Kabanata Bente-Dos: Iibig Nga Ba Sa Maling Tao?

1227 Words
Gapan, 2023 Mariposa’s Point of View “Bahala na nga siya. Baka ako pa ang masiraan ng bait kung hindi ako lalabas ng shop. Hahayaan ko na lamang muna siya sa gusto niyang malaman tungkol sa telepono sa loob na hindi naman gumagana.” Pagkalabas na pagkalabas ng shop ay nagpapadyak ako at nagwawala sa gigil. Sinasabunutan ang aking buhok at napapasigaw pa. Para akong nasiraan ng bait sa labas. Mabuti na lamang at wala pang gaanong mga taong napaparoon sa lugar liban sa mga pedicab. “Masisiraan ka ng bait sa ginagawa mong iyan, binibini,” komento ng isang tinig na hindi ko alam kung paano nakalapit sa akin. Nang lingunin ko kung sino ay napataas ang aking mga kilay saka nagpamaywang sa harapan niya. “Ikaw na matanda ka. Nag-time travel ka rin ba? Basta ka na lamang susulpot o ‘di kaya ay lulubog, lilitaw na parang magic temple. Umamin ka nga, dati ka bang cast ng sikat na pelikulang iyon?” inis kong tanong sa kaniya. Naglakad pa ito palapit sa akin at ako naman ay paurong baka kasi may binabalak itong masama sa akin lalo pa at siya itong parang nagbigay ng sumpa sa amin ni Isagani. “Yow! I am not what you think I am,” sabi niya sa wikang Ingles. At bakit nag-i-Ingles? Akala ko ba galing siya sa panahon ni Isagani? Ano kayang mayroon sa matandang Don Lucio na ito. “Hippie lang, Don Lucio? Hippotamus ka bang matanda?” pambabara ko sa kaniya at napahalakhak pa sa kaniyang harapan. Ang tawa ko ay parang nang-uuyam at kinamumuhian siya. “Sa dami namang kasuotan mo sa iyong closet bakit puro kulay dalandan este orange ang iyong suot ha?” Pagkatapos kong sabihin ko iyon at tumawa ay hindi ko namalayang bigla itong nagpalit ng damit sa aking harapan. Isang flick lang ng kamay niya ay binago niya ang kaniyang suot. Kulay puting tees na at maong pants ang suot saka may rubber shoes pa na kulay black. May hawak pang baston. Aba e, matanda na nga. Mukhang kailangan niya ng calcium o Enervon Prime. Para lumakas ang mga buto-buto niya. “Okay na ba ang aking outfit for today’s video mo, Mariposa?” aba at kilala talaga ako? I mean alam niya ang aking pangalan. Ipatokhang ko na kaya ito? “Oh? So wazzup, don Lucio?” tipid kong tanong sa kaniya. Naka-cross arms na lang ako at saka tinaasan ng kilay nang mga oras na iyon. Nag-swag-swag pa ako sa harapan niya na kunwari ay sinasakyan ang datingan ng outfit niya. “Ang iyong pag-iiba ng ugali ay lalo pang mag-iiba, Mariposa pagkat batid kong sa huli ay iibig ka. Iibig ka saisang lalaking hindi mo dapat na ibigan,” ano raw? Sino naman ang tinutukoy niya? “Aba! Aba, tanda este don Lucio, wala kang karapatang pagsabihan ako sa kung sino ang dapat ibigin. Who knows that one day, I might end up loving someone? Kahit pa ipinagbabawal iyan, bakit ko pipigilan ang aking puso na umibig, aber?” taas-kilay na sagot ko sa kaniya nang mga oras na iyon. Siguro mga trenta y minutos na akong nakikipag-diskusyon sa kaniya. Saka tirik na ang araw at alam kong sinusunog na ang aking morenang balat. “Siyang tunay, ngunit hindi ka maaaring magmahal sa isang taong may kinalaman sa iyong nakaraan. Alagaan mo ang iyong puso dahil nakikinita kong masasaktan at masasaktan iyan nang sobra. Handa ka bang magparaya kung sakaling malaman mo ang katotohanang ikaw at ang nasa nakaraang pag-ibig ng lalaking soon ay iyong iibigin ay iisa? Pag-isipan mo at kung maaari ay pigilan. Adios, binibini.” Naurong ang aking dila sa sinabing iyon ng matanda. Napakamot pa ako sa ulo dahil isa na namang palaisipan ang binigay niya sa akin. Quota na ako talaga sa mga pa-mysterious na ginagawa nila. Idagdag pa itong si Isagani. Ang tagal lumabas ha? Balikan ko na kaya sa loob kaysa isipin pa ang mga sinabi ng matandang akala mo naman ay trendy at nakaka-adjust sa panahon namin. Makapasok na nga sa loob. Namamawis na ang aking kilikili at singit sa init dito sa labas. “Pasensya na po ulit. May kasama po ako sa loob,” sabi ko sa nakabanta nang batiin ako pagkapasok ko. Tumango naman ito at ngumiti sa akin. Ako naman ay agad na hinanap ng aking mga mata si Isagani. Binalikan ko siya kung saan siya ko siya iniwan sa medyo dim na parte ng shop. Nang nakita ko na ang anino ay narinig kong may sinabi siya. “Ang pangalan ko nga pala ay Angelito Isagani.” Pangalan lang naman niya ang narinig ko at saka nagulat na makita akong nakatayo na sa kaniyang likuran. Ako naman ay todo iwas na lang at saka niyayang lumabas na dahil pupunta pa pala kami sa ukay-ukay. “Kailangan na nating umalis dahil bibili pa tayo ng mga damit mo sa UK. Let’s go?” sabi ko naman at nakita ang pagkamot sa kaniyang ulo na tila hindi naintindihan ang aking mga sinabi. Nang marating ang pintuan ay binati ko ang bantay at nagpaalam na kaming lumabas. “Saan ang sinasabi mong UK, Mariposa?” ay bakit siya nagtanong? Biruin ko kaya ito. Tama. It’s joke time. “Naku, malayo, Isagani. Mula dito ay kailangan pa nating sumakay ng traysikel. Tapos ay bababa tayo sa port. Pagdating sa port ay kukuha tayo ng tiket at sasakay ng barko. Pero kung walang barko ay pwede ring eroplano papuntang UK. Tapos, doon tayo bibili ng damit mong isusuot. Mga kalahating oras ang biyahe natin mula rito sa Concepcion del Antigo. Maliwanag ba?” Naunan akong naglakad nang makita ang muling pagkamot niya sa ulo. Ako naman ay lihim na napapahagikgik lamang. Tinatakpan ng aking kamay ang aking bibig para pigilan ang aking pagtawa. Kasi naman e, nakakainis lang. Ewan ko ba kung bakit ako naiinis. Dahil ba sa matanda o dahil sa kaniyang hindi ko alam kung ano ang papel niya kung bakit siya pumasok sa aking buhay. “Akala ko ba ay sasakay tayo ng traysikel, Mariposa?” hala ka, Mariposa. Panindigan mo ang mga sinabi mo. “I change my mind, Isagani. Nagbago na ang isip. Mas mainam na maglakad muna tayo dahil kakain muna tayo sa may tabi-tabi. Gets?” pagsisinungaling ko. Gusto ko lang na asarin pa siya pero bakit parang ako ang naaasar sa kagagahan ko? “Ang kumain sa may tabi-tabi ay masama, hindi ba? Umuwi na lamang kaya tayo at ipagluluto kita. Ano sa tingin mo?” aniya na ikinatigil ko sa paglalakad. Oh my goodness. Tama ba ang pagkakarinig ko? Ipagluluto niya ako? Boyfriend material lang ang peg? Concern siya sa akin? My gulay este kailangan ko na bang maging mala-Maria Clara ang ugali para magustuhan ako? Pigil ang aking kilig nang mga oras na iyon pero napawi nang maalala ko ang sinabi ng matandang si don Lucio. “Alagaan mo ang iyong puso dahil nakikinita kong masasaktan at masasaktan iyan nang sobra. Handa ka bang magparaya kung sakaling malaman mo ang katotohanang ikaw at ang nasa nakaraang pag-ibig ng lalaking soon ay iyong iibigin ay iisa?” ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD