Namumula ako sa hiya nang makita ng crush kong si Randy ang paldang may tagos.
"Here, take this." Seryosong inabot sa'kin ni Randy ang napkin pads.
"S—Salamat." Nahihiyang sagot ko at tinanggap ang ibinigay ni Randy.
Walang-sabing tinalikuran agad ako ni Randy, kahit kailan talaga hindi ito marunong ngumiti.
Pumasok na ako sa rest room at nagbihis. Nakagat ko ang aking pangibabang-labi nang pagmasdan ang kulay blue na jacket ni Randy na ipinahiram pa nito sa akin para matakpan ang aking tagos.
Si Randy ang aking ultimate crush, matalik na magkaibigan ang aking abuela at ang abuela nito. Ayoko mang mag-assume pero kinikilig talaga ako kapag gano'n sa akin si Randy. Kumbaga, iyong sinasabi nilang act of service.
Lalo na kapag nagtatama ang aming paningin ni Randy ay lihim akong nanginginsay sa kilig, mabuti na lamang at magaling akong magtago ng nararamdaman.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo. Nagulat ako nang makitang naghihintay pala si Randy sa akin.
"A—akala ko umalis ka na." Medyo nauutal kong sabi.
"Grandma Matilda called and wants you to come home with me."
Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig nang marinig ang sinabi ni Randy. Naman... imagine makakasama ko ito sa loob ng kotse?
Napasulyap ako sa grupo nina Bettina na ngayo'y nakataas ang kilay nang makita ako. Maagap naman akong nagbawi ng tingin sa mga ito at dahan-dahang napatango sa narinig mula kay Randy.
Nagpatiuna na si Randy habang nakasunod lang ako rito. Pagkapasok namin sa loob ng kotse ay awtomatikong nagulat ako nang makita si Irish.
"Irish?!" Bulalas ko.
"Gulat ka, no?" Nakangiting turan nito sa akin.
"But... why are you—"
Pinutol ni Irish ang sasabihin ko pa sana nang yakapin ako nito ng buong-higpit. "T'saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat."
Kahit hindi nito sabihin ay nahuhulaan ko na ang nais nitong sabihin sa akin. Hindi lingid sa akin na tulad ko'y crush din nito si Randy. Ang pinagka-iba lang namin ay hayagan nitong ipinapakita kay Randy ang pagkakagusto para rito.
Best friend ko si Irish pero kailanman ay hindi ko sinabi rito ang lihim kong pagtingin para kay Randy. Ang totoo, I felt guilty. Masasabi kong sobrang unfair ko rito bilang kaibigan dahil naglihim ako rito. But I have my reasons.
Hindi na baleng ako ang masaktan kaysa ang mga taong naging mabait at mabuti sa akin, dahil minsan ko lang makikilala ang isang tulad ni Irish na masasabi kong totoong kaibigan.
Ang puso ko ngayon ay sobrang lumbay, lalo na nang makuha ng aking atensyon ang paglipat ni Irish sa may front seat at syepmre katabi niya ngayon si Randy.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paghawak ni Irish sa isang palad ni Randy at pinagsalikop nito ang mga daliri ng isa't isa.
Confirmed, Lorielle Janeiro.
Ang sakit ng puso iyong tipong nagdurugo na naman sa matinding kirot at lungkot. Sa dinami-dami ng babae bakit ang best friend ko pang si Irish?
"By the way, bakit nga pala nasa iyo ang jacket ni Randy, Lory?" tanong ni Irish sa akin.
"Ang totoo niya'n nagpapasalamat ako kay Randy dahil kung hindi dahil sa kanya malamang pinagtatawanan na ako ng mga schoolmates natin dahil sa tagos ko."
"Oh, gano'n ba? Mabuti na lang talaga at nariyan si Randy. Sabagay, he's always your saviour dati pa naman sa tuwing napapahamak ka," nakangiting ani Irish sa akin.
Yeah, hindi lingid kay Irish ang pagiging on time ni Randy sa tuwing nilalapitan ako ng malas o 'di kaya'y disgrasya, masasabi ko nga na guardian angel ko si Randy. Pero lahat ng iyon ay ginawa nito dahil sa pagiging close ng mga abuela namin.
Naunang bumaba si Irish at nakangiting nagpaalam ako rito. Hanggang sa muling pinaandar ni Randy ang kotse nito patungo sa bahay ng aking abuela.
Tulad ko ay ulila na sa mga magulang si Randy dahil ang mga magulang namin ay magkasama na nalunod sa isang malaking cruise ship. Masakit isipin ang pangyayaring iyon pero sa tulong at awa naman ng Panginoon ay unti-unting naghilom ang sugat sa aming mga puso sa trahedyang iyon.
Hindi biro ang maulila sa mga magulang, pero iyon ang nakatadhana para sa amin ni Randy. Maswerte naman kami dahil nariyan ang aming mga mapagmahal na mga abuela, hindi kami pinapabayaan at binusog kami ng pagmamahal at pag-aaruga.
Narito na naman kami ni Randy sa isang nakakabinging katahimikan. Iyong puso ko sobrang bilis ng pagtibok. Ang sarap sa feeling na ngayo'y nakasabay ko ito sa pag-uwi.
"We're here," pukaw sa akin ni Randy.
Hindi nakaligtas dito ang aking pag-igtad dahil sa gulat. Hindi naman ako mahilig sa kape pero bakit nga ba napaka-magulatin ko?
"S—Salamat." Napasulyap ako kay Randy sa front view mirror.
Halos tumalon ang puso ko nang mag-tama na naman ang aming mga paningin. Ewan ko ba, pero may kakaiba talaga akong pakiramdam sa mga tingin nito, o sadyang delulu lang ako?
Nagbawi ako ng tingin sabay yuko kay Randy. Nahihiya ako sa tuwing nagtatama ang aming mga paningin, ang totoo pigil ang aking hininga.
Nang tuluyan na akong makalabas mula sa kotse ni Randy ay saka pa ako nakahinga ng maayos.
Dàmn!
Sinalubong agad ako ni Lola Regina. "Hija, salamat naman sa Panginoon at sumabay ka kay Randy."
Mula sa kotse ay bumaba si Randy at magalang na nag-mano sa aking Lola Regina.
"Magandang gabi po, Lola Regina."
"Kaawaan ka ng Panginoon, hijo. Bukas ang bahay ng mga Janeiro para sa'yo. Pumasok ka muna sa loob." Nakangiting paanyaya ni Lola kay Randy. Halatang masaya itong makita si Randy.
Buong-akala ko ay tatanggi si Randy sa paanyaya ni Lola Regina pero nagulat ako ng paunlakan nito iyon.
Nakagat ko ng palihim ang aking labi dahil sa matinding kilig at saya. Umaasa akong dito na sana ito kumain ng dinner. Aba, ipagluluto ko talaga ito ng paborito nitong chicken curry.
"Dito ka na lang din maghapunan, hijo."
"Sure, Lola Regina."
Sa narinig ko ay tila tumigil ang aking mundo. Napatigil ako sa aking paglalakad na sanay aakyat pa sana ako sa grand staircase ng mansion para tunguhin ang aking kwarto.
"A—Are you sure?" Hindi ko napigilang itanong na muli kay Randy.
Napansin kong biglang kumunot ang noo ni Randy sa tanong ko. "Do I look like I'm kidding?"
Wala akong maapuhap na sasabihin nang marinig ang sagot ni Randy. "H—Hindi lang kasi ako makapaniwala."
Pagdakay narinig ko ang mahinang tawa ng aking abuela. "Pasensiya ka na kay Lorriel, hijo. Come on, I will tour you inside our mansion."
"Thank you, Lola Regina."
"Sige na, magbihis ka na hija."
"Opo, Lola Regina."