Chapter 10 : Akwas

1029 Words
Chapter 10 : Akwas Lysse POV "Mag-iingat kayo," paalala sa amin ni Sebastian. Nandito kasi kami ulit sa deep forest para kumuha ng balahibo ng ibon na akwas ang tawag. Ngayon ko lang nalaman na nay ganun palang uri ng ibon dito. Ayon kay Sally iba-iba ang kulay ng balahibo ng akwas. Bihira lang din daw ito magpakita at mahirap siyang hulihin. Kaya hindi namin alam kung ilang araw pa kami magtatagal dito sa kagubatan. Ligtas naman ang natirang mamamayan ng White Land sa Lasou Tribe doon namin sila dinala. "Sa tingin ko magtatagal pa tayo ng ilang araw dito," sabi ko naman sa kanila. "Talasan lang natin ang ating paningin at pakiramdam. Lalo na ikaw Leanna dahil iyon ang kakayahan mo. Baka mamaya may sumugod nanaman na mga kalaban sa atin," maawtoridad na sabi ni Sebastian. "Kailangan na rin natin magmadali dahil baka kung ano na ang ginawa nila kay Prinsesa Charity Luna. Tiyak akong pag may nangyaring masama sa nag-iisang anak ni Haring Leo ay malalagot tayo," sabi ni Enzo na halata naman na nag-aalala kay Charity Luna. Maski rin naman kami ay nag-aalala. Ngunit kung kikilos kami ng walang binubuong plano ay baka maging mas malala pa ang sumunod na mangyari. "Huwag kang mag-alala maililigtas din natin ang prinsesa at ang prinsipe ng Tierra Kingdom," sabi naman ni Wright at tinapik niya ang balikat ni Enzo. Nagtago muna kami sa mga malalaking halaman sa may deep forest at inaabangan naming ang paglabas ng Akwas. Sana nga lang ay may makita kami at makakuha kami kahit isang balahibo lang dahil iyon lang naman talaga ang hinihingi ng matandang mandirigma sa amin. Pinagdarasal nga din naming na huwag sana kami pahirapan ng akwas na ito upang hindi kami manatili ditto ng ilang araw dahyil mayroon lang kaming dalawang araw upang hanapin kung nasaan ang mahal na prinsipe ng Tierra Kingdom idagdag pa ang kinidnap na si Prinsesa Charity Luna. Pero ilang oras na ang nakakalipas ay wala pa ding lumalabas na ibon na iba-iba ang kulay. “Napakailap nga talaga ng nasabing ibong ito,” sabi ni Leanna. Nasa ibang pwesto kami ngayon at kasama ko si Leanna, bale nagkaroon kami ng apat na grupo. Magkasama ang kambal na sina Dwight at Wright samantalang magkasama naman si Selene at Sebastian dapat nga ay kasama nila si Enzo pero sinabi niya na mas gusto niya na mapag-isa muna sa kanyang pwesto kaya naman hinayaan na naming siya. Nag-aalala n ga kami sa kanya dahil simula ng madukot si Charity Luna ay mas lalo itong nagging tahimik. Alam naman naming na sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa prinsesa pero alam naman namin na walang dapat sisihin sa nangyari. Sadyang ganid lang talaga sa kapangyarihan ang mga dark shadow kaya naman nila nagawang dukutin ang mahal na prinsesa ng Sacred Kingdom. Pakiramdam kasi ni Enzo na kasalanan niya ang nangyari dahil hindi siya mas nag-ingat kaya naman nakuha mula sa amin si Charity Luna. “Tama ka Leanna, sana nga ay makuha na agad natin ang balahibo ng akwas para naman tulungan na tayo ng matandang mandirigma na nakatira sa white land sa ganun ay magawa na natin an gating misyo,” saglit ako napatigil sa aking pagsasalita ahil napatingin ako sa gawi ni Selene. “Dalawang lingo lang ang meron tayo at kapag hindi natin nagawa an gating misyon ay baka manganib ang buhay ni Selene na hindi ko hayayaang mangyari.” Alam ko na nakatingin din ngayon si Leanna kay Selene saka siya sumangayon sa aking pahayag. Kahit sino sa mga kasama ko ay hindi ko hahayaan na may masamang mangyari. Kaya naman mahal na akwas sana naman ay magpakita ka na huwag na kami pahirapan pa. Tuluyan na nga kami naabutan ng gabi sa aming pagtatago at sa pag-aabang sa ibon ng akwas. Pero hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ako makatulog kaya naman minabuti ko na lang na bumangon kahit na malalim na ang gabi. Nakita ko na natutulog na ang iba pero hindi ko mahagip ng aking mata si Selene. Kaya naman nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakali na mahanap siya. At namataan ko nga siya sa may hindi nakalayuan sa aming napiling pwesto para tulugan. Kaya naman nagdesisyon ako na lumapit sa kanya. "Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Mabuti na lang dahil hindi naman siya nagulat sa aking pagsulpot sa kanyang likuran. "Hindi, may naiisip lang kasi ako," napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. "Ano naman iyon Selene?" "Naisip ko lang, paano kung magkaroon muli ng digmaan dito sa Majika? Rh kahit natapos na ang digmaan noon may mga dark shadow pa din ang malayang nakakagawa ng masama dito sa Majika," napatingin tuloy ako sa sinabi ni Selene. Marahil ang kanyang tinutukoy ay ang nangyari sa White Land. "Hindi na mangyayari iyon Selene kaya huwag ka na mangamba," sabi ko sa kanya at tinapik ko siya sa kanyang balikat. "Sana nga dahil kung mangyari ang aking kinatatakutan ay para na ding nasayang ang buhay ni Prinsesa Luna. Ibinuwis niya ang buhay niya upang matalo ang Dark Lord na si Lucius. At isa pa natitiyak ko na ang mga kampon ng kadiliman ay hindi sila titigil sa mga masama nilang gawain," alam ko kung bakit ganito ang nararamdaman ni Selene dahil sa napagkwentuhan namin kanina patungkol kay Prinsesa Luna na siyang nagbuwis ng buhay upang matalo ang dark lord na si Lucius. Hindi man sinasabi sa amin ni Headmaster Jax pero alam naming may mga kampon pa si Lucius na naninirahan dito sa Majika. Mabuti na nga lang dahil wala na kaming nababalitaan na nanggugulo sa mundo ng mga mortal. "Alam kong pagod ka na ngayong araw kaya naman nakakapag-isip ka ng kung anu-ano ngayon at ikaw ay nababahala. Hindi naman natin hahayaan na manaig muli ang kadiliman diba?" nakangiting sabi ko kay Selene at mas lalo akong napangiti ng makita ko siyang ngumiti sa akin sabay tumango siya sa aking sinabi. "Tama ang iyong sinabi Lysse. Salamat dahil napanatag ang aking kalooban." Napatango at napangiti naman ako sa sinabi ni Selene. Saka ko naman siya inaya na bumalik sa aming tulugan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD