Chapter 12 : House of Hell

1078 Words
Chapter 12 : House of Hell Selene POV "Dahil nandito ang hinahanap niyo," napakunot kami lalo ng aming noo dahil sa sinabi niya ng matandang mandirigma. "Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko dinalaw sa panaginip si Prinsesa Lysse." "Kung ganun may saysay rin pala na napunta tayo sa lugar na ito," seryosong sabi ni Sebastian. "Kung ganun dapat wala na tayo dapat aksayahin na oras," sabi naman ni Dwight kaya naman napatango kami. Tumango rin ang matandang mandirigma sa sinabi ni Dwight pagkatapos nun ay bumaba na siya sa hagdanan kaya naman sinundan namin siya. Habang pababa kami ng pababa ay padilim naman ng padilim ang paligid. Kaya medyo nahihirapan kami dahil baka mamaya gumulong kami paibaba. Hanggang sa may liwanag na, iyon pala ay ginamit ni Sebastian ang kanyang kapangyarihang apoy upang magkaroon kami ng liwanag. Kaya naging mas madali ang pagbaba namin. "Wala po bang sulo dito o wala kayo ginagamit na ilaw para makababa?" kahit kelan talaga si Wright mapigilan ang pagka-curious niya kaya nagiging matanong na siya. "Wala," maikling sagot ng matandang mandirigma. "Paano po kayo nakakababa niyan?" tanong naman ni Leanna. "Noong unang beses nadudulas ako minsan kaya napapadaosdos ako paibaba kaya naman nagkaroon ako ng iba't ibang sugat dahil mayroong patibong sa dulo nito. Minsan ang patibong ay hindi nakakasakit ngunit i-teteleport ka nito sa may pinakaitaas. Hanggang sa nasanay na ang pakiramdam at katawan ko sa sakit at dilim kaya nakakababa na ako sa dulo. 'Yun nga lang hindi pa rin maiwasan na mateleport ako mula sa ibaba hanggang sa itaas ulit," mahabang kwento sa amin ng matandang mandirigma. "At isa pa itigil niyo na ang pagtawag sa akin ng matandang mandirigma," sabi nito kaya naman nagulat kami. Paano? "May kakayahan din ako magbasa ng isipan kagaya niyo," kaya naman pala. "Kung hindi ka na namin tatawagin na matandang mandirigma, ano naman ang itatawag namin sayo?" tanong ko. "Axe, 'yun ang ngalan ko." Pagkabanggit niya sa kanyang pangalan ay kusa ako napatingin sa kanya. Tila may memorya sa isipan ko ang pilit na nagpapakita pero sobrang labo kaya naman sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa tindi ng kirot kaya naman napahinto ako sa pagbaba ng hagdanan. Ngayon lang nangyari sa akin ang bagay na ito kaya naman hindi ko alam kung ano ang gagawin para mapahinto ang sakit ng ulo ko. Napasandal ako sa pader habang sapo-sapo ko ang sentido ko. Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Naramdaman ko din na napahinto rin sila sa kanilang paglalakad marahil ay naramdaman nila ang paghinto ko. "Selene? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Lysse at napatango ako sa kanya. Kaya ko nalaman na si Lysse iyon ay dahil sa kanyang boses at idinilat ko ang mata ko saka napadako ang tingin ko sa nagpakilalang Axe ang pangalan na nakatingin sa akin at tila nag-aalala. Pero sa isang kurap ko pa lamang ay nagbago na agad ang kanyang emosyon. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ang nakita ko o guni-guni ko lang dahil sa pagkahilo at pagsakit ng aking ulo. "Ayos lang ako bigla lang ako nahilo. Magpatuloy na tayo," sabi ko sa kanila kaya naman nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad. Mag-iisang oras na kami sa pagbaba ngunit para bang walang katapusan ang hagdanan na ito. Siguro ay hindi na natiis ni Enzo ang kanyang inis kaya naman nagsalita na siya. "Pinagloloko niyo lang yata kami. Kanina pa tayo bumababa ngunit para itong walang katapusan," inis na wika ni Enzo. "Tila yata mainipin ang prinsipe ng Ventus Kingdom," sagot sa amin ni Axe. "Hindi mo kami masisisi kung makakapagsalita kami ng katulad ng kay Enzo. May hinahabol kaming misyon at oras ang kalaban namin," mahinahon pa din na wika ni Sebastian. "Malapit na tayo," sagot sa amin ni Axe. "Anong klase ba ng lugar ito?" tanong naman ni Leanna. "Ito ang House of Hell. At nasa pinakaibabang palapag ang prinsipe ng Tierra Kingdom. Siya ang nagsisilbing power source ng lugar na ito ng White Land. Nakita niyo naman siguro ang life force na bumabalot sa buong lugar ng White Land hindi ba?" tanong sa amin ni Axe. "Oo, medyo kita na nga iyon. Saka noon wala naman iyon," sagot ni Wright. "Dahil nanghihina na ang katawan at kapangyarihan ng prinsipe. Siya ang napiling kunan ng power source ng mga dark shadow dahil sa taglay niyang kapangyarihan na umiikot lamang sa kanyang katawan ang aura ng kanyang enerhiya. Ngunit may hangganan ang enerhiya niya. At kapag hindi natin siya nailigtas buhay niya ang kapalit," seryosong paliwanag sa amin ni Axe. "Ang House of Hell ay mayroong isang daang palapag. Bawat palapag ay may kaakibat na patibong. Marami na din ang nasawi sa mga nagtangka na iligtas ang mahal na prinsipe ngunit lahat sila ay namamatay. Mapalad na lang ako dahil hanggang ngayon ay buhay at nakakausap niyo pa ako." "Mandirigma ka diba? Sa tingin ko pa lang ay madami ka ding enerhiya ngunit bakit hindi mo nagawang iligtas ang mahal na prinsipe? Alam naman namin na hindi ka lang isang ordinaryong mandirigma," sabi ko. "Alam ko na sinabi na sa inyo ni Sally ang bagay na ito. Sapilitang kinuha sa akin ng mga dark shadow ang golden sword ko. Dahil hindi naman ako ipinanganak na isang nilalang na may kakayahang kumontrol ng mga elemento ay sa golden sword nanggagaling ang kapangyarihan ko. Alam din ng mga dark shadow na may angkin din akong kakaibang enerhiya kaya naman hinigop nila ito at nagtira lamang ng kaonti upang mapaglaruan ako dito sa House of Hell," muling mahabang paliwanag sa amin ni Axe. Sa tuwing nagsasalita siya ay talaga akong nakikinig. Para kasing narinig ko na ang boses niya kaso hindi ko alam kung saan ko iyon narinig. Kapag pinipilit ko na alalahanin iyon ay sumasakit lamang ang aking ulo. "Narinig ko na nga ang golden sword na iyan. Katulad iyan ng nasa pangangalaga ng Academy na ang tawag ay golden spear kidlat na kulay asul naman iyon. Ang golden sword ay kidlat na kulay pula. At sa pagkakatanda ko kasama ka sa mga mandirigma noon na nakipaglaban sa mga dark shadow sa nakalipas na digmaan dito sa Majika. Tama ikaw nga iyon. Ikaw ang nangmamay-ari ng golden sword na naging isang batang heneral," nagulat naman kami sa sinabi ni Leanna. Ibig sabihin hindi nga siya isang ordinaryong mandirigma. Pero mas lalo kaming nagulat sa kanyang huling sinabi. "At hindi Axe ang pangalan mo kundi Axter." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD