Tatlong araw matapos ang naging away nina Clara at Serenity, naging tahimik ang buhay niya dahil hindi pa nagpapakitang muli sa kaniya si Clara. At naisip ni Serenity na mukhang sumuko na yata ito at natanggap na wala na siyang pag- asa pa kay Oliver. "Parang maganda yata ang araw mo ngayon? Malawak ang ngiti mo sa labi eh!" sabi ni Diane nang dumalaw siya sa bahay ni Serenity. Ngumisi naman ang dalaga. "Oo dahil hindi pa nagpapakita sa akin ang kulubot na tahong na iyon. Siguro sumuko na siya at tinanggap na hindi talaga sila ang magkakatuluyan ni Oliver sa huli. Dahil ako ang magiging asawa ni Oliver." Pumalakpak naman si Diane. "Ang lakas! Pero kumusta na ang status niyong dalawa?" Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Serenity. "Sinagot ko na siya!" proud niyang sabi na kumisay-