Chapter 13 : House of Hell pt. 2

1100 Words
Selene POV "At hindi Axe ang pangalan mo kundi Axter." A-Axter? A-Axter? Axter? Tila umulit-ulit sa isipan ko ang pangalang binanggit ni Leanna. Bumalik tuloy ang sakit ng ulo ko. May imahe ang pilit na nagpapakita ulit. Imahe iyon noong bata pa ako at nakatira sa may kabundukan bago ako nalipat sa bayan nung biglang nawala na lang ng parang bula ang taong nagpalaki sa akin. Napatingin naman ako sa nagpakilalang Axe. Hindi kaya may koneksyon kaming dalawa? O baka isa siya sa mga may alam kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao o sino ba talaga ako? Ewan ko. Naguguluhan ako sa mga oras na ito. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Umayos siya ng harap sa amin at napakamot siya sa kanyang batok. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng masiglang ngiti. Nakaramdam din naman kami ng paggaang ng kapaligiran dahil doon dahil kanina ay puno kami ng tensyon. "Hindi ko inaakala na mabubunyag agad ang katauhan ko ngayon," sabi nito sa amin habang nakangiti na abot hanggang tenga. "Saan niyo nabasa ang tungkol sa akin? Sa libro bang isinulat ni Kristal?" "Opo," magalang na sagot ni Leanna sa nangangalang Axter. "Bakit kasi siya nagsulat nun," bulong niya ngunit rinig naman namin. Ngumiti siyang muli pagkatapos ay mas ngumiti siya ng napatingin siya sa akin kaya naman nailang naman ako dahil doon at napaatras ako 'yun pala ay nasa may likuran ko si Sebastian na nasa itaas na baitang ng hagdanan. Mabuti na lang nasalo ni Sebastian ang dalawa kong balikat kaya naman naalalayan niya ako dahil nawalan ako ng balanse sa pag-atras ko dahil nahihilo pa din ako. Napansin ko naman na nawala ang ngiti ni Axter at napatingin siya sa kamay ni Sebastian na nakaalalay sa akin. Tinignan niya iyon ng masama. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko dahil bigla na lang siyang tumalikod sa amin. Hindi ko rin mabasa ang nasa kanyang isipan marahil ay may kakayahan din siyang isarado ang kanyang isipan upang hindi iyon mabasa ng iba. "Talaga bang ayos ka lang Selene?" napalingon naman ako kay Sebastian dahil sa kanyang katanungan saka ako tumango sa kanya. "Oo, salamat Sebastian," sagot ko sakanya. "Maghanda kayo! Pag sinabi ko na tumalon kayo sa bawat baitang paibaba ay tatalon kayo! Talon sabay takbo saka talon ulit!" biglang sigaw ni Axter kaya naging alerto kaming lahat dahil hindi namin maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganito. "Ano po ba ang nangyayari?" tanong sa kanya ni Lysse pero hindi niya man lang sinagot ang tanong ni Lysse. Nakita namin na malalim ang kanyang concentration kaya naman hindi na namin siya tinanong pang muli saka hinihintay namin ang kanyang hudyat hindi rin namin siya pinagdududahan dahil halata naman sa kanyang pag-fofocus at aura na parang may parating na masama. "Talon!" bigla nga kaming napatalon dahil sa kanyang sigaw. Nagulat kami dahil may mga barrel na bigla na lang mabilis na pababa ang nasa likuran namin. Kung hindi kami nakatalon doon ay baka natamaan na kami at napasama kami doon pagulong-gulong. "Hindi ko inaasahan na mayroong patibong na ganito dito. Tayo na. Kailangan nating tumakbo paibaba at para maiwasan natin ang mga barrel na iyan kailangan nating tumalon," sabi ng nagpakilalang Axter. "Isa pa, tandaan niyo na hindi lang basta isang barrel ang nasa likuran natin dahil isa iyong bomba na kapag na-detect nila na may white shadow ang mapadikit doon ay sasabog na lang iyon agad," paalala niya sa amin at inaya niya kami na tumakbo na dahil naririnig namin ang mabilis na gulong paibaba ng mga barrels na iyon. Ang ginawa namin ay binilisan namin ang pagtakbo paibaba at kapag nanjan na ang mga barrel ay tatalon kami bigla. Pero sa bawat pagbaba namin ay mas bumibilis naman ang paghabol sa amin ng mga barrel. Nagulat na lang kami dahil nagkaroon ng mga patusok na matutulis ang buong katawan ng barrel kaya naman mas binilisan namin ang pagtakbo paibaba. Naramdaman din namin na para bang yumayanig ang paligid namin at parang may babagsak sa may ilalim namin. Nawalan kami ng balanse dahil ang kaninang mga baitang na hagdanan ay bigla na lang nawala at napalitan iyon ng pa-slant na hagdanan dahil masyadong madulas ang paibaba ay gumulong kami paibaba. "Bilisan niyo! Tumayo kayo! Kailangan niyong patibayin ang inyong tuhod. Ilipat niyo ang pwersa niyo sa inyong mga paa! Tayo na anjan na ang mga barrel!" sigaw sa amin ni Axter habang siya ay tumatakbo na paibaba. Pinilit namin na tumayo sa aming pagkakagulong. Tinulungan ako ni Sebastian, habang si Leanna ay tinulungan naman ni Wright si Lysse at si Enzo ay ginamit ang kanyang hangin upang ipabalik sa pinakaitaas ang mga barrel, si Dwight naman ay inihanda ang kanyang barrier kung sakaling may sumabog na bomba sa amin. Sakto na naibalik ni Enzo ang mga barrel sa itaas ng may narinig kaming pagsabog. Kung nagkataon na hindi naging maagap si Enzo ay kami ang nasabugan nun. "Maaari na tayo magpadausdos paibaba," sabi sa amin ni Axter. "Para mas ligtas Lysse maaari bang maglagay ka ng tubig paibaba? Dwight lagyan mo ng barrier sa pinakaunahan. Sebastian akin na ang balahibo ng akwas," sabi niya sa amin at sumunod naman ang tatlong nabanggit. "Selene, ihanda mo ang sandata mo na boomerang dagger baka kailanganin din natin," nagulat naman ako dahil nalaman niya na may sandata akong boomerang dagger gayong ngayon pa lang kami nagkitang dalawa. Kahit ganun ay hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa kanyang sinabi at sinunod ko na lang ang kanyang sinabi dahil baka mamaya may nakaabang na kalaban sa amin sa ibaba. Mahirap na! Namangha dahil biglang nagliwanag ang balahibo ng akwas at umabot ang liwanag na iyon sa aming lahat. Tinignan ko ang aking kamay dahil tila nabalutan kami ng malakas na pwersa. Tila nagsisilbing pananggalang din ang liwanag na iyon na galing sa balahibo ng akwas kaya naman mas lalong tumibay ang ginawang barrier ni Dwight. "Nararamdaman niyo ba ang kakaibang pwersa na galing sa balahibo ng akwas?" tanong sa amin ni Ginoong Axter. Naisip lang namin na hindi naman tama kung sa pangalan lang namin siya tatawagin gayong mas matanda siya sa amin. At sa mga oras na ito ay pinagkakatiwalaan na namin siya. Palihim kasi kaming nag-usap sa aming mga isipan kaya ganun. Kaya nakapagdesisyon kami na ang itawag na lang sa kanya ay Ginoong Axter. "Opo nararamdaman namin," magalang na sagot ni Wright sa kanya. "Galing ang pwersa na iyan sa balahibo ng akwas. Kung malakas na ang nagagawang pwersa ng isang balahibo ano pa kaya ang magagawa kung marami kayong nakuhang balahibo ng akwas," ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD