"AFTER digging information deeper and deeper. Lagpas na yata ng sif feet below the ground. Nalaman na namin kung sino ang nagpatuloy sa operasyon ng grupo ni Congressman Gomez." Ani Ezekiel. "Who?" Tanong ni Reigo habang nakatingin siya sa kaniyang kamay. "Lucas Paragas." Sabay na sagot ni Agent Zek at Agent Ria. Kumuyom ang kamay ni Reigo at tumingin sa dalawa. "Hawak niyo na ba ang mga ebidensiya?" Tumango ang dalawa at inilapag ni Agent Zek ang isang transparent na envelope sa mesa. "Nandiyan ang lahat, Director." "Okay. Assemble a team. We will arrest him immediately." Ani Reigo. "Yes, Director." "I'm going to inform the police." "Ahmm...Kuya, sasama ka ba?" Tanong ni Ezekiel. Tumingin si Reigo sa kapatid at umiling. "No. Kayo na lang. Alam kong kaya niyo na