Chapter 2 : Misyon

1135 Words
Chapter 2 : Misyon Selene POV Bakit ako? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-eexcell ng ganun kataas para mapili ako. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana dahil alam niyang ayaw ko mapabilang sa royal class? Katulad ng nangyari na sapilitan akong pag-aralin dito. May dalawang kawal ang kumaladkad sa akin papuntang stage. "Ano ba ayoko!" pagpupumiglas ko pero useless. Mas malakas sila kesa sa akin. "Ano ba yan ang arte?" "Kapal ng mukha niyang tumanggi." "Hindi ba niya naisip na ang swerte niya kasi makakasama niya ang mga Royalties?" "Kung ayaw niya ako na lang!" "Mas deserving ako kesa sa kanya!" "Ako na lang gustong gusto ko mapasama sa grupo nila." Bakit ba nangingialam 'tong mga 'to. Nginitian ako nung emcee. Sa pagkakatanda ko guro rin siya dito sa Academy. "Sa ayaw at sa gusto mo kasapi ka na ng Royal Class," nang-aasar na bulong sa akin ni Miss Wecky "Hindi ko ito gusto, huwag kayong magsisisi na inilagay niyo ako dito balang araw," ganti kong bulong. "Tahimik muna kayo! Miss Fin, Mister Willington and Miss Flaire. Congratulations to the three of you," masayang bati niya saka nagkaroon ng fireworks at confetti na iba iba ang kulay. Napatingin ako sa mga royalties. Nakangiti sa akin sina Princess Lysse at Prince Wright. Samantalang walang makikitang emosyon sa mukha nina Prince Dwight at Leanna. Si Prince Enzo naman ay kinindatan ako. Masama namang nakatingin sa akin si Princess Charity Luna na siyang kinakunot ng noo ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang aura. Mabigat sa pakiramdam. Napadako naman ang tingin ko kay Sebastian. Medyo nagulat ako nung nagtama ang aming paningin. Nakaramdam ako ng takot at kinabahan ako. First time kong makaramdam ng gantong pakiramdam sa buong buhay ko. Ako na ang umiwas sa titigan naming dalawa. "Students please go to your classrooms now." Announce ni Miss Wecky. Sa wakas tapos na. Bababa na sana ako kaso nagsalita si Miss Wecky. Si Miss Wecky ang adviser ng royal class. Siya na din ang nag sisilbing trainer nila. Ang ability niya ay kaya niyang makita ang mga tinatago mo sa loob ng damit mo. Kaya niya ding makita ang loob ng katawan mo. Parang scanner at xray. "Royals, sumunod kayo sa akin," sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagpahuli ako sa pagsunod sa kanila. Narinig ko pa na pupunta kami sa opisina ni Headmaster Jax. Si Headmaster Jax ang pumalis sa pwesto ni Headmaster Grim ng mag retiro si Headmaster Grim bilang headmaster ng Academy. "Hello Selene," Nagulat ako nung tumabi sa akin si Princess Lysse nandito na kasi kami sa opisina ni Headmaster Jax. "Hello din Princess Lysse," ilang kong bati sa kanya. Ito ang unang beses na makakausap ko sila at makakasama ng malapitan. Hangga't maaari kasi ay gusto ko na mapag-isa ako dahil ayoko ng center of attraction, pero mukha ngayon ay masisira na iyon. "Simula ngayon kaibigan na namin kayo dibm?" Masayang sabi ni Princess Lysse bago tumingin sa iba naming kasama dito sa opisina. "Syempre naman," pabagsak na umupo sa tabi ko si Prince Enzo at inakbayan ako sabay kindat sa akin kaya napangiwi ako sa ginawa niya. "Enzo, wag mo nga pagtripan si Selene," saway ni Pincess Lise kay Prince Enzo pero nginitian lang niya ang prinsesa. "Paparating na si Headmaster Jax," Napatingin kaming lahat kay Leanna dahil sa sinabi niya nakayuko lang ito at nagbabasa ng libro. "Paano?" hindi ko sinasadya na mabasa ang nasa utak ni Dwight. "Iyon ang ability niya," walang ganang sabi ko. Tinignan naman ako ng masama ni Prnce Dwight. Ngayon sa akin naman sila nakatinging lahat na para bang may nagawa akong mali. Tss, sinagot ko lang naman ang tanong niya. "Huwag mong basahin ang nasa isipan ko," pagsusungit ni Dwight. "Hindi ko kasalanan kung nakabukas ang isip mo Prince Dwight, isarado mo kas," ngising sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. Akmang susugurin niya ako pero pinigilan siya ni Princess Lysse. Pikunin pala ang isang 'to. Kaya naman lalo akong napangisi. "Ke bago-bago mo ang yabang mo na magsalita. Nagtataka ako kung bakit ikaw ang napili para mapasama sa grupo namin eh mukhang mahina ka naman," Pang-iinsulto sa akin ni Princess Charity Luna pero di ako papayag. Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Una, hindi ako nagmamayabang. Pangalawa, kahit ako ayokog makasama kayo sa isang grupo," tinignan ko sila isa-isa saka bumalik ang tingin ko kay Princess Charity Luna. "At mahina? Ikaw ata ang nagmamayabang Princess Charity Luna," ngumisi ako kasi gigil na gigil na siya. "A-ano?!" nakakuyom na siya ng kamao. Siya ang nanguna tapos siya pa ang mapipikon. "Gusto mo sabihin ko pa talaga dito?" pang-aasar ko sa kanya kaya naman napatayo siya sa harapan ko. "Wala kang karapatan ---!" naputol ang sasabihin niya ng may nag-salita. "Tumigil na kayo!" mahinahon ngunit maawtoridad na sabi Prince Sebastian. Napatigil ako bigla dahil sa kanyang boses pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila. Kahit si Princess Charity Luna ay naginig sa takot at parang maamong tupa na umupo ulit sa upuan. Alam ko na kung bakit siya ang leader ng grupo. Lahat ay tumahimik, walang kumikibo. Hanggang sa bumukas ang pintuan at niluwa nun ang matangkad na lalake. Si Headmaster Jax. Napaayos kaming lahat ng upo dahil sa pagpasok ni Headmaster Jax. Kung kanina mainit. Ngayon naman mas uminit. Ano bang nangyayari? "Buti naman dahil nandito na kayo," nakangiting sabi ni Headmaster Jax sa amin. Bakit ba ang hilig-hilig nilang ngumiti? "Ano po ba ang dahilan kung bakit niyo kami pinatawag?" tanong ni Prince Wright. May inabot siyang sulat kay Prince Sebastian na agad naman niyang tinanggap at binasa. Ilang segundo lang ata niya iyon binasa saka siya muling nagsalita. "Sige po maaasahan niyo kami sa misyon na ito," sabi ni Prince Sebastian at saka naglaho ang hawak niyang papel kanina na inabot ni Headmaster Jax. "Katulad ng inaasahan ko," natatawang sabi ni Headmaster. Ano 'yun? Ang bilis, tinanggap niya kahit 'di pa namin alam kung ano yun? "Mamayang madaling araw na ang lakad niyo. Saglit nakalimutan ko," tinignan ni Headmaster si Leanna at tumigil ang tingin niya sa akin. "Welcome to Royal Class," may kakaiba sa ngiti ni Headmaster Jax o nag-aassume lang ako? Pagkatapos nun ay pwede na daw kami dumiretso sa dorm namin upang makapaghanda na dahil mamaya na ang alis namin. "Masanay ka na kay Sebastian ganyan talaga siya. Mamaya sasabihin niya naman kung ano ang misyon natin eh. Maghanda ka na ha," bulong sa akin ni Princess Lysse. "Okay," tipid kong sagot saka umalis na at dumiretso na sa dorm ko. Lahat kami dito ay may sarili sariling dorm. Ganun kalaki ang Devron Academy. Pero naiiba ang dorm ng royals. Iisang dorm lang sila pero magkakaiba ang kwarto. Makakatagal kaya ako na kasama sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD