27

1532 Words

"Ayos ka lang ba?" nag- aalalang tanong ni Oliver kay Serenity nang umalis na si Clara. Niyakap naman ni Serenity si Oliver nang mahigpit habang si Oliver naman ay hinaplos- haplos ang buhok ng dalaga. At naramdaman niya ang panginginig ng kalamnan ni Serenity. "Pasensya ka na at ngayon lang ako nakarating. May inasikaso kasi ako na importanteng bagay. Siguro kung napaaga ang dating ko dito, hindi ka niya masasabihan ng kung anu- ano..." malambing na sabi ni Oliver habang hinahaplos ang buhok ni Serenity. Kumalas naman ang yakap si Serenity na maluha- luha pa sa mga oras na iyon. Hindi na nag- iinarte pa si Serenity dahil talagang naluluha na siya. At kaya naluluha siya ay dahil nahaplos ang puso niya sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Na pakiramdam niya, ligtas siya kapag na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD