INILAPAG ni Reigo ang cake sa harapan ni Ezekiel. May nakasulat pang 'sorry' sa ibabaw ng cake. Pinuntahan niya ito sa restaurant na pag-aari ng asawa nito dahil tumawag sa kaniya si Dayne na masama pa rin daw ang loob nito sa kaniya ng kapatid niya. Ang alam niya okay na sila noong nakaraang araw. Ngumiti na ito sa kaniya, eh. Hindi pa pala. Tumaas ang kilay ni Ezekiel. "Anong trip mo, Kuya?" Tanong nito. Reigo smiled. "My apology." Ezekiel tsked. "Tatanggapin ko lang kung mangangako na hindi ka na makikipaglapit sa babaeng 'yon." Ngumisi si Reigo. "Why do you sound like a jealous girlfriend?" Natawa si Dayne na nakikinig sa usapan nilang magkapatid habang may ginagawa ito sa table nito. "Love, don't laugh." Sabi ni Ezekiel sa asawa nito. Nag-peace sign lang nam