Chapter One
Ayesa Montefalcon's Point of View
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana ko. Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa aking bedside table. Ala sais y media ng umaga, sapat lang para makapaghanda ako sa pagpasok. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya saka pumasok sa banyo. Bigla kong naalala ang boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. Pero parang totoo kasi. Hindi ba kadalasan, kapag panaginip ay malilimutan mo paggising pero 'yung kagabi tanadang-tanda ko talaga. Bawat detalye, 'yung init ng kamay niya ay damang dama ko pa din. 'Yung halik ay parang nandito pa din sa noo ko.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako ng kuwarto. Naabutan kong naghahanda ng agahan si Auntie Alice, nagluto siya ng sinangag, tuyo at itlog na maalat na may kamatis. Siya nga pala, si Auntie Alice ay kapatid siya ng papa ko. Siya na ang nag-alaga sa akin simula noong limang taong gulang palang ako. Ang mga magulang ko ay maagang pumanaw dahil sa isang aksidente. Ang sabi ni Tiya noon, nabangga daw ang sinsakyang taxi nila Papa ng isang truck. Mabuti na lang daw na hindi ako kasama ng mga panahong iyon. Baka kung nagkataon ay maaga na din akong nawala sa mundong ibabaw. Anyway, walang asawa si Auntie kaya halos ituring na niya akong tunay na anak.
"Magandang umaga Auntie." Bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
"Magandang umaga din. Buti naman at bumaba ka na. Kumain ka na at male-late ka na sa klase mo." Sagot niya sa akin at naupo na sa hapag kainan. Sinunod ko naman ang sinabi niya.
"Kape mo pala." Napatingin ako sa mug na inilapag niya sa harapan ko. Amoy na amoy ko ang aroma ng kapeng barako. Unti- unting nabubuhay ang diwa ko dahil sa amoy nito.
"Salamat, Auntie Alice."
"Walang anuman. Sige na kain na at baka matraffic ka papasok ng eskwelahan." Umupo na din siya at sinabayan ako sa pagkain.
Maya-maya'y nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Habang naglalakad ako ay inaayos ko naman ang earphones ko. Trip ko kasing magsounds ngayong umaga. Nang ilalagay ko na ang mga earphones sa tenga ko at naghahanap na ng kantang papatugtugin ko ay bigla na lamang akong napatigil.
"Ayesa..."
May boses ng lalaking bumanggit ng pangalan ko. Agad akong napalingon para tingnan kung sino ang tumawag. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang tao na tumawag sa akin. I mean, may mga tao pero hindi ko naman sila kilala at paniguradong hindi rin naman nila ako kilala.
Nakita ko ang isang lalaking naglilinis ng kotse, imposible namang siya ang tumawag sa akin dahil masyado siyang abala sa paglilinis at saka hindi ko siya kilala. May babaeng naglalakad ng matulin na sa palagay ko naman ay malelate na siya. Obvious na hindi siya dahil nilagpasan lang niya ako at saka boses lalaki ang tumawag sa akin. Mas lalong imposible din namang 'yung aso sa katabing bahay ang tumawag sa akin.
"Hmmp. Guni-guni ko lang 'yun." Bulong ko at tuluyan ko ng inilagay ang earphones sa tenga ko. Pinatugtog ko na ang kanta ng She's Only Sixteen na Dying to meet you.
All the boys are dying to meet them girls
All the girls are dying to meet you
Such a shame that you couldn't be yourself
Wasting time acting like you're someone else
Acting out and trying to keep low-key
Think about your excuse in the morning
Started running out of alibis to say
Your dad's crying, "I never brought you up that way"
Habang nasa biyahe ako ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang lalaki sa panaginip ko. Pakiramdam ko kilala ko siya, na parang matagal na kaming magkakilala. Hindi ko naman maalala kung sino siya, hindi naman ganoon kalaki ang circle of friends ko. Hindi naman siya si Kuya Sam, si Rustom o si Claude.
Nababaliw na yata ako. Panaginip ko lang naman iyon pero ito ako at iniistress ang sarili ko.
Pagdating ko sa school ay naabutan kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae at nag-uusap sa labas ng room. Nagtaka ako bakit hindi pa sila pumapasok sa loob kaya sinilip ko ang room at nakitang nililinis pa ito. Ngek, ngayon lang nilinis ang room.
Napatingin ako sa mga kaklase kong nagkukumpulan sa may pinto at parang kinukurot ang mga singit.
"Girl, may transferee daw ngayon."
"Saan mo naman narinig? mag- midterm na tapos may transferee?"
"Kay Ms. Madeline ko narinig. 'Yung nurse natin. Sinabi niya sa akin iyon kahapon."
"Really? sana boy! Iyong gwapo ah! Mga tipong Lee Min Ho o kaya Park Seo Joon ang datingan. Baka mamaya kamukha iyan ni Marlou." Naghagikhikan pa sila at napailing na lang ako.
"Nakita na nga daw ni Ms. Madeline. Nag-enroll kahapon and super guwapo daw. Mukhang foreigner daw."
"Naku Oh my God! May dahilan na para sipagin pumasok araw-araw. Sana classmate natin siya sa lahat ng subjects para wala na kong reason para mag cutting class!"
Napailing na lang ako sa mga sinabi nila ay hindi sila muling pinansin pa at umupo na lang ako sa bench di kalayuan sa room. Bakit ba kasi ngayon lang nilinis ang room?
Pero may transferee? August na pero may transferee pa? buti tinanggap pa siya ng admin. Dati kasi noong first year ako, may kaibigan akong gustong magtransfer dito, magprelims palang naman noon pero hindi na siya tinanggap dahil full na daw. Hindi kaya mapera itong si transferee kaya tinanggap siya.
"Good morning Ayesa." Napalingon ako sa nagsalita. Napangiti ako nang makita si Claude na kumakain ng burger at tumabi sa akin dito sa bench.
"Claude ikaw pala. Mukhang maganda ang umaga natin ah," sabi ko. Inalok niya ako ng fries at kumuha naman ako. Favorite ko kasi ang fries kaya hindi ako tatanggi.
"Siyempre, nakita na kita eh." Napangiti na lang ako sa sagot niya.
"Loko ka talaga." Ang tanging nasabi ko at binato siya ng hawak kong dalawang pirasong fries.
Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang mga classmates ko sa room. Mukhang tapos na linisin ang room. Kami naman ni Claude ay tumayo na at pumasok ba din. Agad akong dumeretso sa puwesto ko. Wala pa naman ang prof namin kaya naisipan kong magbasa na lang muna ng mga notes. Ilang sandali pa ay nabigla ako nang biglang magtakbuhan ang ilang mga kaklase kong lalaki papasok. Akala ko may mga kalabaw na pumasok eh. Ang aga-aga mga mukha nansilang kalabaw.
"Nandiyan na si Ma'am!" Sigaw pa ng isa. Halos lahat kasi ay takot sa prof namin. Masyado kasi siyang strikta pero magaling naman magturo. Maya-maya'y dumating na si Ma'am Virgin May.
"Good morning class!" Bati niya at agad naman kaming tumayo para batiin siya pabalik.
"Good morning too Ma'am Virgin May." sagot naming lahat at nagmuestra siya ng kamay niya na ibig sabihin ay umupo na kami. Minsan napapaisip ako kung ganito din ba sa ibang university. Para kaming mga highschool students.
"Today, you will have your new classmate," sabi niya. " Mr. Heighman, please come in." Tapos ay may pumasok na isang lalaking matangkad, maputi na parang labanos at medyo singkit ang mga mata. Isang salita para sa kanya: Guwapo.
Nang humarap siya sa amin ay nagsimulang mag-iritan ang mga kaklase kong uhaw sa lalaki. Kilig na kilig at may panibago na naman silang crush at pagpapantasyahan.
"Oh my God! Super duper guwapo niya!"
"Shocks! I think nalaglag ang panty ko!!"
"Saan 'te? Nakakahiya ka, pakalat-kalat lang ang panty mo."
Kadiri naman. Guwapo nga siya pero hindi naman ako over acting. Ewan ko ba sa mga kaklase kong mahaharot, akala mo sinapian na ng malanding espiritu.
"Please introduce yourself." Sabi ni Ma'am at umayos naman ang lalaki.
"My name is Heighman France. I just came from England. But don't worry, I'm fluent in speaking in tagalog. Ikinagagalak ko kayo makilala." Pagkatapos ay ngumiti siya. Agad kong tinakpan ang tainga ko ng mag-iritan ang mga classmates kong babae at binabae. Grabe sila, parang ngayon lang sila nakakita ng guwapo.
Fluent ba kamo? O eh di nagtagalog na lang sana siya.
"Thank you so much. Puwede ka ng maupo banda doon sa may bintana." Sabi ni Ma'am at itinuro ang dulong upuan na nasa tabi mismo ng bintana.
"Ma'am?" tawag ni transferee at tumingin naman si Ma'am Virgin May sa kanya.
"Yes?" tama ba 'tong nakikita ko? si Ma'am nagpapacute sa kaniya? hala siya, pati ang terror prof namin ay nahulog na din sa kanya.
"Can I sit beside her?" sabay turo kay--- teka sa akin?
Tumingin pa ako sa likod ko baka kasi hindi naman ako ang tinuturo niya pero wala namang nakaupo sa likuran ko. May upuan naman para sa kanya pero bakit gusto niya ako katabi?
"Sure, no problem. Peter kung okay lang doon ka na maupo sa may bintana." Tumayo naman ang katabi kong si Peter at sumaludo pa.
"Okay Ma'am! Hindi rin naman nagpapakopya itong si Ayesa eh." Sabi niya at nagtawanan ang lahat. Hindi ako sumagot pa at binigyan lang siya ng masamang tingin. Kinuha na niya ang mga gamit niya tapos umalis na siya at naupo na sa may tabi ng bintana. Napalingon naman ako nang umupo na si transferee sa tabi ko.
Nang okay na ang lahat ay nagsimula ng magturo si Ma'am Virgin May. Sa totoo lang ay medyo naiilang ako dahil sa katabi ko. Kanina pa siya nakatingin sa akin. For the whole period wala siyang ginawa kung di ang titigan ako. Nakakailang kapag may nakatitig sayo, hindi kaya manyak itong bagong classmate namin?
Nang matapos ang period ni Ma'am Virgin May ay biglang nagsalita ang katabi ko.
"Hi!" Napalingon ako sa katabi ko. He is smiling at me at hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko. Sobrang guwapo niya sa malapitan. Naiilang ako kanina tapos ngayon ay kinakabahan na dahil sa lalaking ito.
"H-hello," nauutal kong sagot. Ano ba yan? bakit ba ako nauutal?
"I'm Heighman France and you?"
"I-i'm Ayesa. Ayesa Montefalcon." Shocks! Ano bang nangyayari sa akin? kinakabahan ako ng sobra. Ang bilis ng t***k ng puso ko. na para ba akong nagmarathon. Hindi kaya may sakit na ako? naku Lord, wag naman sana! Ayoko pang mamatay!
"Nice to meet you Ayesa." Tapos inilahad niya ang kaniyang palad.
"Nice to meet you too." Then tinanggap ko rin ang palad niya at nakipagkamay na.
Napapikit ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Ang init pero bakit pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam?
Para bang katulad niya ang lalaki sa panaginip ko. Ang kamay niya at ang sa lalaki sa panaginip ay parang iisa lang. Ano ba itong nangyayari sa akin?
Nang bumitaw siya ay saktong dumating ang next prof namin para sa next subject. This time, hindi na nakatitig sa akin si transferee o si Heighman at matamang nakikinig na siya kay prof.
Third Person's Point of View
Mula sa bahay ng dalaga ay sinundan na niya si Ayesa. Gawain na niyang sundan ang dalaga sa pagpasok sa eskwelahan simula ng tumuntong si Ayesa sa highschool. Lalong tumindi ang pagsunod niya nang magkolehiyo si Ayesa.
"Ayesa..." banggit niya sa pangalan ng dalaga at nabigla siya ng tumigil si Ayesa sa paglalakad at lumingon. Mabuti na lang at malayo ang kinaroroonan niya.
"Mukhang narining niya ako."
Pagdating sa eskwelahan ay napaikot ang mga mata niya ng paulanan siya ng mga titig na mula sa mga estudyante partikular mula sa mga kababaihan. Para ba siyang isang kakaibang bagay na nakadisplay sa museum.
Narinig niyang pinag-uusapan siya ng mga kaklase ng dalaga at nakita niya ang pagkainteres nito sa kanya.
Pigil na pigil niya ang sarili niya habang pinagmamasdan si Claude na kausap si Ayesa.
" Mukhang pinopormahan ng lokong 'yun si Ayesa."
Nang ipakilala na siya ng kanilang propesor ay nanatiling nakatingin siya sa dalaga. Nakiusap siyang doon siya maupo sa tabi ni Ayesa na agad naman siyang pinagbigyan.
Hindi niya inalis ang tingin sa dalaga. Buong oras ng klase ay nakatitig lang siya kay Ayesa at nakikita na niyang hindi na nagiging komportable ang dalaga sa kanya.
"Hi! I'm Heighman France and you?" tanong niya, dito siya lalong humanga sa kagandahang taglay ng dalaga. Ngayon na lamang niya napagmasdan ang dalaga ng malapitan at hindi tulog. Kitang kita niya ang buhay at maningning na mga mata ni Ayesa na siyang paborito niyang tingnan noong mga panahong magkasama sila.
"I'm Ayesa. Ayesa Montefalcon."
Nang magdampi ang kanilang mga kamay ay alam niyang nakaramdam ng familiarity si Ayesa. Isa ito sa kanyang paraan para maalala ng dalaga ang past life niya.
Simula palang ito, at sisiguraduhin niyang mapapasakanya si Ayesa at poprotektahan niya ito kahit buhay pa ang maging kapalit. Hinding-hindi niya hahayaang maulit muli ang trahedyang nagdulot ng pagkawala ng dalaga.
"Maghintay ka lang Mahal ko, magkakasama na din tayo." bulong niya sa kanyang sarili.