Naglalaro lamang si Ron sa malawak na hardins sa harap ng malaking bahay ng bahay. Masaya siyang nakikipaghabulan sa mga paru-paro na lumilipad-lipad sa at dumadapo sa mga halaman. “Narito lamang pala kayo.” Si sir Rhuel na nagpupunas pa ng kanyang pawis sa noo, sa mukha at sa kanyang leeg. Tumayo ako sa kinauupuan kong plant box. “Hinahayaan ko lang maglaro si Ron, sir. Pinapalitan ko na lang agad ang sapin sa kanyang likod,” agad kong sabi. Minsan ng nagkasakit si Ron dahil masyadong active ang bata kaya dapat lang talaga na tutukan ko ang anuman na kanyang ginagawa lalo na kapag naglalaro. Tumango si Sir Rhuel at tumingin sa akin. Heto na naman ang kanyang panitig. Para ba akong tinutukso na at hinahalina na titigan siya. Patay-malisya na lang na inalis ko ang tingin ko sa kan