Kabanata Bente-Kwatro: Ang Pagtatagpo Ng Tatlo

1202 Words
Sa Kasalukuyang Panahon Gapan, 2023 Mariposa’s Point of View Okay na akong malaman mula kay Isagani na nagkamali siya ng mga salitang sinabi sa akin. Pero ang mga tinuran niya ay nagdulot ng pansamantalang kirot sa aking puso. Bagama’t may parte sa aking isipan na mali rin akong pagtaasan siya ng boses kanina. Nabigla lang din naman ako sa kaniyang nabanggit na mga salita. Hindi man lamang ako nagbigay ng komento sa huling mga naikuwento niya. Aaminin kong may mga napagdaanan siyang napagdaanan ko rin at hindi ko ikakaila iyon. “Tila malalim yata ang iyong iniisip, Mariposa? May bumabagabag na naman ba sa iyo?” dinig kong tanong niya. Naglalakad kami ngayon patungo sa isang karinderyang alam ko na malapit lang sa plaza. “Mabuti naman ako, Isagani. Wala kang dapat na ipag-alala,” sagot nang hindi siya nililingon. Nauna pa rin akong naglalakad sa kaniya at sinasabayan lang niya habang ako ay nasa kaniyang likuran. “Masaya akong marinig sa iyo iyan, Mariposa. Muli ay humihingi ako ng paumanhin sa anumang masakit na mga salitang nagmula sa aking bibig kanina,” muli ko na namang narinig ang kaniyang paghihingi ng sorry. Nagpakawala na lamang ako ng malalalim na buntong-hininga nang mga oras na iyon at binagalan ang paglalakad upang pantay na kaming dalawang naglalakad sa gilid ng kalsada. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at alam kong pansin na pansin iyon ni Isagani. Ako naman kasi ang dahilan. Ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot. O baka guilty lang talaga ako. Muli akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga at paulit-ulit na pinapakawalan iyon. At nang makakuha nga ng buwelo ay sinabi ko na ang kanina ko pa sanang sasabihin sa kaniya. “Saglit lang, Isagani,” sabi ko at humarap sa kaniya. Natigil lang aming paglalakad ng dalawa. Sa pagka-clumsy ko naman ay natapilok ako at matutumba na sana sa gitna ng kalsada. Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lamang si Isagani na nagmamadaling hawakan ang aking kamay. At sa hindi inaasahan, dinala na naman kaming dalawa sa kaniyang panahon. “Binibini, isa ka bang babaeng bayaran? Magkano ang iyong presyo?” dinig kong sabi ng kalalakihang pilit na nilalapitan ang isang babaeng may takip na belo sa mukha. “Paumanhin, senyor pero mali ang inaakala ninyo. Hindi isang babaeng bayaran ang aking nakatatandang kapatid, kaya kung maaari sana ay huwag na ninyo kaming guluhin,” depensa naman ng kasama nitong isa ring dalaga. “Sinvirguenza! Umalis ka sa aking harapan, mababang Indio!” galit na turan ng lalaki at malakas na sinampal sa pisngi ang nababatang kapatid ng babaeng gusto nilang mahawakan. “Isa--- Nasaan na ang lalaking iyon?” Napalingon pa ako sa aking gilid para hanapin si Isagani pero hindi ko na makita. At nang igala ko pa ang aking paningin ay napahawak na lamang ako sa aking bibig nang makitang naroroon na siya sa direksyon ng mga lalaki. Dali-dali naman akong nagtatakbo sa kinaroroonan ni Isagani para pigilan siya. “Mababang nilalang man ang turing ninyo sa dalawang babaeng ito, mga ginoo subalit, mali pa rin ang manakit ng kapwa-tao. Paumanhin pero hindi ko pahihintulutan ang inyong ginawa lalo pa at ang dalawang ito ay mahihinang babae. Alam ninyo ang tinutukoy ko, mga ginoo,” dinig kong pabida ni Isagani sa dalawang lalaking mestizo at may sungkod pang dala-dala. “At sino ka namang bastardo para pigilan kami sa aming gusto ha? Hindi mo ba alam na walang puwang ang mga mahihinang kababaihan sa mundo naming mga lalaki? Baka gusto mong makatikim ng sun---” Napatakip na naman ako sa aking bibig nang makita ang biglaang pagsuntok ni Isagani sa lalaking kaharap niya. Nang aambahan pa ito ng isa pang kasama ay nakailag si Isagani at binigyan ito ng isang suntok sa tagiliran at panga. Wow. FPJ lang ang peg? Pero gaga, hindi kami puwedeng madamay sa gulong ito. Hindi puwede. Kailangan kong pigilan si... “Magmadali kayong tumayo at tumakbo na tayo nang matulin nang hindi tayo mahabol ng dalawang iyon. Tayo! Takbo, Mariposa!” wika nito sa dalawang babae at sigaw naman niya sa akin nang makita niya ako. No choice naman ako kung hindi ang tumakbo nang tumakbo at nagsisigaw pa nang mapalingon ako sa dalawang humahabol sa amin. Dahil mukhang maaabutan nga kami ng dalawang mokong na iyon ay naalala kong marunong pala akong mangarate. Peke nga lang pero baka naman tumalab at magamit ko pa sa panahong ito. “Mauna na kayo, Isagani at haharangan ko lamang itong dalawang ito. Mas mainam siguro kung turuan ko sila ng leksyong hinding-hindi nila malilimutan,” utos ko kay Isagani at tumigil ako sa pagtakbo upang harangin nga ang dalawa. “Huwag kang magtangkang kalabanin kami, binibini dahil hindi mo kaya ang lakas naming mga lalaki,” pabida naman ng dalawang alta sa panahong ito. Inangat ko na agad ang manggas ng aking suot na damit at malakas na tinapak ang kanang paa sa kalsada. Nang susuntukin na ako ng kaniyang kasama ay mabilis akong umikot pa-kaliwa at binigyan siya ng isang malakas na sipa sa likuran. Hindi pa doon nagtatapos ang aking pagbibida. Nang mahawakan ako sa kamay ng lalaking pabida kanina ay mahigpit kong hinawakan ang kaliwang kamay niya at malakas na pinatumba sa kalsada saka binalikan ang nasipa ko sa likuran at binigyan ng huling tadyak sa tiyan nito at mukha. Parehong napahiga ang dalawa sa kalsada at narinig ang mga sunod-sunod pa palakpak mula sa mga nakakita. Naalala kong wala pala ako sa 2023 at bigla akong nakaramdam ng hiya. “Napakatapang mo, binibini. Ano ang iyong pangalan? Ako nga pala si Trinidad. Maaari mo ba akong turuan ng iyong ginawa kanina?” nakangiting saad ng nagpakilalang si Trinidad. Her name ring a bell to my ear. “Mariposa Corazon?” isa na namang tinig ang aking narinig at ibinaling ang tingin sa nagsalita. “Angelito Isa---” Hindi ko pinatapos ang kaniyang sasabihin dahil mabilis pa sa alas kuwatro kong tinakpan ang kaniyang bibig upang huwag na munang banggitin ang pangalawang pangalan ni Isagani. “Maria Corazon, paumanhin sa aking inasal. Ngunit, mas mainam siguro na umuwi na muna tayo sa inyo at doon na lamang tayo mag-usap,” ano raw? Bakit ko sinabi iyon? Wala ba akong balak na umuwi? Oh em gee... Tsk. “Tama ang kaniyang tinuran, hermana Corazon. Mukhang kilala ninyo ang isa’t isa at ang lalaking iyan ba ang tinutukoy mong iyong---” si Corazon naman ang nagtakip ng bibig ng kaniyang kapatid at nagsalita. “Umuwi na muna tayo, Mariposa. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito na ikaw ay makausap. Sumunod na lamang kayong dalawa sa amin ng aking kapatid. Tumango na lamang ako habang hila-hila ako ng dalawang babae. Napalingon pa ako kay Isagani na kibit-balikat lamang at hindi man lamang umimik sa mga sinabi ni Corazon. Pakiramdam ko tuloy ako ang may kasalanan. Goodluck talaga sa amin mamaya sa bahay ni Corazon. Mukhang matatagalan ako dito sa panahon ni Isagani. Third wheel na ba akong matatawag nito mamaya? ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD