Chapter 4 : Prince of Light and Dark Kingdom

1398 Words
Chapter 4 : Prince of Light and Dark Kingdom Third Person POV "Mga pakialamero!!" Sigaw ng isang nilalang na animo ay galing sa ilalim ng lupa ang boses. Naging madilim ang paligid kahit na tanghaling tapat pa lang. Kumidlat ng ilang beses at nagbabadya ang pag ulan. Unti-unting nanghina ang katawang lobo ni Wright na kanyang pinagtaka. "Anong nangyayari kay Wright?" may pag-aalalang sa tono ni Lysse. "Tingin ko dahil sa pagdilim kaya nanghina ang katawang lobo niya," Sagot ni Dwight na ngayon ay nakatingala na kay Wright. "Babagsak siya," Sabi naman ni Leanna. "Ako ng bahala," sabi ni Enzo at inutusan niya ang hangin para dalhin sa kanila ang katawan ni Wright na nanghihina na ngayon. "Myghad my hair!" pagrereklamo ni Charity ng mahawakan niya ang gulo gulo niyang buhok. "Ang dumi dumi ko na," iyak na sabi niya ulit. Inirapan na lang ni Selene si Charity dahil sa pag-iinarte nito. "Manahimik ka nga. Di ka naman nakakatulong nag-iinarte ka pa," realtalk na sabi ni Selene kay Charity. Agad na tumakbo si Selene sa kasamahan nila. At nakita niya ang walang malay na si Wright. "May kahinaan din pala ang isang royals," biglang sabi ni Selene. Narinig ni Lysse ang sinabi ni Selene. Naging malungkot ang tugon ni Lise kay Selene. "Ito ang tunay na kami Selene. Hindi porket royalties kami ay wala na kaming kahinaan. Na perpekto ang lahat sa amin. Iyon ang tingin ng karamihan sa amin. Lalo na ikaw.  Ang kaibahan lang ay mga anak kami ng namumuo sa mundong ito. Pero nahihirapan at nasasaktan din kami. Kaya sana Selene magbago ang tingin mo sa amin. Hindi kami yung iniisip mong porket royalties mayayabang , matataas o kung ano mang negatibong pag iisip." Mahabang sinabi ni Lysse na ikinayuko ni Enzo. Na ikinaiwas ng tingin ni Dwight. At na ikinakuyom ng kamao ni Sebastian. Tama nga ang lahat ng sinabi ni Lysse. Lahat silang mga royalties ay nakakagawa din ng mali. May kahinaan at madalas nahihirapan. Nakaramdam ng guilty si Selene sa sinabi ni Lysse. Naisip niya na hindi lang pala siya ang nakakabasa ng isip ng iba nakalimutan niya kung sino ang mga kasama niya. Mga royalties. Gusto sanang mag sorry ni Selene. Pero nagulat sila ng may itim na bola ng apoy ang tumama sa kinalalagyan nila. Mabuti at alerto sila at nakaiwas sila. "Tapos na ba ang kadramahan niyo?" sabi ng boses ulit. "Sino ka? Magpakita ka!" Sigaw ni Sebastian. "Sino ka din para utusan ako?! Walang kwentang nilalang sugurin sila!!" Muli ay sinugod sila ng mga golem. "Lysse kaya mong lagyan ng tubig ang lupang kinatatayuan nila?" Tanong ni Sebastian. "Oo kaya ko." "Good, Enzo kailangan ko ng malakas na hangin yung magiging yelo ang tubig ni Lysse." "Roger." "Ayan na sila," sabi ni Leanna. "Dwight, maghanda ka may buwan ngayon. At dahil may buwan magagamit mo ng buong lakas ang kapangyarihan mo," nakatingin na sabi ni Sebastian kay Dwight. Habang si Selene ay nakatingin kay Sebastian habang nagplaplano ito. Namangha siya sa kalmadong lagay ni Sebastian sa kabila ng kalagayan nila ngayon. "Ngayon na," utos ni Sebastian. Itinaas ni Lysse ang kanyang dalawang kamay at nag-focus siya saka may tubig na lumabas sa mga kamay ni Lysse. Tumatakbo na ang tatlong golem sa direksyon nila. Ng sapat na ang tubig ay agad na kinontrol ni Enzo ang hangin at pinapunta sa direksyon ng tubig. Sa sobrang lakas ng hangin ni Enzo ay nahirapan na tumakbo ang mga golem. "Lakasan mo pa Enzo. Kaya mo yan," sabi ni Leanna. At ginawa nga ni Enzo. Unti unti ay naging yelo ang kanina ay tubig lang. Ang mga golem na tumatakbo kanina ay nadulas at bumagsak sila. Agad na gumawa si Sebastian ng fire rope at agad na ipinulupot sa katawan ng mga golem na natumba. Si Dwight ay nagmadaling magpalit ng anyo. Nagkaroon siya ng sungay , pangil , at itim na pakpak. Ang demon. Selene POV Napatingin ako kay Dwight. Naging nakakatakot ang itsura niya. Maganda din ang team work nina Enzo at Lysse dahil magaling magplano si Sebastian. Napatingin ako sa mga itim na ugat na palihim na gumagapang papunta kay Dwight. Agad kong kinuha ang mga dagger ko at binato ko sa mga itim na ugat. Napatingin sa akin si Dwight dahil hindi niya inaasahan na gagawin ko yun. "Salamat," sabi niya sa pamamagitan ng mind-link. Ngumiti na lang ako bilang ganti. May mga golem pang sumusugod. Pero agad din naman silang pinaulanan ni Dwight ng dark arrow. May pagkakataon pa parang hinihigop lang nila ito pero napansin ko na may limit ang ganun. "Dwight, bilisan mo ang paglabas ng dark arrow. Napansin ko na may limit ang paghigop nila sa mga kapangyarihan niyo," sabi ko at ayun nga ginawa ni Dwight. "Ang galing mo Selene," biglang sabi ni Wright na may malay na pala. "Teka kaya mo na ba?" tanong ni Leanna. "Oo salamat," nakangiting sabi ni Wright. "Leanna? Bakit hindi mo magamit ang hearing ability mo?" tanong ko kay Leanna. "Kahit ako nagtataka Selene. Kanina ko pa hindi magamit 'to pagkatungtong pa lang natin sa lugar na ito," paliwanag ni Leanna. "Nagtataka ako anong ginagawa ng mga golem dito at papunta sila sa deep forest?" tanong ni Sebastian. Alam ko di naman dito nakatira ang mga golem nasa kabilang isla sila. "Teka san sila pupunta?" biglang sabi ni Charity na kakadating lang. "Ang importante aalis na sila at hindi na sila manggagambala," sabi ni Enzo. "Magkikita pa tayo royals," sabi ng boses na parang galing sa hukay ng lupa. Nakaalis na ang mga golem. Lahat kami tahimik walang kumikibo. Pero binasag yun ni Sebastian. May inilabas siya na capsule at inihagis sa ere at naging isang maliit na tent na alam kong kasya kaming lahat jan sa loob. Diba nasabi ko na sa inyo na may pagka-modernisasyon na ng kaunti ang Academy kaya kami may paganito. "Magpahinga na tayo," sabi niya saka pumasok sa loob at nagsisunuran kami. Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko kung bakit nandito ang mga golem at kung bakit ganun sila kabangis ngayon. Sa pagkakaalam ko ay mababait naman sila. Yung tipo ng halimaw na hindi sila ang gumagawa ng first move para saktan ka. "Pagkatapos niyong magpahinga sasabihin ko na kung anong misyon natin." Sabi ni Sebastian at lumabas siya. Nakita ko naman na sinundan siya ni Charity. Halata naman kay Charity na may gusto siya sa yelong yun. Napairap na lang ako. Bagay sila. Isang maarte at isang masungit. "Selos ka?" napalingon ako kay Wright dahil sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?" "Wala naman," natatawang sabi niya saka siya umalis sa tabi ko. Nakabilog kaming lahat. Ito na yung sinasabi ni Sebastian na pag-uusapan namin ang tungkol sa misyon namin. Gabi na din kaya puro kulisap na lang ang maririnig sa buong paligid. "Sabihin mo na inaatok na ako," sabi ni Charity kay Sebastian habang nakahawak sa braso niya si Charity. Halata naman kay Sebastian na naiinis siya sa ginagawa ni Charity kata naman tinanggal niya yung kamay ni Charity sa braso niya. "Umayos ka kung ayaw mong makinig at makipag-cooperate bumalik ka na lang sa Academy," sabi ni Sebastian habang hinihilot ang kanyang sentido. Napa-pout naman si Charity at nagmumukha siyabg bibe. "Makinig kayo. Humingi ng tulong sa atin ang Tierra Kingdom," sabi ni Sebastian habang inabot kay Dwight ang sulat na inabot sa kanya ni Headmaster Jax. "Bakit daw?" tanong ni Enzo. Nagtataka ako tatlong taon na ako nag-aaral sa academy pero ni minsan di ko pa nakikita ang prinsipe ng Tierra Kingdom. Pero may usap-usapan na sa palasyo lang ito nag aaral. Hanggang dun lang ang nalalaman ng iba dahil sobrang pribadong pamilya nila. "Dalawang taon na ang nakakalipas nawawala daw ang prinsipe ng Tierra Kingdom." Dalawang taon na pala ang nakakalipas pero bakit ngayon lang sila humingi ng tulong sa academy? Napatingin sa akin si Sebastian at parang nabasa niya ang nasa utak ko. Agad kong sinara ang isip ko. "Sasagutin ko ang tanong mo Selene. Pero sana naman di ka lang sa isip magsalita." Di ko talaga alam. Kakaiba talaga ang aura ni Sebastian. Napatango na lang ako dahil tama siya. "Alam ko na kahit kayo nagtataka kung bakit ngayon lang sila humingi ng tulong kahit na dalawang taon na ang nakakalipas simula ng mawala ang prinsipe." Tinignan niya muna kami isa isa bago muling nagsalita. "May mga traydor sa academy." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD