SHEN
“Why are you here?” malamig na tanong sa akin ng daddy ko na para bang ayaw niya akong makita.
Dito na ako dumiretso dahil nais ko siyang makita pero dapat pala ay hindi ko na lang ginawa. Dapat pala ay paglabas ko sa airport ay dapat hotel na lang ang una kong hinanap. Nasaktan ako, kahit pa alam ko na ito ang magiging reaksyon niya ay nasaktan pa rin ako. Pero pinili ko pa rin sa kanila na hindi ako apektado. Na masaya pa rin ako na makita ko sila.
“I miss you, dad.” pabulong na sabi ko ng yakapin ko siya habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Naiiyak na kasi ako.
“Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?” tanong sa akin ng stepmom ko.
“Gusto ko po sana kayong i-surprise. Pero mukhang hindi naman kayo masaya,” sabi ko sa kanila.
“At bakit naman kami magiging masaya?” Mataray na sambit ni Jessa.
“Tama ka, bakit ka nga ba magiging masaya?” Natatawa na sabi ko dahil akala niya maapi niya ako.
Malaki na rin ang pinagbago niya. Noon kasi ay playing victim siya lagi kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Kahit pa hindi ko siya sinasaktan ay pinapalabas niyang sinasaktan ko siya. Kaysa pansinin siya ay mas pinili ko na lang na ibaling ang atensyon ko kay daddy.
“Don’t worry, dad. Dumaan lang naman ako dito sa condo ko ako titira,” sabi ko sa kanya.
“Wala ka ng condo,” sabi sa akin ni Jessa.
“Anong wala? Anong ginawa niyo sa condo ko?” kunot noo na tanong ko sa kanya.
“That condo is now mine,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Daddy, pati ba naman ang condo na binigay sa akin ng mommy ko? Alam mo na akin ‘yun, bigay ng mommy ko ‘yun sa akin. Pinaubaya ko na nga ang lahat pati ba naman ang condo na pagmamay-ari ko ibibigay mo pa sa kanya. Ang heartless niyo,” sabi ko at mabilis na lumabas sa bahay namin.
Alam ko naman na hindi niya ako hahabulin para pigilan kaya hindi na ako umaasa. Tama naman ako eh, ni isa sa kanila ay hindi man lang ako pinigilan. Naglakad ako hanggang sa labas ng subdivision namin. Habang naglalakad ako ay pinipigilan ko ang luha ko. Pero may nakalusot pa rin talaga. Kaya mabilis ko itong pinunasan.
“Bakit ka ba umiiyak? Hindi ka dapat umiiyak kasi sanay diba? Sanay ka na,” saad ko sa sarili ko.
Yumuko ako dahil may sasakyan na dadaan. Ayaw ko naman na may makapansin sa akin. O may taong kaawaan ako. Pero nagulat ako dahil bigla na lang itong huminto. Pero hindi naman lumalabas ang driver. Kaya nagmamadali akong tumakbo habang hila-hila ko ang maleta ko. Hindi na ako lumingon at mabilis na nag-abang ng taxi.
Mabuti na lang at may taxi na agad. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Kaya naman mas pinili ko na lang magpahatid sa malapit na hotel. Nang makapasok na ako sa hotel room ko ay padapa akong humiga sa kama. Pagod ang katawang lupa ko pati ba naman ang puso ko. Pero kahit pa wala na sa akin ay ibang bagay ay kukunin ko pa rin ang condo na ‘yun.
Hindi man ngayon pero akin ‘yon. Walang ibang puwedeng umangkin ng pagmamay-ari ko. Kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko, ang katawan ko para makapag-isip ako ng dapat kong gawin.
******
Nanatili lang ako dito sa hotel room ko. Tinawagan ko rin ang kaibigan ko. Gusto kong pumunta rin sa kanya pero hindi na natuloy dahil agad rin siyang bumalik. Nasa Siargao kasi siya at gusto ko rin pumunta doon. Dahil sa bumalik na siya ay hindi na lang ako tumuloy. Kailangan kong magsinungaling sa kanya. Ayaw ko kasi na mag-alala siya sa akin.
Kilala ko si Rachel, alam ko na ipagtatanggol niya ako sa kahit na kanino. Alam ko na may mga pinagdadaanan rin siya. Minsan nga gusto kong maging siya, kasi siya matapang, matalino pero may mabuting puso.
Lumipas pa ang mga araw at sa bawat araw na dumadaan ay napapagod ako. Wala naman akong ginagawa pero feeling ko lagi akong pagod. Pagod dahil hanggang ngayon ay wala namang nangyayari sa buhay ko. Hanggang sa buwan na ang dumadaan pero ganun at ganun pa rin ang mayroon sa buhay ko. Hindi na ako umuwi sa bahay at hanggang ngayon ay hindi ko pa nababawi ang condo ko.
“Daddy, gusto kong magtrabaho sa company natin.” sabi ko sa kanya dahil tinawagan ko siya. Naiinip na kasi talaga ako.
“Hindi ka puwede sa company. Kung gusto mong magtrabaho ay sa iba na lang. Mag-apply ka sa ibang company.”
“Bakit sa iba pa? Bakit? Ganyang niyo ba ka ayaw sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Mag-apply ka na lang sa iba,” sabi niya sa akin kaya sa sobrang inis ko ay binabaan ko siya ng tawag.
Sa sobrang inis ko ay gumawa ako ng resume. May mga nakita akong company na hiring online kaya nag-apply ako. Isa-isa kong pinasa ang resume ko. Kung saan ako matatanggap ay doon ako papasok. Kung ayaw naman sa akin ng pamilya ko ay hindi ko na lang ipipilit ang sarili ko sa kanila.
Naghanap na lang ako ng apartment na medyo mura lang. Ayaw ko na sa hotel dahil baka maubos naman ang pera ko doon. May period ako ngayon pero patapos na rin naman siya kaya lang tinatamad pa rin akong kumilos. Dahil sa wala na akong extra pads ay kailangan ko ng bumili if ever na biglang bumalik. May mga times kasi na biglang bumabalik kung kailan ang alam ko tapos na ako. Nang makarating ako sa pharmacy ay bumili ako agad. Sa tabi naman nitong pharmacy ay may coffee shop. Bigla akong nagcrave sa matamis kaya bumili ako ng brownies at frappe na lang dahil ayaw kong magkape ngayon.
Tumambay na muna ako dito dahil wala naman akong gagawin. Ang peaceful ko na pag-inom ng frappe ay nasira na lang sa biglang pagdating ng kontrabida sa buhay ko.
“Ang sarap ng buhay,” sabi niya sa akin.
What do you want?” malamig na tanong ko sa kanya.
“Ang init naman ng ulo mo sa akin. Kumusta na ang anak na tinakwil?” nakangisi na tanong niya sa akin.
“Ito, buhay pa naman. Kumusta naman ang bastarda?” natatawa na tanong ko sa kanya dahilan para magalit siya sa akin.
“How dare you–”
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang tumawag sa kanya. Halatang kinikilig dahil namumula pa ang mukha niya. Sa sobrang kilig niya ay bigla na lang itong nawala sa harap ko. Nang tumingin ako sa labas ay nakita ko na sumakay siya sa isang kotse na naka-park sa labas.
Hinayaan ko na lang siya at inubos ko na ang pagkain ko. Kapag kasi hinayaan ko ang sarili ko ay baka ano pa ang magawa ko. Mas lalo pang magagalit ang daddy ko sa akin. Lalo na mahal na mahal niya ang bastarda niya. Hindi ko inakala na may kapatid ako sa labas na halos ka-edad ko lang. Buwan lang ang tanda ko sa kanya.
Ang buong akala ko ay mahal na mahal ng daddy ko ang mommy ko mali ako. Dahil nalaman ko na arranged marriage lang pala silang dalawa. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag ako nag-asawa ay gusto kong mag-asawa ng lalaking mahal ako.
Habang naglalakad ako pauwi ay nanlaki ang mga mata ko dahil may email akong natanggap. Natanggap ako sa trabaho sa DLV air. Secretary ang available na position kaya iyon ang inaalok nila sa akin.
Sobrang saya ko habang nakatingin ako sa email sa akin. Magsisimula na daw ako monday kaya naman nagtipa ako ng reply ko. Nagmamadali akong bumalik sa apartment ko. Nakatanggap rin ako ng message na pinapapunta ako ni Rachel sa probinsya kaya naman pumayag ako. Pero sa ngayon ay pupunta muna ako sa bar. Feel ko magsaya ngayon lalo na natanggap ako sa trabaho.
Habang nagbibihis ako ay masaya ako dahil sa wakas ay tapos na pala ang period ko. Kaya naman makakakilos na ako ng maayos nito. Bukas na lang ako babyahe papunta sa kaibigan ko. Kapag kailangan ako doon ay pumupunta ako sa kanila. Sa totoo lang ay magkasundo kaming dalawa ni Reighn. Ang ganda-ganda kasi ng batang ‘yon parang manika siya.
Isang black backless ang suot ko ngayon at isang two inch heels lang. Ayaw ko ng masyadong matangkad dahil may height naman ako. Mabilis akong bumiyahe papunta sa bar. May nakita kasi ako sa internet na sikat na bar kaya naman doon na ako pupunta ngayon.
Napansin ko na parang ang bar na ito ay para sa mga mayaman. Exclusive lang daw dahil need ko pa magpresent ng card. Kaya naman tumalikod na lang ako para umalis na. Habang nakatayo ako dito at naghihintay na may dumaang taxi ay may lumapit sa akin na bouncer.
“Miss, pasok na po kayo sa loob.” sabi niya sa akin.
“Po? Ako po ba? Pero ang sabi mo po kailangan ko ng card pass,” nagtataka na tanong ko sa kanya.
“Ang boss po mismo namin ang nagpapasok sa ‘yo. Tara na po, Miss.” yaya niya sa akin.
“Kuya, ‘wag na po. Dito na lang ako, baka may ibang balak ang boss mo.” sabi ko sa kanya.
“Naku, Miss hindi po ‘yon nagpapakita sa kahit kanino.” sabi niya sa akin.
“Okay lang po talaga ako,” sabi ko sa kanya.
“Sigurado ka po ba? Kung natatakot ka po sa boss namin ay ‘wag po dahil legal po ang bar na ito. May pangalan po na iniingatan,” sabi pa niya sa akin.
Mukhang tama naman siya kaya naman sumama na ako sa kanya sa loob. At tama nga siya. May class talaga ang bar na ito. Naghanap na lang ako ng vacant table at nag-order ako ng drinks. Wala naman akong balak na magpakalasing ngayon. Saktong inom lang dahil hindi naman talaga ako lasingga.
Hindi ko namalayan na nakarami na pala ako. Medyo nahihilo na rin talaga ako ngayon. Kaya naman tumayo na ako para sana umalis pero bigla na lang akong nahilo kaya ang buong akala ko ay matutumba ako. Nawalan kasi ako ng balanse, pero ilang minuto na ay hindi naman ako natumba. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang lalaking ubod ng gwapo. Hindi lang gwapo kundi sobrang gwapo. Pero parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang talaga matandaan.
Kinapa ko pa talaga ang panty ko dahil baka biglang bumaba. OA man pero sobrang gwapo niya talaga. Ang bango rin niya. Sh*t! Ang landi mo self.
“Ang gwapo mo,” wala sa sarili na sabi ko dala na rin ng alak na iniinom ko.
Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa.