When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"DAYNE!" Pagtawag ni Ezekiel sa pangalan ni Dayne ng hindi niya ito makita sa pinag-iwanan niya rito. Malapit na ring dumilim. Kumunot ang nuo ni Ezekiel. Saan naman kaya nagpunta si Dayne? Napabuntong-hininga si Ezekiel at tinignan ang loob ng kotse. Nakita niyang naroon naman ang bag ng dalaga kaya malamang may pinuntahan lang ito. Napagdesisyunan niyang hintayin na lang ito dahil baka maya-maya lang ay babalik na ito.Sumandal si Ezekiel sa bumper ng sasakyan habang hinihintay ang dalaga pero lumipas ang limang minuto, sampung minuto, tatlumpung minuto, wala pa rin ang dalaga. Nagsimula ng mag-alala si Ezekiel lalo na at madilim na rin ang paligid. Tanging mga lamp post na lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Hanggang sa may napasin si Ezekiel. Tumingala siya s