MUKHANG si Prinsesa Phyllis na nga ang susunod dahil siya ang nakasalo sa bulaklak ni Prinsesa Airene ng ihagis nito. Napailing siya at napabuga ng hangin. Nandito siya ngayon sa dalampasigan habang nasa hotel naman ang iba niyang kaibigan at nagsasaya kasama ang mga guest. Napabuntong-hininga si Prinsesa Phyllis at tumingin sa tubig na tumatama sa paa niya. "Ngayon ako naman ang makakaramdam ng takot na naramdaman ng tatlong prinsesa na nauna sa akin." Aniya sa sarili. "Mahal na prinsesa." Kaagad na nilingon ni Prinsesa Phyllis si Ezekiel. "Huh? Zek, bakit?" Nagtataka niyang tanong. Ngumiti ito. "Nag-alala sa 'yo ang mga kaibigan mo dahil biglaan kang umalis kanina kaya nagprisinta akong sundan ka." "Oh. I'm okay. Gusto ko lang sumagap ng hangin kaya lumabas ako