Chapter 5 : Gem Stone

1590 Words
Chapter 5 : Gem Stone Sebastian POV "May mga traydor sa academy," sabi ko at nakita ko sa kanila ang ibat ibang emosyon. May nagulat, natulala, may napalunok atlt walang kibo. Tinitigan ko siya. Bakit parang wala lang sa kanya ang narinig niya? Hindi kaya? Pero anong dahilan niya para gawin niya yun? "Nakakagulat, ngayon lang natin nalaman na may mga traydor sa academy ng mahabang panahon," sabi ni Lysse. "Ang galing nilang magtago," sabi naman ni Wright. "Matagal na alam ni Headmaster ang tungkol sa mga traydor. Pero hindi niya lang matukoy kung sinu-sino ba ang mga ito," sabi ko. "Sinu-sino? Edi marami sila?" napatango naman ako sa tinanong ni Leanna. "Oo madami sila. Kaya naman nahihirapan si Headmaster na ipahanap sila dahil nagtatago sila sa ibang katauhan," paliwanag ko ko naman sa kanila. Napatingin kami kay Charity dahil umubo siya. "Okay ka lang Charity?" pag-aalalang tanong ni Lise. "Oo, siguro gawa 'to ng alikabok kanina," sagot ni Charity. May pagkasakitan kasi si Charity. "Magpahinga ka na lang muna," sabi ni Enzo at inalalayan si Charity papunta sa higaan nito. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpapaliwanag ko sa kanila. "Anong kinalaman ng mga traydor sa pagkawala ng prinsipe ng Tierra Kingdom?" Tanong ni Selene. "Dahil may mga traydor sa academy. Ang matagal na pinapadalang sulat ng kaharian nila ay kinukuha ng traydor at kanila itong wawasakin. Para hindi malaman ni Headmaster para hindi agad siya makapagbigay ng tulong sa kaharian." "Ibig sabihin may mga traydor din sa council?" napatango ako sa tanong ni Wright. "Imposible ang mga council ang nagpapanatili ng kaayusan sa academyl," hindi makapaniwalang sabi ni Leanna. "Kapangyarihan," tipid na sabi ni Dwight. "Tama si Dwight. Dahil nasisilaw sila sa kapangyarihan at gusto pa nila ng mas malakas na kapangyarihan ay nagagawa nilang magtraydor." Kung sino kasi ang may malakas na kapangyarihan dito sa mundong ito siya ang tinuturing na pinakamalakas. Kaya hindi na makakapagtaka kung may ilang naghahangad nito. Sinabi ko na sa kanilang lahat ang tungkol sa misyon namin. At tungkol sa pagliligtas sa prinsipe. Kakatapos lang namin mag plano at mamayang madaling araw kami tutungo sa Tierra Kingdom para makausap ang hari. Napagkasunduan namin na dadaan muna kami sa deep forest hindi kasi pwedeng gumamit ng portal sa lugar na ito dahil baka magising yung natutulog na halimaw. Hindi rin namin pwedeng magamit ang navis royale dahil may aking kapangyarihan din iyon. Mula sa deep forest ay tutungo kami sa Mt. Bora at sa tuktok nun andun ang kaharian ng Tierra Kingdom. Natanaw ko si Selene na nakaupo sa sanga ng puno. Kung titignan walan namang espesyal na abilidad si Selene dahil mind reader lang siya. Kaya bakit siya ang napili para mapabilang sa amin? Napatingin siya kaya naman nakipag laban ako ng titigan sa kanya. At siya ang unang umiwas sa titigan namin. Nakakapagod ang araw na to kaya mas pinili ko na lang ang matulog. Mahaba habang paglalakbay ang gagawin namin. Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng tent. Mga nagbabagsakang mga puno. Tinignan ko ang lahat mga tulog pa rin sila. Sa pangamba ko na baka mga kalaban ulit 'yun ay dali-dali akong lumabas. Pero ang nakita ko ay isang babaeng nakatalikod at hingal na hingal. Basang basa din siya ng pawis. Kahit ang buhok niyang nakatali ay basang basa din. Tumalon siya ng mataas sabay bato ng dagger sa sanga. Kakaiba ang dagger niya dahil para itong boomerang na babalik ng kusa sa may-ari kapag binato. 'Di pa siya nakuntento at bago siya lumanding sa lupa ay binato niyang muli ang dalawang sanga at naputol din ito. Patuloy pa rin ako sa panunuod sa kanya. Hindi man lang niya napansin na nanunuod na ako sa kanya dahil sobra siyang seryoso sa kanyang ginagawa. Nagulat na lang ako nung biglang may bumato sa kanya ng maliliit na bato. Nung una isang bato lang pero nung sumunod patatlo hanggang sa dumami na at di ko na mabilang. At mabilis pa ito nang pabilis. Pupuntahan ko na sana at aalamin kung sino yung bumabato sa kanya baka kasi kalaban nanaman. Pero nakita ko kung gaano siya kabilis umilag sa mga bato. Ginagamit pa nga niya ang dalawa niyang kamay at sinasalo niya ang bato. Minsan tumatambling siya minsan tumatalon siya. Hanggang sa may batong papalapit sa akin. Sasaluhin ko na sana kaso nagulat ako nung biglang nasa harap ko na siya. Sobrang lapit niya. Kitang kita ko ang kayumanggi niyang mata. Kita ko rin sa mukha niya ang pagod. "Selene," bigla kong sabi. Umalis siya sa harap ko at tumalikod. "Kanina ka pa?" may kung anong nilalang ang lumapit sa kanya. "Medyo?" patanong kong sagot sabay lapit sa kanya. "Siya ba ang bumabato sayo kanina ng mga bato?" yakap-yakap niya ang isang unggoy na may pakpak. "Oo, alaga ko siya simula nung maliit pa ako. Kahit sobra niyang kulit at pasaway. Mahal na mahal ko siya," habang sinasabi niya iyon ay hinihimas niya ang ulo ng unggoy habang nakangiti. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang ngiti niya. Totoong ngiti. Siguro naintindihan siya ng alaga niya kasi bigla itong namula at niyakap niya si Selene. "Ang aga niyo naman mag-date," napatingin ako kay Wright na halatang kakagising lang. "Dumadamoves na ah. Senpai." tukso din ni Enzo. Mga loko to ah! "Maghanda na kayo. Aalis na tayo," sabi ko at nagulat naman sila Enzo at Wright. "Pero nagugutom ako/hindi tayo kakain?" sabay na sabi nilang dalawa. "Hindi," at nanlumo sila. Buti nga sa inyo. Selene POV Kanina pa ako kinukulit nina Enzo at Wright para kausapin ni Sebastian na kumain muna kami. At kanina pa din ako tawa ng tawa. Kanina pa din sila inaasar ni Leanne at Lysse. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nakakatawa na ako ngayon ng totoo. Tapos kanina nakangiti na din ako ng totoo. Hindi ko alam pero parang bumabalik na ako sa dating ako. Yung masayahin at palasalita. "Maawa ka naman sa kagwapuhan ko Selene. Gutom na gutom na kami ni Wright," pagmamakaawa ni Enzo. "Kasalanan niyo din naman kasi eh," sagot ko sa kanila. "Kung di niyo sana inasar si Sebastian kanina e 'di sana nakakain tayo," nakatawang sabi ni Lysse. "Ikikiss kita Selene basta sabihin mo kay leader na kain muna tayo," naiiyak na sabi ni Wright. "Eww, huwag Selene may germs yan," sabi naman ni Leanna "Paano mo nalaman? Nahalikan na ba kita? O baka gusto mo ikaw halikan ko?" akbay ni Wright kay Leanne. "Bagay kayo," natatawang sabi ko. "Ayun, may couple na sa team," Panunukso din ni Lysse. "Hindi hamak na mas gwapo naman sayo si Dwight," sabi ni Leanna. "Okay lang. Isang paligo lang lamang sa akin ni Bal saka kambal kaya kami. Magkamukha kami." Napailing na lang si Dwight sa kakulitan nila. Ang sarap naman pala nilang kasama eh. "Magpahinga muna tayo!" sabi ni Sebastain at nagsigawan naman sina Enzo at Wright. Magpapahinga na sana kami kaso may mga nakabahag na nilalang at may hawak-hawak na sibat ang nakapaligid sa amin. Nakatutok sa aming mga leeg ang kanilang sibat. "Huwag kayong kumilos 'di kami magdadalawang isip na itusok 'to sa leeg niyo. May lason ito at kahit may kapangyarihan kayo wala kayong magagawa," sabi ng isa sa kanila. "Sino kayo at anong ginagawa niyo sa kagubatan namin?" tanong ng isa. "Galing kaming Devron Academy at patungo kami sa palasyo ng Tierra Kimgdom," sabi ni Sebastian. "Ako ang prinsesa ng Sacred Kingdom. Wala kayong karapatan para gawin to!" sabi ni Charity. Nagawa pa niyang ipagmayabang ang pagiging prinsesa niya. Tsk. Napatigil naman sila sa narinig nila. "Totoo ba yang sinasabi niyo? Galing talaga kayo sa academy na yun? At siya ang prinsesa?" Inirapan na lang sila ni Charity ng pigilan siya ni Sebastian. Ipinakita ni Sebastian ang badge ng school namin patunay na nag-aaral kami dun. "Totoo nga!" sabi ng isa sa kanila tapos nagsimula na silang mag sigawan. "Tutulungan namin kayo. Diba Sebastian?" tanong ni Lysse kay Sebastian. Naikwento sa amin na may sumakop sa tribo nila at pinagmamalupitan sila nito. Pinagmimina sila ng sapilitan. Sinasaktan kahit mapa babae , matanda o bata man. At ang malala doon ang pinuno ng sumasakop sa kanila ay walang awang pinagsasamantalahan ang kababaihan sa kanilang tribo. Kokonti na lang din sila sa tribo nila dahil yung iba namamatay na dahil sa hirap, yung iba dahil sa gutom. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan nila. Magbabayad talaga yung gumawa nito. "Bakit hindi niyo sinubukan na humingi ng tulong?" usisa ni Leanne. "Kapag ginawa namin 'yun papatayin nila ang mga asawa at anak namin. At wala din namang naglalakas ng loob na suwayin ang bagong pinuno," sabi nung isa. "Saka ang lakas niya." "Tapos ang laki niya din kumpara sa amin." "Palibhasa kasi hawak niya ang isang pirasong gem stone," dagdag pa nung isa. "Gem stone? Diba ipinasa na sa mga hari ang pangangalaga sa mga gem stone simula ng matapos ang digmaan?" sabi ni Enzo. "Anong kulay ng gem stone ang hawak niya?" tanong ni Dwight at mukhang interesado siya dun. Anong gem stone? Tahimik lang ako at nakikinig sa kanila. "Brown po." "Sa pagkakaalam namin ay iyon ang earth gem stone," sabat nung isa. "Kung sa earth kingdom yun bakit meron siyang gem stone?" tanong ko. "Mukhang ninakaw niya yun mula sa earth kingdom," sagot ni Charity habang nagsusuklay ng buhok. "Ayun nga din po ang nasa isip namin," sagot nila. Kung ganun mukhang may koneksyon ang taong sumalakay sa kanila at sa pagkawala ng prinsipe. Mukhang mahaba-haba pa nga ang lalakbayin namin. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD