Kabanata 2

1321 Words
Serenity Marquez's P. O. V. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si mama. Dead on arrival na siya dahil masyadong nadurog ng truck ang kanilang sasakyan. Isang linggo na ang lumipas simula nang mailibing si mama, pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Nasa trabaho ako no'n nang tawagan ako ng isang rescuer. At hanggang ngayon, hindi pa ako nakababalik sa trabaho. Tumawag na nga sa akin ang HR na kung hindi pa raw ako makababalik, tatanggalin na nila ako. At pumayag naman kaagad ako tutal hayop sila. Wala silang konsiderasyon. Alam nilang namatayan ako, tapos ganoon pa ang sasabihin nila sa akin. Kakaunting halaga pa lang ang naipon ko dahil isang buwan pa lang naman akong nagtatrabaho. Kaya hindi ko alam kung paano ko iyon pagkakasyahin kapag pinaalis na ako dito ni tito Oliver. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpapaalis niya sa akin. Tutal wala na si mama, wala na rin siyang pakialam sa akin. Pero kung sakali man na mapakiusapan ko siya na kahit kaunting panahon lang ang maging palugit niya sa akin na manatili sa kaniyang bahay, makikiusap ako. "Serenity..." tawag sa akin ni tito Oliver. "T- Tito..." garalgal ang boses ko nang magsalita ako. "Shhh.... huwag ka ng umiyak. Magang- maga na ang mga mata mo. Matulog ka na. Gabi na," sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko. Kasalukuyan akong nasa veranda. Nakatanaw sa itaas. Nakatingin sa mga bituin at iniisip na sana nakatanaw sa akin si mama ngayon. Na sana... binabantayan niya ako. Hinihiling ko nga nasa ay magpakita siya sa akin. Hindi naman ako matatakot kung sakaling magpakita siya. Ang mahalaga ay makikita ko siya. Ang mahalaga ay makakasama ko siya kahit saglit lang. "Pasensya na po... hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon. Sobrang sakit na mawala sa akin si mama. Siya na lang po ang mayroon ako tapos nawala pa siya. Hindi ko na alam kung paano ako nito. Kung paano ako makakabangon ngayong wala na siya...." humagulgol na ako dahil hindi ko na pang magpigil na umiyak. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Naiintindihan kita. Alam kong napakasakit niyan para sa iyo. Ganoon din sa akin. Nawala siyang bigla. Hindi man lang natuloy ang pag- alis naming dalawa. Sobrang sakit din sa akin na nawala siya kaagad. Hindi ko man lang siya nakasama ng matagal. Hindi man lang humaba ang pagsasama namin bilang mag- asaw..." bakas sa tono ng pananalita nita ang pighati. Tumitig ako sa kaniya. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan, kitang - kita ko ang napakaguwapong mukha ni tito Oliver. Kung hindi ko lang alam ang edad niya, maiisip ko na nasa thirty years old up lang ang edad niya. Pero ang totoo, nasa forty three years old na siya. Para siyang bampira. Hindi man lang nagbago ang mukha. At ang nakakahanga pa, mas lalo siyang gumaguwapo habang nagkakaedad siya. "Serenity? Kanina pa ako nagsasalita pero nakatulala ka lang. Ayos ka lang ba? Mukhang kailangan mo na talagang magpahinga..." Doon lamang nagbalik ang ulirat ko at nahiya akong bigla sa nagawa ko. Hindi ko napansin sa aking sarili na nakatulala na pala ako kay tito Oliver habang pinagmamasdan ang guwapo niyang mukha. Mabilis akong yumuko dahil sa matinding kahihiyan. "Pasensya na po... natutulala na ako sa d- dami ko pong i- iniisip..." pagsisinungaling ko sabay kagat ng aking pang ibabang labi. Bumuntong hininga siya at saka tumabi sa akin. "Naintindihan kita. Kahit ako rin naman, hindi nga ako makapag- focus sa negosyo ko dahil naiisip ko ang mama mo. Sa totoo nga lang, umiiyak ako gabi- gabi sa aking kuwarto. Naiisip ko na ito ba ang karma ko? Dahil marami akong pinaiyak na mga babae noon? Na kung kailan nagbago na ako at nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko ng totoo, doon pa siya kinuha sa akin...." Napatingin ako kay tito Oliver. Halata naman sa mukha niya ang lungkot. Halata rin sa mata niya na hindi siya nakakatulog ng ayos dahil lumaki na ang kaniyang eyebag. Marahil talagang mahal na mahal niya ang mama ko. Nakakatuwang isipin na nagawa siyang baguhin ng mama ko. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, si mama lang ang nagpabago sa kaniya. "Iniisip ko na nga lang na kasama ko pa rin siya. Na katabi ko pa rin siya sa kuwarto. Para kahit papano, hindi ako malungkot. Sana lang talaga maka- recover ako kaagad. Hindi ko na kasi maipapangako pa sa sarili ko kung makakahanap pa ako ng kagaya niya. Kung magmamahal pa ba ako dahil ayoko ng bumalik ulit sa umpisa. Siguro... talagang tatanda ako ng binata nito..." Tumikhim ako. "Hindi naman po siguro. Wala naman po sigurong masama kung magmahal po kayo ulit dahil iba pa rin po kapag may karamay kayo sa buhay. Siguro po talagang kailangan lang ng sapat na panahon para maka- recover po kayo sa pagkawala ni mama." Tumingin siya sa akin kasabay ng pagkibot ng kaniyang labi kung saan sumilay ang malungkot na ngiti roon. "Sana nga.. sana lang talaga mahanap ko pa ang babaeng katulad ng mama mo. Iyong maalaga... masipag.. maasikaso... maalalahanin at malambing. Miss na miss ko na ang mama mo..." wika niya sabay tingala dahil nangingilid na ang luha niya sa kaniyang mga mata. "Tito Oliver...." Tumingin siya sa akin. "Bakit?" Huminga muna ako ng malalim bago bumigkas ng salita. "Makikiusap po sana ako at kakapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko po sanang humingi ng palugit na dito po muna ako pansamantala. Hahanap po ulit ako ng trabaho at kapag kumita na po ako ng malaki, aalis na po ako dito." Mahina siyang natawa. "Pasaway kang bata. Bakit mo naman sinasabi iyan?" "Kasi po wala na si mama. Syempre po, wala na akong karapatang manatili pa sa bahay ninyo. Kaya sana po.... bigyan niyo ako ng palugit. Huwag niyo po muna akong paalisin." Muling sumilay ang ngiti sa kaniyang labi na para bang natatawa siya sa sinabi ko. Na hindi ko naman alam kung bakit siya natatawa. Wala namang dapat ikangiti o ikatuwa sa sinabi ko. Bagkus ay nahihiya nga ako sa favor ko na ito sa kaniya. "Hindi naman ako ganoon kasama para paalisin ka sa bahay na ito. Hangga't gusto mong tumira dito, walang problema sa akin. Mas maganda ngang dumito ka na muna para naman natatauhan ang bahay na ito. Puro kasambahay lang kasi ang kasama ko dito. Isipin mo na lang na daddy mo ako. Lahat ng gusto mo, puwede mong sabihin sa akin para maibigay ko. Para kahit papa'no, maramdaman kong may anak ako. Na may kapamilya pa ako..." nakangiting sabi niya. Nagliwanag naman ang mukha ko at gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko talaga, paalisin na niya ako. Pero hindi naman pala. Mabuti na lang talaga at nagsabi ako kaagad. Naging masama pa tuloy ang sinabi kong ito sa kaniya dahil naiisip niya na masama siyang tao para gawin iyon sa akin. "Maraming salamat po at pasensya na po kung naisip niyo na... masama po kayong tao para gawin iyon sa akin. Hindi po iyon ang intensyon kong iparating. Nahihiya lang po kasi akong manatili dito..." sabi ko sabay kagat sa pang ibaba kong labi. Mahina siyang natawa. "Ayos lang. Naintindihan kita. Sige na, Serenity. Matulog ka na at magpahinga. Isipin mo na lang na kasama mo pa rin ang mama mo. Magpapahinga na ako. Good night." "Good night din po, tito Oliver..." Umalis na siya sa tabi ko at saka nagtungo na sa kaniyang kuwarto. Habang ako naman ay napangiti na lang dahil mananatili pa ako sa bahay na ito. Bigla ko tuloy naisip kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng katulad niya. Nakikita ko kasi kung paano niya mahalin si mama ko. Naisip ko na sana... mahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal niya kay mama. Dahil wala naman sigurong masama kung ako na ang papalit kay mama dahil magkaparehas lang naman kami ng ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD