Kabanata 1

1022 Words
Inalis ko ang jacket ni Randy na nagsilbing takip sa aking tagos. Dumiretso ako sa banyo at nilinis ang sarili. Paglabas ay agad akong nagbihis saka lumabas ng sariling kwarto at nagmamadaling bumaba mula sa grand staircase ng mansion. "Manang, nasaan sina Randy at Lola Regina?" tanong ko. "Nasa living room po si Mr. Collins at nasa kusina naman po senyora Regina." Hindi kaya natuloy ang kanilang tour dito sa mansion o 'di kaya'y nagbago ang isip ng Lola Matilda? Nagmamadaling tinungo ko ang living room kung nasaan si Randy natagpuan ko itong nagbubuklat ng ilang mga photo albums. Gusto kong matunaw mula sa kinatatayuan dahil ang mga photo album na nasa living room ay mga pictures ko no'ng baby pa lamang ako. Napansin kong wala man lamang inihandang makutkot para rito ang aming mga kasambahay. "Lalabhan ko pa ang jacket mo pwede bang bukas ko na lang ibalik sa'yo?" Tanging nasabi ko kay Randy. Seryosong nag-angat lang ito ng tingin sabay titig sa aking mga mata. "It's okay." Tipid nitong sagot sa akin pagdakay ibinaling ang tingin sa mga photo album na tinitigan nito. "S—Sandali, ahmm... may nais ka bang kainin?" "Wala, salamat na lamang." Wala akong nagawa kundi ang tumango sa seryosong si Randy. "Ikaw ba 'to?" Awtomatikong namula ang aking magkabilang-pisngi nang mapansin ang tinitingnan nito. Isang batang babae na nakasuot lang ng panty na kumakain ng lugaw. Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis na inagaw dito ang naturang album. "Naku, nakakahiya at nakita mo pa." "You're blushing, nahihiya ka?" Hindi ngumingiting tanong ni Randy sa akin pero ang tono ng boses nito ay halatang nang-aasar. "Siyempre naman, lalo na at naka-panty lang ako riyan," sagot ko na hindi makatingin sa mga mata ni Randy. Hawak ko ngayon ang aking photo album at nagmamadaling inalis ang mga album ko sa ilalim ng glass center table sabay tawag sa mayordoma. "Yes, senyorita?" "Pwede mo bang alisin ang mga ito at palitan ng ilang magazines o ilang dyaryo?" Hindi ko maitago ang inis sa sariling boses. "Sige po, senyorita." Nagmamadaling tinawag ng mayordoma namin ang ilang mga kasambahay at inutos ang sinabi ko. Napasulyap ako kay Randy, nagtama ang aming paningin. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon. You look so cute when you are little." Hindi ko napigilang mapanganga sa narinig mula rito. Omg, na-cute-tan ito sa akin? Pwede na ba akong humimlay sa sobrang kilig ngayon? "Hindi naman..." Nahihiya kong sagot dito sabay yuko. Kahit sinasabi iyon ni Randy sa akin hindi ko pa rin nasilayan sa ekspresyon ng mukha nito ang ngiti. Hindi talaga ito marunong ngumiti. "Randy, Lorriel, dinner is ready!" Narinig kong sigaw ni Lola Regina. "Tara?" Paanyaya ko kay Randy. Simpleng tango ang siyang naging tugon nito sa akin. Nagpatiuna na akong maglakad dito at tinungo namin ang dinning area kung nasaan ang aking abuela. Ang totoo sobrang saya ko nang paunlakan ni Randy ang imbitasyon ng aking abuela. Alam kong hindi ito tatanggi kay Lola dahil ayaw nitong maging bastos. "Regina, is it true na natagosan ka raw?" "Ho?!" Gulat kong ani kay Lola. "Sinabi sa akin ni Randy." Napasulyap ako kay Randy, bigla na namang nag-init ang magkabila kong pisngi. "Hindi mo napansin?" "Hindi ho Lola. M—Mabuti na lamang at nariyan si Randy." "Sigurado akong pinagtatawanan ka na ng mga schoolmates o 'di kaya'y mga kaklase mo?" "Hindi naman ho dahil napansin kaagad ni Randy. Pinahiram nga ho niya ako ng kanyang jacket at binilhan niya rin ako ng pads Lola." "Really, is that true, hijo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lola. Kitang-kita ang abot hanggang tenga ang ngiti nito sabay sulyap kay Randy. Nang marating namin ang dinning ay naamoy ko kaagad ang ilang paborito ni Randy, ni Lola at siyempre paborito ko ring ulam. Sayang, gusto ko sanang ipatikim kay Randy ang luto ko. Gusto ko sanang ako ang magluto ng Chicken Curry para rito. Yes, nag-aral talaga ako kung paano magluto ng ulam lalo na ang paboritong putahe ni Randy na Chicken Curry. Hindi ko inaasahang ipaghila ako ni Randy ng silya, siyempre lihim akong kinikilig sa gesture na ginawa nito. Pati si Lola Regina ay pinaghila rin nito. "Such a gentleman, Randy." Simpleng tango lang ang naging sagot ni Randy sa sinabi ng aking abuela. Sabagay, sanay na kami sa ugali nito. Maganang kumain kaming tatlo sa malapad na hapag-kainan. Mapapansin na sina Lola Regina lang at Randy ang nag-uusap patungkol sa business. Ako na walang alam sa larangan ng negosyo, pero sabi sa akin ni Lola Regina kailangan ko raw na alamin at aralin ang negosyo. Kaya nga Business Administration ang kursong kinuha kong kurso. Isang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa aking pag-aaral. Sa paaralang pinapasukan ko ay ang mga Collins ang may-ari kung saan minsan pumaroon si Randy. Maswerte nga kanina na nagkita kami nito at napansin ang tagos ko. Dahil kung hindi ay malamang ibu-bully na naman ako sa grupo nina Bettina. "Mabuti na lamang at tinawagan ka ng Lola Matilda mo na isabay si Lorriel sa pag-uwi. Pasensiya ka na hijo, nagkasakit kasi ang sundo ni Lory." Narinig kong sabi ni Lola Regina kay Randy. Nanatiling nakikinig lang ako sa usapan ng mga ito. Pinipigilan ko ang sarili na huwag man lamang sumulyap sa gawi ni Randy. Ewan ko ba pero huling-huli ko ang ilang sulyap ni Randy sa akin using my peripheral vision o baka naman guni-guni ko lang iyon? Ayoko mang maging isang delulu pero may ilang mga pagkakataon talaga na nagtatama ang aming paningin ni Randy at ilang beses ko na rin itong napapansing nakatitig sa akin kapag hindi ako nakatingin sa gawi nito. Kapag ba ang isang tao nakatitig sa isang tao may gusto na agad? Lihim akong nailing sa naisip, that's impossible. Hindi mo malalaman ang totoong damdamin ng isang tao kung hindi mo ito personal na tinatanong. Gosh, ayoko rin namang mag-first move. Patày ako sa Lola ko. Itinuon ko na lamang ang pansin sa kinakain, paano nga ba kung may gusto rin pala sa akin si Randy? Naks, iniisip ko pa lang para na akong nasa langit, masakit pa namang umasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD