PAGDATING ng kabilugan ng buwan. Hindi na mapakali si Prinsesa Phyllis. Napatingin siya kay Reigo na natutulog sa kaniyang tabi. Mukhang nakalimutan nito na ngayon ang kabilugan ng buwan. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang pagod ito buong maghapon dahil sumama na naman ito kay Tatay Abel sa palayan. Kaagad itong nakatulog kanina. Napabuntong-hininga si Prinsesa Phyllis at tumingin sa orasan. Ilang minuto na lang ay hating-gabi na. Tumingin siya kay Reigo bago siya tumingin sa bilog na buwan. Napakaliwanag nito at parang masaya. Phyllis doesn't have a choice but to climbed off the bed. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Siniguro niyang maingat ang bawat galaw niya at hindi siya lumilikha ng ingay dahil baka magising si Reigo. Malakas