CHAPTER 2

1151 Words
SHEN Sa totoo lang ay malungkot na lalo ang buhay ko lalo na wala na dito si Rachel. Bumalik na siya sa Pilipinas dahil sa may sakit ang daddy niya pero nang umuwi siya ay patay na ito. Gusto kong umuwi para damayan siya pero hindi ko pa kayang umuwi. Alam ko rin kasi na hindi magugustuhan ng pamilya ko kapag umuwi na ako. “Shen,” nakangiti na tawag sa akin ni Leo. “Why are you here? Wala dito si Rachel,” sabi ko sa kanya. “Hindi naman siya ang pinunta ko dito kundi ikaw.” sagot niya sa akin. “Ako? Bakit ako?” tanong ko sa kanya. “Sa totoo lang ikaw talaga ang gusto ko. Nahihiya lang kasi ako sa ‘yo.” sabi pa niya sa akin. Hinayaan ko ang sarili ko na makipag-usap kay Leo hanggang sa hindi ko na alam ang kung paano ba niya ako nauto. Kakapasok pa lang niya sa loob ko ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kaibigan ko. Galit siya kaya mabilis kong tinulak si Leo. Hinabol ko siya hanggang sa nakita ko na pinatumba niya ang lalaki. “Iniiyakan mo siya?” seryoso na tanong niya sa akin. “Hindi,” sagot ko sa kanya. Hindi ako umiiyak dahil kay Leo kasi hindi ko naman siya gusto. Naiiyak ako kasi nahihiya ako sa ginawa ko. Naiiyak ako kasi baka galit sa akin si Rachel pero mali ako dahil nag-aalala pa nga siya sa akin. Sinabi niya na wala siyang pakialam dahil hindi naman niya gusto ang lalaking ‘yun. Pumasok na kami sa apartment ko at nag-inuman kaming dalawa. “Paano pala kung hindi ako dumating? Baka kung ano na ang nangyari lalo nakapasok na.” sabi niya sa akin. “Mabuti na lang at dumating ka. Pero feeling ko nga wala namang pumasok eh.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Ibig bang sabihin ay juts lang siya?” nakangisi na sabi niya sa akin. “Oo, juts lang.” “Mabuti pa pala si ninong daks,” sabi niya kaya nagulat ako. “Ninong? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. “Ang bata pa pala ng ninong ko–” “Diba ka-edad ‘yun ng daddy mo?” tanong niya sa akin. “Oo pero ang bata pa ng mukha niya at sobrang gwapo.” sabi niya sa akin. “Crush mo?” nakangisi na tanong ko sa kanya. “Hindi–” “Crush mo, itatanggi mo pa. Hindi ka naman ganyan. Ngayon lang kita narinig na may pinuri ka na gwapo. Gusto ko tuloy makita kung sino ba ang ninong mo na ‘yan.” sabi ko sa kanya. “Huwag na, baka agawin mo pa.” pabiro na sabi niya sa akin kaya nagtawanan kaming dalawa. “Besty, baka hindi kita matawagan. May pupuntahan lang ako,” sabi ko sa kanya. “Saan?” “Mamasyal muna ako. Susunod ako sa Pinas kapag okay na ako. Gusto ko lang munang huminga at magrelax,” sabi ko sa kanya. “Sige, ingat ka doon.” sabi niya sa akin kaya naman niyakap ko siya. Masaya ako na may kaibigan ako na tulad niya. Ang kaibigan na maasahan ko na laging nasa tabi ko. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko bago ako bumalik sa Pilipinas. Hindi man nila ako pinapauwi pero kailangan ko ng bumalik. Anak niya ako kaya sa ayaw o gusto niya ay may karapatan ako sa bahay ng mommy ko. ******* Mas pinili ko na dito sa Europe pumunta. Ang ginamit kong pera dito ay sariling pera ko. Hindi naman ako maluho kaya may pera ako. Halos isang buwan rin ako dito. Palipat-lipat ako at talagang sinusulit ko ang pamamasyal ko. Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa stepmom ko. “Ang sarap naman ng buhay mo. P-travel, travel ka lang at panay lustay ng pera.” sabi ng stepmom ko. “Hindi po pera ni daddy ang ginamit ko, tita.” pangangatwiran ko sa kanya. “At saan naman galing ang pera mo? Don’t tell me na may sugar daddy ka? Naging pokp*k ka na d’yan,” sabi niya sa akin. “Ano po ba ang sinasabi niyo? Ang baba naman ng tingin mo sa akin?” galit na sambit ko. “Huwag ka ng bumalik pa dito at d’yan ka na lang sa kung saan ka.” sabi niya sa akin at ibinaba na niya ang tawag. Nasaktan ako sa narinig ko mula sa kanya. Talagang sinusuka niya ako kahit pa noon. Ganun rin kaya ang daddy ko? Tanong ko bigla sa sarili ko at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. “Kung ayaw mo sa akin ay mas lalo kung gugustuhin na bumalik na sa Pilipinas.” saad ko sa sarili ko. Kailangan ko munang ayusin ang lahat sa US bago ako bumalik sa Pilipinas. Hindi niya ako puwedeng ganituhin na lang. Pilit kong binabago ang sarili ko pero gusto niya talaga na bumalik ako sa dating ako. “Ako ang tunay na anak at hindi ang kung sino lang. Babalik ako at kukunin ko ang akin.” saad ko sa sarili ko. ***** After ko sa Europe ay bumalik na ako sa US dahil kailangan ko ng ayusin ang lahat ng mga gamit ko. Wala na rin kasi akong balak na bumalik dito. Wala akong sinabihan kahit pa si Rachel na uuwi na ako. Gusto ko rin siya i-surprise sa pagbabalik ko. “See you, Philippines.” saad ko sa sarili ko habang nag-iimpake ako. Sa sumunod na mga araw ay tuluyan ko ng nalinis ang apartment ko. Sa totoo lang ay nakaramdam na rin ako ng kaunting lungkot lalo na marami rin akong naalala sa apartment na ito. Siya ang naging saksi sa lahat ng pinagdadaanan ko. Sa mga tunay kong nararamdaman ay lahat nangyari sa lugar na ito. Malaking parte siya ng pagkatao ko ngayon. Nagbook na ako ng flight pabalik sa Manila at bukas na agad ang pinili ko. Hindi ko alam kung ano ba ang naghihintay sa akin pero pipiliin ko na gawing masaya ang buhay ko. Tulad ng palaging sinasabi sa akin ng kaibigan ko. Humiga na ako sa kama ko at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil kailangan ko ng matulog. Maaga pa ako bukas. Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kaya nagmamadali akong nagbihis para pumunta na sa airport. Habang papasok ako ay may nakabangga pa ako. “I’m sorry,” sabi ko at hindi na ako lumingon kung sino ang lalaking ‘yun pero napatigil ako sa paglalakad dahil pamilyar sa akin ang pabango niya. Nang lumingon ako ay wala na akong nakita pa. “Ano ba Shen hindi lang naman siya ang gumagamit ng ganoong pabango?!” saad ko sa sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD