Chapter 11 : Balahibo ng Akwas

1095 Words
Chapter 11 : Balahibo ng Akwas Selene POV "Sa wakaaaas!" sigaw naming lahat dahil sa wakas ay nakuha na namin ang balahibo ng akwas. Nakalipas na kasi ang tatlong araw saka lang nagpakita ang ibong akwas. Kaso nahirapan pa din kami dahil ang likot ng ibong akwas. Malakas din ang kanyang pakiramdam, mas malakas pa kay Leanna ang pakiramdam ng ibong akwas. Nakakuha kami ng balahibo ng akwas dahil napansin namin na hindi pala masyadong nakakakita ang ibong akwas. Kaya naman kinuha na namin ang pagkakataon na iyon upang maisahan namin ang akwas kaya nakakuha kami ng kanyang balahibo. Mabuti na lang talaga at gumana ang naisip na plano ni Sebastian. "Siguro naman patutuluyin na tayo ng matandang mandirigmang kakilala ni Lysse," sabi ko habang nakatingin sa hawak na isang piraso ng balahibo ng akwas na hawak ni Dwight. "Eto lang naman ang hinihingi niya diba? Teka Lysse? Paano mo pala nakilala ang mandirigmang iyon Lysse?" tanong ni Dwight kay Lysse kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. Napansin ko na hindi agad nakasagot si Lysse sa tanong ni Dwight at tila nag-iba ang kanyang ngiti. Tila nag-iisip rin ito ng kanyang isasagot pabalik kay Dwight kaya naman medyo nagtaka ako sa kanyang ikinikilos. Bakit siya nahihirapan na sagutin ang tanong ni Dwight? "Tayo na sa bahay ng mandirigma. Kailangan huwag natin sayangin ang oras," sabi ni Wright kaya nalipat ang atensyon namin sa kanya. Dahil doon ay pumunta na kami sa bahay ng mandirigma. 'Yun nga lang nag balatkayo pa kami para hindi kami makatawag pansin sa mamamayan ng white land. Pansin ko ang mga natira dito ay yung masasabi na may kaya sa pamumuhay. Natitiyak ako na kapangyarihan, koneksyon at salapi ang pinaiiral nila kaya naman hindi sila ginagalaw ng mga dark shadow. Nakakaawa nga lang isipin dahil kung tutuusin ay galing din naman sila sa hirap noong hindi pa umuunlad ang white land ngunit dahil nakaangat na sila at meron na silang salapi ay para silang nasilaw at tanging mga sarili na lamang ang kanilang naiisip at kinalimutan nila ang kanilang pinanggalingan at ang mga kalahi nila. "Nandito na tayong muli," sabi ni Lysse saka namin siya tinanguan at pumunta na nga si Lysse sa harap ng pintuan ng mandirigma na sinasabi niya na kakilala niya at may alam kung paano namin mahanap ang nawawalang prinsipe ng Tierra Kingdom (earth kingdom). Sa muling pagkatok ni Lysse sa pintuan ng mandirigma, isang beses pa lang siya kumakatok ay bumukas na iyong muli at nakita na namin ang pagsilip ng isang matandang lalake na lagpas na sa kanyang leeg ang haba ng kanyang bigote na kulay itim na kasing kulay ng kanyang buhok. Nahihiwagaan tuloy ako sa kanyang pagkatao. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa kanya ang paningin ko. "Dala niyo na ba ang pinapahanap ko? Kung hindi ay maaari na kayo umalis sa teritoryo ko!" masungit na sabi nito sa amin at akmang isasara ang pintuan ng kanyang bahay pero agad na pinakita ni Sebastian ang nakuha naming isang piraso ng balahibo ng akwas. "Pasok bilisan niyo," utos niya sa amin at hinayaan na niya kami na makapasok sa loob ng kanyang bahay ngunit nagtaka kami dahil ang buong akala namin ay isang isang bahay ang napasukan namin. May nakita kami na isang hagdanan na pababa. Kitang-kita namin kung gaano kahaba at kadilim ang pababang iyon. "Magmadali na tayo," napatingin ako mandirigma na sinasabi ni Lysse na umuna na sa pagbaba. "Naguguluhan ako," bulong ni Dwight pero rinig naman namin ang sinabi niya. "Baka nasa baba talaga ang bahay niya," sagot naman ni Wright habang nakatingin siya sa kanyang kakambal. "Lysse? May alam ka ba dito? Diba ang sabi mo may kakilala mo siya?" tanong sa kanya ni Sebastian. "Ang totoo ay sa panaginip ko lang siya nakita. Sinabi niyang dumiretso tayo dito. Pasensya na kayo kung hindi ko agad sinabi. Sadyang gusto ko agad na matapos ang misyon natin dahil ayoko naman mapugutan ng ulo si Selene," sabi ni Lysse at nagsimula na siyang humikbi at umiyak. "Sssh! Tahan na wala kang kasalanan Lysse. Pero sana sinabi mo muna sa amin," sabi ni Leanna at tinap niya ang likod ni Lysse para mapatahan siya. "Sorry talaga," nakayukong sabi ni Lysse sa amin. Hindi ko aakalain na dahil pala sa akin kaya iyon ginawa ni Lysse. Parang nakonsensya tuloy ako kung bakit kami napunta sa sitwasyon na ito. Sana pala hindi na lang din ako nag desisyon bigla na lang ng ganun. "Wala na rin naman tayo magagawa. Nandito na rin naman tayo," seryosong sabi ni Sebastian. "Tama ang sinabi mo. Wala na kayong magagawa dahil nakapasok na kayo sa loob," sabi ng matandang mandirigma saka niya kami tinignan isa-isa. "Hindi na kayo makakalabas dito." "Ano ang ibig mong s-sabihin?" tanong sa kanya ni Lysse dahil hindi kami agad nakasagot sa kanyang sinabi. "Ang simpleng inaakala niyong bahay na itong pinasukan niyo ay nababalutan ng itim na mahika. Sa oras na pumasok na kayo dito sa loob ay hindi ka na kayo makakalabas," hindi kami makapaniwala sa sinabi ng matandang mandirigmang ito. Nagulat na lang kami dahil sinukod at kinuwelyuhan ni Enzo ang matandang mandirigma. Marahil ay hindi na natiis ni Enzo ang mga sinasabi ng matandang kaharap namin. Wala din naman may gusto sa amin na awatin si Ezo dahil maski kami ay naiinis. "Bakit kanina pa lang ay hindi mo na agad sinabi sa amin?" inis na sabi ni Enzo sa kanya habang hawak niya pa rin ito sa kanyang damit. "Kahit magalit pa kayo sa akin ay wala na din naman magagawa ang galit niyo. Isa pa kailangan ko iyon gawin," mahinahong sagot sa amin ng matandang mandirigma. Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Enzo at hinawakan ko sa kanyang balikat si Enzo saka ako umiling sa kanya. Pinapahiwatig ko na bitawan na niya ang matandang mandirigma dahil wala naman magagawa iyon. Nandito na rin naman kaming lahat. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin si Enzo na tila nangungusap ang mga mata. Marahil ay nais na niya umalis dito upang mailigtas si Prinsesa Charity Luna, kahit kami ay nais na rin naman namin siyang iligtas kahit sabihin pa na inis ako sa kanya. Siya pa rin ang prinsesa ng Majika. Tinignan niya muna ng masama ang matandang mandirigma saka niya ito binitawan. "Hindi rin naman masasayang ang pagpunta niyo dito saka hindi rin naman ito isang panloloko. Baka nga magpasalamat pa kayo sa akin," makahulugang sabi ng matandang mandirigma kaya naman napakunot kami ng noo dahil sa kanyang sinabi. "Dahil nandito ang hinahanap niyo." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD