“Ate, kamusta ka naman diyan? Wala pa ba kayong baby number two ni Kuya Rhuel?” Tinakpan ko ang speaker ng cellphone ko dahil sa malakas na boses ng kapatid ko. Nasa bahay pa naman si Sir Rhuel at pwedeng marinig ang sinasabi niyang baby number two. “Daria, huwag kang magtanong ng ganyan. Alam mo kung bakit ako nagpakasal kay Sir Rhuel.” Saway ko sa kapatid ko na wala talagang preno ang bibig. “Ate, wala naman akong nakitang mali o hindi tama sa tanong ko. Natural lang na aasa ako na mayroon ng laman ang tiyan mo dahil may asawa ka na.” Patuloy na giit ni Daria na ngayon ay nasa labas ng bahay malayo sa naririnig nina nanay at tatay. Alam ng mga magulang ko na nag stay-in na talaga ako sa trabaho at sa loob ng isang buwan ay isang beses na lang ako pwedeng dumalaw sa bahay. Mabuti ng