Kabanata 3

1107 Words
Serenity's P. O. V. "Sigurado ka ba diyan sa binabalak mo?" tanong sa akin ni Diane nang ikuwento ko sa kaniya ang sitwasyon ko ngayon. "Oo sigurado na ako. Naisip ko na... sa mundong ito, wala na akong kahit na sino pang malalapitan. Wala na akong kamag- anak na malalapitan. Ni hindi ko nga alam kung mayroon pa ba at kung sino sila. Kaya kailangan kong maging matalino. Kailangan kong maka- survive sa mundong ito..." sabi ko naman sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "Eh paano kapag nalaman ng tito Oliver mo ang plano mong iyan? Kung sakaling mahulog na siya sa iyo?" Bumuga ako ng hangin. Magiging praktikal lang naman ako. Kaysa sa ibang lalaki pa ako mapunta na wala namang narating sa buhay, mas maigi nang kay tito Oliver na lang ako mapunta. Secured na ang buhay ko kapag naging akin siya. Wala na akong poproblemahin pa dahil mahirap bumuo ng pamilya kung walang pera. Iyon ang reyalidad. Magiging kawawa lang ang mga anak ko kung sakaling walang pera ang magiging ama nila. Magugutuman at hindi ko pa maibibigay ang gusto nila. "Bahala na. Basta iyon ang plano ko. At isa pa, hindi naman sigurong siya mahirap mahalin. Mabait naman siya. Mukhang magagawa ko siyang mahalin sa maikling panahon." Ngumuso siya. "Ikaw ang bahala. Diskarte mo 'yan. Pero syempre, may mga masasabi sa iyo ang mga tao na alam ang tungkol sa inyo. Baka sabihin na malandi ka dahil namatay lang ang mama mo, magiging karelasyon mo pa ang dapat sana stepfather mo." Asar akong ngumiti. "Wala naman akong pakialam sa ibang tao. Ang mahalaga sa akin, ang maging maginhawa ang buhay ko. Lalo na ng magiging anak ko. Sabi nga, dapat tayong mga babae ay magaling sa pagpili ng magiging ama ng mga anak natin. Dahil sila ang kawawa kung sakaling walang kuwenta ang magiging ama nila." Tumango- tango siya. "Sabagay... tama ka naman. Goodluck na lang talag sa binabalak mo. Sana magtagumpay ka. Kasi sa tingin ko, mahal na mahal ng tito Oliver mo ang mama mo." "Alam ko naman iyon. Kaya nga gagawin ko ang makakaya ko para makuha ang puso niya. At saka mas okay na itong gagawin ko. Kaysa naman magpakahirap ako masyado sa buhay. Nasa tabi ko lang ang suwerte ko, patatakasin ko pa ba? Syempre, hindi na. Sasamantalahin ko na. Wala akong pakialam sa iba dahil hindi naman ako magkakapera sa kanila. Bahala sila sa mga buhay nila. Dumugo sana ang mga bibig nila kung sakaling magbibitaw sila ng hindi magagandang salita sa akin," wika ko sabay irap. Natawa naman siya. "Ang tapang naman! Pero maiba tayo, may work ka naman na ngayon?" "Oo... doon ako sa farm ni tito Oliver. Parang ako ang tagamando doon ng mga gagawin ng mga tauhan niya. Taga check kung magaganda ba ang tubo ng mga puno doon. Kung ang mga puno ba doon ay hitik sa bunga dahil ang mga tanim na prutas doon, ibinebenta sa iba't ibang lugar..." salaysay ko sa kaniya. "Ah okay. Ang dami ring negosyo ng lalaking 'yon 'no? Talagang mayaman. Hindi mauubusan ng pera. Kaya kung magtagumpay ka man sa plano mo, jackpot ka talaga." Natawa naman ako. "Talagang jackpot ako. Kaya nga gagawin ko ang best ko para masungkit ko ang puso niya," determinado kong sabi. Matapos ang ilang oras na usapan namin ni Diane, nagpaalam na ako sa kaniya upang bumalik sa bahay ni tito Oliver. Naabutan ko siyang nagbabasa ng documents sa sala. Napatingin siya sa akin nang dumating ako. "Saan ka pala, galing? Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. "Sa kaibigan ko po. Kakain pa lang po ako. Kayo po ba?" "Mamaya na. May mga binabasa pa ako eh. Kailangan kong tingnan at basahing maigi kung okay ba ito. Mauna ka ng kumain. Susunod na ako," sabi naman niya sa akin. "Sige po. Magbibihis lang ako," sabi ko naman at saka naglakad na papasok sa aking kuwarto. Isang manipis na sando at isang manipis na short ang aking sinuot bago ako lumabas ng kuwarto. Pagkababa ko sa sala, ni hindi man lang niya ako tiningnan dahil abala siya sa kaniyang binabasa. Medyo nadismaya ako. Hanggang sa naisipan ko siyang ipagtimpla ng kape para naman may dahilan para makalapit ako sa kaniya. "Tito.... magkape muna po kayo kung ayaw niyo pang kumain," malambing kong sabi sa kaniya sabay lapag ng kape sa table sa harapan niya. Nakita ko ang pagtingin niya sa katawan ko bago niya ibinaling ang kaniyang mata sa documents na hawak niya. "Maraming salamat, Serenity. Bigla ko tuloy naalala ang mama mo. Kapag ganitong may ginagawa ako at maraming inaasikaso, ipinagtitimpla niya kaagad ako ng kape para hindi ako antukin. Salamat ulit dito..." nakangiting sabi niya bago itinuon na ang paningin sa mga documents. "Walang ano man po," sabi ko sabay lakad na patungo sa mesa. Medyo hindi ako natuwa dahil hindi man lang siya tumingin ng matagal sa katawan ko. Mukhang walang dating sa kaniya ang suot ko ngayon. Pero sa totoo lang, maganda ang katawan ko. Malusog ang tayong- tayo kong dibdib, maliit ang aking baywang at bilugin ang aking hita. Pero mukhang wala pa itong epekto sa kaniya dahil nangungulila pa siya kay mama. Habang kumakain ako, pasimple akong sumusulyap sa kaniya. Seryoso talaga siya sa ginagawa niya. Nakakatuwa ang lalaking 'to. Talagang focus siya sa kaniyang trabaho. Habang ako dito, pa- chill chill lang na kumakain. Nasanay na rin ako sa ganitong pamumuhay kaya dapat lang na hindi na ako umalis pa sa bahay na ito. Ayoko ng maghirap ulit. Baka hindi ko kayanin. Kaya kailangan kong kumilos at kailangan kong maging matagumpay sa plano ko. Kailangan ko siyang maging asawa. Matapos kong kumain, niligpit ko na ito at hindi na ako nagpatulong pa sa kasambahay. At nang matapos ako sa ginagawa ko, lumapit ako kay tito Oliver. "Ayos lang po ba kayo? Mukhang inaantok na po kayo..." sabi ko sa kaniya nang maupo ako sa kaniyang harapan. "Ayos lang. Mamaya naman ay eepekto ang tinimpla mong kape para sa akin. Salamat ulit. Pakiramdam ko tuloy, nandito pa rin sa bahay si mama mo..." malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang nagsasalita. Nginitian ko siya. "Huwag po kayong mag- alala, bilang ganti sa pagiging mabuti po ninyo sa akin, gagawin ko po ang ginagawang pag- aasikaso sa inyo ni mama ko. Para po hindi na kayo nalulungkot pa at hindi niyo maisip na nag- iisa na lang kayo." Nagliwanag ang kaniyang mukha. "Talaga? Nakakatuwa naman. Hindi mo naman kailangang gawin iyon pero nag- abala ka pa talaga. Salamat, Serenity...." "Walang ano man po, basta ikaw po tito Oliver..." nakangising sabi ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD