Chapter Two
Ayesa Montefalcon's Point of View
"Ayesa," napatingala ako sa nagsasalita. I am currently eating my lunch dito sa canteen. Ngumiti ako sa kanya na agad din niyang sinuklian ng isang ngiti din. Hala, ang puso ko! Ang guwapo naman talaga ng lalaking ito.
Hindi ko malaman kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko simula ng makilala ko si Heighman. Mahigit isang buwan na kaming magkaklase at masasabi kong suplado siya. Suplado siya kapag kinakausap siya ng mga kaklase namin pero iba ang pakikitungo niya sa akin. Hindi siya madamot na bigyan ako ng ngiti niya pero sa iba ay nakasimangot na siya. Naalala ko tuloy noong hinihingi ang number niya ng isa kong classmate na binabae at tinitigan lang niya sabay inambahan ng suntok. Tumakbo tuloy at hindi na lumapit sa kanya.
"Ikaw pala Heighman." Sabi ko.
"Puwede ba akong umupo dito?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Oo naman." I said at kinuha ang bag ko na nasa table. Umupo naman siya sa harapan ko at sumipsip sa hawak niyang tumbler. Akala ko maglalabas siya ng pagkain niya pero nagtaka ako nang mapansing hindi siya kumakain, umiinom lang siya ng soda o juice? hindi ako alam kung soda o juice nga iyon kasi nakalagay ito sa isang tumbler.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sabay kagat sa ulam kong hotdog. Iba talaga lasa ng hotdog kapag hindi Tender Juicy. Pasensya na, fan ako ng TJ Hotdog eh.
"Oo." Sagot niya at sumipsip na naman sa tumbler niya.
"Ano ba yang iniinom mo?" curious talaga ako eh, napaka-tsismosa ko naman at pati iniinom niya ay tatanungin ko.
"Ah ito ba?" sabay taas ng hawak niya, tumango naman ako.
"Softdrink. Galing England."
"Masarap ba ' yan?" nacucurious nga kasi ako. Naku Ayesa, pigilan mo ang sarili mo kakatanong. Baka kung ano isipin ni Heighman sayo. Paano ba naman kasi ay sarap na sarap siya sa iniinom niya.
"Oo. Gusto mo?" alok niya at iniabot ang tumbler niya.
"Naku, 'wag na." Pagtatanggi ko. Baka sabihin niya buraot ako eh.
"Sige na tumikim ka na. Kapag nagustuhan mo, dadalhan kita bukas nito. " Tapos ay inabot niya 'yung iniinom niya. Dahil nga curious ako kasi nga sabi niya from England pa, imported na drink ay kinuha ko rin naman at tumikim. Paghigop ko sa straw ay agad kong nalasahan ang softdrink na ito. Ah ganito ba lasa ng softdrink na imported? kakaiba ang lasa. Parang metalic na ewan. Parang ferous sulfate ang lasa. Ah basta! Hindi ko maexplain.
"Masarap di ba?" binalik ko na sa. kanya ang tumbler at pinipilit hindi mapangiwi sa nalasahan ko.
" 'Di gaano. Anong softdrink ' yan? kakaiba ang lasa eh. Parang metalic. Ganyan ba talaga ang lasa niyan?"
Pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya sa akin. Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Lalong lalo na sa mga mata niya. Taga England siya pero mukha siyang asian. Singkit ang mga mata niya at maitim. Pakiramdam ko ay kinakain ako ng mga matang iyon. Pakiramdam ko kilala ko ang mga matang iyon.
"Ayesa, okay ka lang?" nabalik ako sa realidad nang magsalita siya. Grabe, nakakahiya. Harap-harapan ko siyang pinagmamasdan. Naku Ayesa, umayos ka!
"Ah eh oo. Ang ganda kasi ng mga mata mo eh." Shocks! Ano ba itong nangyayari sa akin?
"Ano Heighman... what I mean is---"
"Good to hear that," putol niya sa sinasabi ko na siya namang pinagtaka ko. "Gustong-gusto kong nakakarinig ng mga papuri galing sayo." Patuloy niya. Tumayo na siya at nagpaalam sa akin. Ako naman ay naiwan na nagtataka Napaisip tuloy ako. Sa pagkakaalam ko ito ang unang beses na purihin ko siya ng harap harapan. Sa isip ko lang naman siya pinupuri, nakakahiya siyempre na sabihin sa kanya na poging pogi ako sa kanya.
Tinapos ko na ang pagkain ko saka ko inayos ang gamit ko para sa next subject namin.
*
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa bintana ko. Teka, ang alam ko isinara ko ng mabuti iyon. Bago ako natulog ay isinara kong maiigi iyon.
Maya maya'y naramdaman kong may lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Bigla akong nagpanic. Ididilat ko sana ang mga mata ko pero di ko magawa. Gusto kong gumalaw pero parang naparalisa ako. Pinipilit kong igalaw ang mga daliri ko pero hindi ko magawa.
"Mahal ko." Ang boses na naman iyon. Ang lalaki sa panaginip ko. Nanaginip ba ako ngayon?
"Huwag kang matakot. It's me." Tapos ay hinaplos niya ang aking buhok. Sa ginawa niyang iyon ay bigla na lamang naglaho ang takot na nararamdaman ko. I feel safe when he's around. Nawala ang panic sa sistema ko, nagsimulang kumalma ang katawan at isipan ko. Para bang may mahika ang boses niya na siyang nagpapakalma ng pagkatao ko.
"Hindi pa din kumukupas ang kagandahang taglay mo aking Mahal." Bigla na lamang akong napangiti. Bihira lang may pumuri sa kagandahan ko. Narinig ko ang kaniyang munting hagikhik at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.
"Bakit ka ba natatawa? may nakakatawa ba?" Tanong ko sa sarili ko. Pero laking gulat ko ng sumagot siya sa tanong ko. Nababasa niya kung ano ang nasa isipan ko!
"Natutuwa lang ako dahil hindi ka pa rin nagbabago. Napapangiti pa rin kita sa tuwing pinupuri kita."
"Gusto kitang makita. I want to know you."
"Soon my love. Hindi na nga ako makapaghintay."
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko. Nabigla ako ng may lumapat na malambot sa aking labi. Teka, ang first kiss ko!
"Isa ito sa mga gustong-gusto kong gawin. To kiss your your sweet and luscious lips. Hindi mo alam kung gaano ako nagkokontrol na huwag kang halikan sa tuwing pagmamasdan kita pero ngayon ay hindi ko na kaya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Sabik na sabik ako sayo Mahal ko."
Dapat ay magalit ako sa kanya dahil hinalikan niya ako ng walang permiso.He's a p*****t! Ninakaw niya ang first kiss ko! Pero ang sarap sa pakiramdam nang dumampi ang mga labi niya sa akin. Aaminin ko, hahanap-hanapin ko ito. Ang lambot at mainit ang mga labi niya.
"Talagang nababaliw ka sa mga halik ko my queen? huwag kang mag-alala dahil pagmagkasama na tayo lagi mo ng matitikman ang mga halik ko. Hahalikan kita araw-araw at gabi-gabi. Katulad noong mga panahong magkasama tayo, lagi kang nanlalambing sa akin para mabigyan kita ng halik. Hiling ko lang sana na maalala mo ang mga nakaraan natin." Dito na ako ngataka ng husto. Kilala ko ba siya? bakit niya nasabing nakaraan namin? may nakaraan kami? ano ba itong sinasabi niya? sa pagkakatanda ko, no boyfriend since birth ako. NBSB, virgin hanggang ngayon. Never been touch!
Halos pigilan ko ang aking paghinga nang dumampi ang kaniyang labi sa leeg ko. Damang dama ko ang init ng kanyang hininga sa leeg ko. A-ano ba ang gagawin niya? don't tell me kukunin na niya ang iniingatan kong p********e? hindi ako magalaw! Paano ako mag-eenjoy?
Jusme, Ayesa ang harot ah.
"Hindi na ako makapaghintay na gawin ito sayo." Hinawakan niya ang leeg ko. Hala, ito na! Nagrigodon na naman ang puso ko!
"Medyo masakit ito kaya humhingi na ako ng tawad." Oo masakit nga daw pag unang beses pero teka lang hindi pa ako handa!
"Teka lang! Anong gagawin mo?" taniong ko mula saisipan ko at naramdaman kong natawan siya.
"Wala akong gagawin sayong masama Mahal ko. Hihintayin ko ang oras na handa ka ng ibigay sa akin ang buong sarili mo. Sa ngayon, gusto ko ibalik ka sa totoong ikaw. Panahon na para ibalik ka dati."
"Anong ibig mong sabihin? hindi kita maintindihan! Teka lang!"
Naramdaman ko na lang ang isang matulis na bagay na bumaon sa leeg ko. Naramdaman kong sinsipsip niya ang leeg ko hanggang sa dinuyan ng antok ang diwa ko.
Third Person's Point of View
Pagkatapos niyang sipsipin ang dugo ni Ayesa ay pinagmasdan niya itong nahihimbing na. Panahon na din naman para mabawi niya ang dalaga. Alam niyang naguguluhan si Ayesa, ayaw niyang biglain siya kaya dahan-dahan. Alam niyang may mga pagbabago ng mararanasan ang dalaga kaya kailangan niya lalo siyang bantayan.
Sinulyapan pa niya sa huling pagkakataon si Ayesa bago tuluyang umalis para bumalik na sa kanilang mansyon. Pagdating niya sa mansyon ay naabutan niya ang kapatid niyang nakaupob sa sofa at kasalukuyang nagbabasa ng libro. Hindi na sana niya papansinin ang kapatid pero tinawag siya nito kaya tumigil siya sa pag-akyat at umupo na lang sa tabi ng kapatid.
"Kuya,how is she?" tanong nito sa kanya.
"Okay naman." Sagot niya at nagsalin ng pulang likido sa kopitang nakalagay sa center table nila. Inamoy amoy pa niya ito bago ininom.
"Sa mga susunod na araw, marami ng magbabago sa kanya." Napatigil ang kapatid niya sa pagbabasa at gulat na gulat na tiningnan siya.
"Ha? anong ginawa mo? pinagsamantalahan mo siya?" tanong nito sa kanya kaya sa inis niya ay hinampas niya ng throw pillow ang kapatid.
"Hindi ako ganoon. Kinagat ko lang siya." Sagot niya at naging seryoso naman ang kapatid niya.
"Tama lang, panahon na din naman. Baka maunahan tayo ng mga kalaban kapag nalaman nilang buhay si Ayesa. Naaawa ako sa kanya, alam kong gulong gulo na siya sa biglang pagsulpot mo kuya. Kaya please, tulungan mo siya Kuya." Alam naman niya iyon, ginulo niya ang tahimik na buhay ng dalaga pero hindi na dapat siya mag-aksaya pa ng panahon. Baka malaman ng mga kalaban niya na muling nabuhay si Ayesa at maunahan siya. Hinding hindi na niya hahayaang maulit ang nakaraan. Hinding hindi na.
"Pero huwag kang mag-alala kuya, nandito kami para protektahan siya Kuya." Ngumiti siya at tumayo na. Gusto lang niyang magpahinga ngayong gabi dahil may klase siya kinabukasan.
"Maiwan na muna kita kapatid. Gusto ko lang magpahinga ngayon." Tumango naman ang kapatid niya.
"Sige Kuya, ako ng bahala dito."
Tuluyan na siyang umakayat sa kanyang kuwarto. Bago siya tuluyang nahimbing ay pinagmasdan pa niya ang larawan ng dalaga at napangiti.