang tumalon si Enzo sa ere ng napakataas. At nagulat siya sa kanyang nakita. Pangalawang beses niya pa lang kasing nakakita ng ganitong nilalang sa tanang buhay niya. "Mga golem, mag ingat kayo." sigaw ni Enzo sa kanyang mga kasamahan. Ang mga golem ay gawa sa clay o 'di kaya naman bato. Pinagsama-sama ito upang mabuo ang malaking nilalang na tinatawag na golem. Sobrang laki nito at matangkad. "Raaawr!" Sigaw ng mga golem ng makita nila ang mga royals. Biglang yumanig ulit ang lupa dahil pinapadyak nila ng malakas ang kanilang papa at lumakas rin ang hangin. Nagsilabasan tuloy ang iba't ibang mga ibon sa kagubatan dahil naistorbo sila sa ingay na gawa ng mga golem. "Lysse!" Sigaw ni Wright kay Laysse ng muntikan na siyang matamaan ng malaking paa ng isang golem mabuti na lang at alerto si Lise at nakatalon siya at nagawa ng water rope na agad niyang ipinulupot sa leeg ng golem na umatake sa kanya. Pero nagulat siya ng masira ng golem ang rope na gawa ni Lise. Mabilis na nag-teleport si Lise papunta sa kanyang mga kasama. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Wright sa kanya. "Oo, salamat nga pala kung di mo pa ako sinabihan baka napuruhan na ako," sagot sa kanya ni Lysse. "Mag-ingat ang lahat nararamdaman ko na hindi sila basta basta golem lang," sabi ni Sebastian habang nailag sa mga paa ng golem. "Ang dami nila at di pangkaraniwan ang laki nila," kumento naman ni Dwight. "Tama ka, nagtataka lang ako at bakit sila lumaki ng ganyan," sabi ni Enzo. "Ang laki nila pero di ko man lang naramdaman ang pagdating nila," nakayukong sabi ni Leanna. Habang si Selene ay naka printeng nakaupo sa sanga ng puno at pinagmamasdan ang royals. Walang plano si Selene na makipaglaban sa mga golem. Alam naman ni Selene na kayang-kaya na iyon ng mga kasama niya. "Selene, bantayan mo ang prinsesa," tinutukoy ni Sebastian si Charity Luna na naiwanan sa isang sulok dahil natatakot ito sa mga golem. "Bakit ko gagawin 'yun? At isa pa kaya naman siguro niyang alagaan ang sarili niya," walang ganang sagot ni Selene. "Follow my order!" matigas na sabi ni Sebastian at agad na gumawa ng limang fire ball sa kamay niya at pinatama sa katawan ng golem pero parang hinigop lang nito ang fire ball ni Sebastian. Kaya medyo naiinis si Sebastian. Nanlaki ang mata nila dahil biglang may namuong pulang liwanag sa mga bunganga ng halos trentang golem. Papatamaan sila ng mga golem ng laser na nagmumula sa kanilang bunganga. At kapag matamaan sila nun ay tiyak na ang maaga nilang kamatayan. "Maghanda kayo!" sigaw ni Selene at agad na pinuntahan si Charity at hinila palayo doon. "Bitawan mo nga ako!" bulyaw sa kanya ni Charity Luna at nagpupumiglas pa ito sa hawak ni Selene. "Wag ka na mag-inarte prinsesa, ayoko din naman gawin to pero kailangan," sagot ni Selene sa kanya. Napasigaw si Charity Luna ng sabay-sabay silang pinatamaan ng laser na galing sa bunganga ng mga golem. Sumabog ito at natumba ang mga puno at nagkaroon ng makapal na usok dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Nabalot din ng liwanag ang buong paligid dahil sa pagpapatuloy ng pagsabog dahil laser ng golem. Di nila inaasahan na ganun katindi ang laser ng golem kaya tumalsik silang lahat. Agad namang kinontrol ni Enzo ang hangin upang di sila makapaghiwahiwalay. Kahit hirap ay nagawa ito ng maayos ni Enzo. Nang sama-sama na sila ulit ay gumawa agad ng barrier ang magkambal na si Wright at Dwight. Dahil hindi pa gabi ay di pa lubos na buo ang kapangyarihan ni Dwight dahil dark user siya sa buwan nanggagaling ang kapangyarihan niya. Kaya naman halos kay Wright nanggaling ang barrier dahil light user siya at sa araw siya kumukuha ng lakas. Hindi naabot nina Wright at Dwight  ng kanilang barrier sina Selene at Charity Luna dahil may kalayuan ang pwesto nina Selene sa kanila. Samantalang si Selene ay mabilis na inabot ang dagger sa bulsa niya at agad na tinarak sa puno at kumapit siya ng mahigpit dito. Si Charity Luna naman ay mahigpit ang kapit sa damit ni Selene na halos mapunit na. Nang mawala ang hangin at usok ay agad na nagpalit ng anyo si Wright bilang isang puting lobo na may pakpak. May kalakihan ang lobong anyo ni Wright pero mas lamang pa rin ang laki ng mga golem. Sa pagkakataong ito naiinis na si Wright sa mga golem. Nagpalabas si Wright ng laser sa mga golem gamit ang light laser niya na galing naman sa dalawa niyang mata. Tinamaan niya ang limang golem na sinisira ang mga puno. Natumba ang dalawa at ang tatlong napuruhan ay biglang naging itim na usok. Naghanda ang mga royals at sabay-sabay nilang patatamaan ang mga golem ng kanilang kapangyarihan ng biglang may sumigaw kaya napatigil rin ang mga golem sa pag atake. Ang boses na iyon ay parang nanggaling pa sa ilalim ng lupa. "Maghanda kayo, tiyak akong kalaban siya." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD