Kabanata 1

1308 Words
Oliver Martinez's P.O.V. Kumunot ang noo ko nang mag- vibrate ang cellphone ko. Tumatawag pala ang kaibigan kong si Brix. Ang kaibigan kong pasaway pero mabait naman. Siya ang kasama ko sa mga kalokohan ko noong single pa ako. Ang karamay ko sa lahat. Masuwerte ako dahil may kaibigan akong katulad niya kahit minsan ay naiinis ako sa pagiging maloko niya. "Oliver! Nasaan ka? Wala ka na sa unit mo? Binenta mo na pala 'to?" tanong sa akin ni Brix mula sa kabilang linya. "Oo... bumili na ako ng bagong bahay para sa amin ng asawa ko," sagot ko naman sa kaniya sabay sulyap sa aking asawa. "Asawa? Huwag mong sabihing ikinasal ka na? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ako invited?" gulat niyang sabi mula sa kabilang linya. Bumuntong hininga ako. "Simpleng kasalanan lang ang naganap sa amin. Wala kaming ibang bisita kun'di ang anak niya lang na si Serenity..." "So talagang pinakasalan mo ng talaga ang maid mo. Ibang klase ka talaga. Hindi ko akalain na sa tagal mong naging single, sa maid mo pa ikaw magpapakasal. Maid mo na may anak na. Ano ba naman 'yan, Oliver! Dapat mas minabuti mong mamili ng babaeng walang anak. Hindi naman sa hinuhusgahan kita at against ako sa inyong dalawa pero iba pa rin ang babaeng walang anak. Hindi pa rin ako makapaniwala sa iyo!" Bumuntong hininga ako. "Walang masama kung maid siya o kahit na sino pa siya. Sa kaniya ko nakita ang hinahanap ko sa isang babae. Mabait, maalaga, maasikaso at iba pa. At wala namang problema sa akin kung may anak siya dahil dalaga na ito. Tanggap niya nga kami. Ibang tao pa kaya eh wala naman akong pakialam sa kanila? Kung wala ka ng magandang sasabihin sa akin, papatayin ko na itong tawag," sabi ko sabay pindot ng end button. Pinagmasdan ko si Clarisse na mahimbing ang tulog. Sampung taon ko na rin siyang maid sa isa kong bahay kung saan madalas akong namamalagi. Doon kasi sa condo unit ko, nagpupunta lang ako doon kapag tinatamad akong umuwi sa bahay. Sa tagal niyang naging maid sa akin, kailan ko lang napagtanto na may nararamdaman ako sa kaniya. Napakamaalaga niya. Iyon ang hinahanap ko sa isang babae. Limang taon na rin ang lumipas simula nang mamatay ang asawa niya sa isang malubhang sakit. Bilib din ako sa pagmamahal niya sa kaniyang asawa. Kahit alam na niyang may sakit ito, hindi niya ito iniwan. Kaya siya namasukan bilang isang maid dahil siya na ang bumuhay sa pamilya niya. Mabuti na nga lang at isa lang ang anak nila. At ito ay si Serenity na twenty five years old na. May trabaho na ito sa isang private school at isa siyang staff doon. Limang buwan naging kami ni Clarisse bago ko siya niyayang magpakasal. Naisip ko kasi na kung pakakawalan ko pa siya, baka tumanda na akong binata. I'm already forty three years old. Masyado na akong matanda at kailangan ko ng ayusin ang buhay ko tutal nasa akin naman na ang lahat. Asawa na lang ang kulang. Wala naman akong problema sa pagbuo ng pamilya dahil malakas pa naman ako pagdating sa kama. Ang problema nga lang, hindi ko alam kung mabubuntis ko pa si Clarisse. "Honey... kumain na tayo. Nakapaghanda na ako ng almusal," nakangiting sabi sa akin ni Clarisse. Tumingin ako sa orasan. Alas nueve na pala ng umaga. Medyo na- late ako ng gising. Sabagay, hindi ako kaagad nakatulog kagabi dahil may pinanuod akong movie sa cellphone ko. Nasanay kasi ako na magising ng alas siyete o alas otso ng umaga dahil may negosyo akong inaasikaso. Mabuti na lang talaga at nabili kaagad ang kompanya ko dahil tinatamad na akong patakbuhin ito. Sa dami kong negosyo at iba pang inaasikaso, nawawalan na ako ng oras sa kompanya ko. Kaya naman kaysa malugi pa ito, ibenenta ko na lang sa kaibigan kong si Brix. "Wow... nakakagutom," sabi ko sabay halik sa labi ni Clarisse. "Anak, kumain ka na dito..." sabi niya sa anak niyang si Serenity. "Good morning po mama... good morning po tito Oliver," nakangiting sabi sa akin ni Serenity. "Good morning din sa iyo. Kumain ka na bago ka pumasok sa trabaho mo," sabi ko naman sa kaniya. Tahimik lang na kumakain si Serenity habang kaming mag- asawa naman ay nag- uusap tungkol sa plano naming pag- alis. Balak kasi naming pumunta sa ibang bansa para doon ganapin ang honeymoon namin at makapag- bonding din kami doon. "Serenity.... ayos lang ba sa iyo na dito ka muna sa bahay na ito? Isang linggo lang naman kaming mawawala. Magdadala na lang kami ng pasalubong sa iyo," sabi ni Clarisse sa kaniyang anak. Nginitian siya nito. "Wala pong problema kahit na huwag kayong magmadaling umuwi. Bonding niyo po 'yong dalawa kaya dapat lang na ma- enjoy niyo po iyon...." "Salamat, anak..." Bumaling si Serenity sa akin kaya nginitian ko siya. Mabuti na lang at mabait na anak si Serenity. Noong bago pa lang kami ng mama niya, akala ko mahihirapan akong kunin ang loob niya. Akala ko magagalit siya sa akin pero hindi ganoon ang nangyari. Sinabi niya lang sa akin na mahalin ko ang mama niya at huwag kong sasaktan. Dahil nakita niya kung paano nagdusa at nasaktan ang mama niya noong nawala na ang papa niya. Kaya sinuportahan niya ang relasyon namin dahil gusto niyang makitang muli ang mama niya na masaya. Na makita niyang wagas ito kung tumawa. Ang masasabi ko lang, ang suwerte ko sa kanilang mag- ina. Parehas sila ng ugali. Parehas masipag. Parehas maalaga. Kitang- kita ko kung gaano kamahal ni Serenity ang kaniyang ina. Talagang hindi siya umalis sa tabi nito at inalagaan niya ito ng maayos noong nagkasakit ito. At noong nagkasakit ako, gumaling ako kaagad dahil sa galing mag- alaga ni Clarisse. DUMATING ANG ARAW ng pag- alis namin ni Clarisse. Sobrang excited na ako dahil makakapag- bonding kami together sa ibang bansa. Matagal ko na siyang gustong dalhin sa ibang bansa. Sadyang hindi ko lang magawa dahil busy pa ako noong nakaraang araw. "Honey... may pupuntahan lang ako sa saglit. Iyong kaibigan ko. Dadalawin ko lang siya saglit. Naawa ako sa kalagayan niya. Nasa ospital. Magbibigay na rin ako ng kaunting tulong," malambing na sabi sa akin ng aking asawa. "Sige walang problema. Gusto mo bang ihatid na kita papunta doon?" Agad siyang umiling. "Hindi na, honey. Magpapahatid na lang ako kay manong driver. Sige na, saglit lang ako. Paki - check na lang ang mga gamit natin na inayos ko kung kompleto na o kung may kulang pa ba." "Oo sige. Bumalik ka agad, ha?" Nginitian niya ako. "Oo... saglit lang ako sa ospital," wika niya sabay halik sa aking labi bago umalis. Bumalik na ako sa kuwarto upang tingnan kung kompleto na ba ang gamit na inayos niya. Napangiti ako nang makitang kompleto na nga ito at maayos na maayos. Isa- isa ko na itong binuhat at saka ipinasok sa sasakyan. At nang matapos akong gawin iyon, nahiga na muna ako sa kuwarto at saka kinalikot ang aking cellphone. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako ng tatlong oras. Napabalikwas ako ng bangon. Agad akong lumabas ng kuwarto upang tingnan kung nakauwi na ba ang aking asawa. At kumunot ang noo ko dahil wala pa siya. Agad akong bumalik sa kuwarto upang kunin ang cellphone ko at i- message siya. Nagulat ako nang makita kong mayroong maraming miss calls sa akin si Serenity. Agad kong tiningnan ang message niya at nagimbal ako sa aking nabasa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ng panghihina ng aking kalamnan. Nanghihina anong napaupo sa sahig kasabay ng pagtulo ng luha ko sa aking mga mata. Si Clarisse.... Nabunggo ng isang malaking truck ang sinasakyan nilang sasakyan kung saan durog na durog ito. Na pati silang dalawa ng driver doon ay nadurog din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD