When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
ILANG araw din ang lumipas bago tuluyang gumaling si Prinsesa Phyllis mula sa tinamo niyang sugat dahil sa tama ng baril. Sa nakalipas na araw, inalagaan siya ni Reigo at nanatili ito sa tabi niya pero wala ngayon ang binata dahil sumama ito kay Tatay Abel na nagpunta sa palayan. Maaga ang mga itong nagtungo sa palayan. Hindi nga niya alam kung ano ang ipapagawa ni Tatay Abel kay Reigo. Hindi naman maiwasang mag-alala ni Prinsesa Phyllis sa kasintahan dahil hindi naman ito sanay sa mga gawaing bukid. Sana lang makayanan nito ang sikat ng araw. Pero alam naman niyang mabait ang Tatay Abel niya, kung alam nitong hindi kaya ng isang tao ang isang bagay hindi na nito pipilitin. Bumangon siya at bumaba ng kama. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama. Nakita niyang naro