Hindi na nagtagal si Randy at umuwi na rin ito pagkatapos nitong maghapunan. Ingat na ingat ako sa aking mga kilos, pero aaminin kong bigla akong nakaramdam ng matinding panghihinayang. Kung alam lang nito kung paano tumalon ang puso ko sa tuwa at sobrang kilig sa pagpapaunlak nito sa imbitasyon ng aking abuela.
Ngayong umuwi na ito at kasalukuyang hinahatid ng aking mga mata ang papalayo nitong kotse ay damang-dama ko ang kalumbayan ng aking puso.
May mga ilang manliligaw ako pero ni isa ay hindi ko binigyan ng pansin, dahil ang puso ko ay nakatali na sa nag-iisang lalaki. Walang-iba kundi si Mr. Randy Collins.
"Bakit parang malungkot ka yata sa pag-alis ni Randy?"
Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ng aking mukha. "Naku, hindi Lola. May naalala lang kasi ako."
Umaasa akong nakumbinsi ko ang aking abuela sa aking pagsisinungaling. "Hmmm... I don't think so. Kilala kita, hija."
When it comes to my Lola wala akong maililihim, at aminado ako roon. "Lola..."
"Pansin ko ang kalungkutan sa anyo mo nang umalis si Randy. Matagal ko ng napapansin ang kakaibang ningning ng iyong mga mata at alam kong hindi ako nagkamali sa instinct ko."
"Naku, guni-guni mo lang 'yan, Lola."
"Sa dinami-dami ng manliligaw mo nagtataka ako kung bakit ni isa sa kanila ay wala kang binigyan ng pagkakataon para patunayan ang kanilang nararamdaman para sa'yo? Kaya naisip ko tuloy na may nagmamay-ari na riyan sa puso mo."
Sumikdo ang puso ko sa kaba nang marinig ang makahulugang sinabi ni Lola Regina. Halata na ba ako sa mga kinikilos ko?
Sa totoo lang ayokong may isa man na nakakaalam sa nararamdaman ko para kay Randy. Sekretong malupit ko lang ito na pwedeng habang-buhay ko na lamang sigurong itatago.
"Sadyang naka-focus lang po talaga ako sa aking pag-aaral, Lola."
"Well, that's good, hija. Masaya akong marinig mula sa'yo ang mga salitang 'yan. Aba, dapat lang talaga dahil ang edukasyon ang isa sa importanteng dapat mong pagtuonan ng pansin."
Nakangiting niyakap ko ang aking abuela. Mahal na mahal ko ito at lubos na ipinagmamalaki sa buong mundo, ang tanging taong tumayo sa akin bilang ama't ina.
"I love you, Lola."
"Hmmm... you never changed, hija. Ikaw pa rin ang bata noon na ngayo'y dalaga na. Malambing, mapagmahal at maalaga."
Nakangiting niyakap ko si Lola Regina sabay halik sa pisngi nito, saka kami nagpasyang pumasok na sa loob.
Hinatid ko si Lola sa kwarto nito at pagkatapos ay tinungo ko na rin ang aking kwarto. Pagdating ko sa loob ay napasulyap ako sa jacket ni Randy.
Nakangiting dinampot ko ito at inamoy-amoy. Ayoko na sanang ibalik kay Randy pero hindi pwede, lalo na at nakapagbitaw na ako ng salita na ibabalik ko ang jacket nito bukas.
Napapikit ako at niyakap ang jacket ni Randy. Ang sarap lang amuyin, nang biglang sumagi sa isipan ko si Irish, ang aking best friend na siyang tunay na mahal ni Randy.
Ang alam ko hindi ko nabalitaang nanligaw si Randy kay Irish, basta na lamang officially naging mag-jowa na ang mga ito sa isang iglap.
May duda man pero sinarili ko na lamang ang naisip. Ayoko ring isipin nina Randy at Irish na bitter ako, natatakot akong malaman ng mga ito ang tunay kong nararamdaman. Basta ang alam ko, mahal na mahal nina Randy at Irish ang isa't isa.
Masakit man sa part ko, maybe this is my role sa buhay na ito. Alam kong may darating talaga na para sa akin, hindi pa ngayon pero si God na ang bahalang magpasya.
Nagpasya na akong pumasok sa banyo para linisin ang sarili at para na rin makapagpalit ng pads. Pagkatapos ay sumampa na rin ako sa aking kama at natulog.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa paaralan at hindi ko akalaing aabangan ako nina Bettina kasama ang ilang mga kaibigan nito.
"So, ang aga mo naman yata?" Taas-kilay na tanong ni Bettina sa akin.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay nilampasan ko lamang ito. Nagmamadali pa naman ako dahil kailangan kong matapos ang assignments ko.
Nagulat ako nang hilahin ng marahas ni Bettina ang isa kong braso. "Ano ba?!" Galit kong ani sabay piksi sa kamay na nakahawak sa aking braso.
"Ano na naman ito, Bettina? Baka gusto mong isumbong kita sa guidance counselor o 'di naman kaya sa student government sa mga pambubully mo na naman sa akin?" Pananakot ko rito.
"Oh, nakakatakot naman. Well, gusto ko lang malaman mo na hindi mo kayang maakit ang boyfriend ni Irish. Akala mo hindi napansin ang pagiging flirty mo kay Mr. Collins? Ang sabihin mo balak mong sulutin ang boyfriend ng best friend mo."
Pinagtawanan ko lang ang sinabi ni Bettina sa akin. "I'm sorry, pero wala akong panahong makipag-usap sa isang katulad mo na psychopath."
Walang-sabing tinalikuran ko na si Bettia, but not so fast dahil marahas nitong hinila ang aking buhok dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit. Napaluha tuloy ako sa sobrang kirot ng aking anit.
"Enough, let her go!" Nagulat ako sa baritonong boses na iyon. Hindi ako nagkakamali, it's Randy.
"May araw ka rin sa'kin, Lorriel!" Gigil na bulong ni Bettina sa aking punong-tenga at marahas ako nitong itinulak, napapikit ako dahil inaasahan ko na ang pagbagsak ko sa sementadong school ground.
Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang maamoy ang pamilyar na amoy ni Randy na ngayo'y nanunuot sa aking ilong at naramdaman ko na lamang na bumagsak ako sa mismong matipuno nitong mga bisig.
"What happened?" Seryosong tanong ni Randy sa akin.
"Bettina bullied me."
"And you let her?" Hindi makapaniwalang tanong ni Randy sa akin.
"Of course not, lumaban ako."
"I'm not convinced. I saw something different earlier. I saw her pulling your hair."
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang inis sa anyo ni Randy. Did she hate Bettina?
"I'm okay now." Dahan-dahang umalis ako mula sa pagkakahawak kay Randy.
"I'm going to call her to the guidance office to find out why she did that to you."
"Please... mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon. Palampasin na lamang muna natin ang ginawa ni Bettina." Pakiusap ko kay Randy.
"Really?" Hindi makapaniwala sagot ni Randy sa akin.