CHAPTER 1
SHEN
WARNING: MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!
“CONGRATULATIONS, BESTY!” masigla na bati sa akin ng matalik kong kaibigan na si Rachel.
“Thank you, besty.” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya.
Araw ng graduation ko ngayon pero walang ni isa sa pamilya ko ang pumunta. Sa tingin ko ay galit pa rin sila sa akin. O baka wala lang talagang pakialam sa akin. Minsan iniisip ko na baka hindi talaga ako tunay na Peñamora. Baka ampon lang ako o anak ako sa labas dahil sa trato nila sa akin.
“Smile ka na, dapat masaya ka dahil graduation mo ngayon. Sabay sana tayo kaya lang nagstop naman ako,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Sana nga nagstop na lang ako para nakasabay kita.” Sabi ko sa kanya.
“Don't say that, alam ko na malungkot ka dahil wala sila. Pero nandito naman ako. Ilang taon na tayong magkasama na dalawa. Hindi natin alam kung ano ang reason kaya wala ang daddy mo dito. Pero ‘wag kang magtatanim ng galit sa kanya.”
“Hindi naman ako galit sa kanya. Nagtatampo lang ako. Simula kasi noong nagkaroon na siya ng bagong pamilya ay nakalimutan na niya ako. Ang tingin niya/nila sa akin ay black sheep. Kahit naman ang totoo ay wala akong ginagawang masama. Hindi ko nga alam kung sino ang nagsabi na black sheep of the family ako.” Sabi ko sa kanya.
“Alam ko na mahal ka ng daddy mo. Kasi kung wala talaga siyang pakialam sa ‘yo ay dapat kinalimutan ka na niya. But he supported you—”
“Oo sa pera pero sa pagmamahal ay hindi ko ‘yon nararamdaman. Kaya nga niya ako tinapon dito sa US. Pero hayaan na nga natin. Kahit ano namang gawin natin ay tapos na ang graduation ko.”
“Eh ano naman ang balak mo ngayon na graduate ka na?” tanong niya sa akin.
“Wala pa akong plano sa ngayon. Well see kung ano ang mangyayari,” sagot ko sa kanya.
“Just take your time and do whatever you want. Matanda ka na at kayang-kaya mo na ang sarili mo. Higit sa lahat ay gawin mong masaya ang buhay mo. ‘Wag kang magpatalo sa mga iniisip mo na hindi maganda.”
Tama siya lagi ko na lang iniisip ang mga bagay na hindi naman dapat. Hindi ko lang kasi talaga maiwasan. Sa totoo lang ay gusto kong maging katulad ni rachel. Maging katulad niya na matapang, malakas at matalino. Sa loob ng ilang taon na kasama ko siya ay alam ko na ginagawa niya ang lahat ng gusto niya. Ginagawa niyang masaya ang buhay niya.
Pareho kami na wala ng mommy. My mom died when he gave birth to me kaya siguro galit ang daddy ko sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng babaeng mahal niya. Sa totoo lang ay naiinggit ako kapag pumupunta ang daddy ng bestfriend ko dito. Kitang-kita ko kasi ang pagmamahal niya sa kaibigan ko.
Gusto ko rin ‘yun pero ni minsan ay hindi man lang ako dinalaw ng daddy ko. Kahit isang beses ay hindi niya ako dinalaw dito. Walang may alam sa mga nangyayari sa akin. Kahit pa noong may sakit ako ay kaibigan ko lang ang kasama ko. Dalawang linggo akong na confined sa hospital ay hindi man lang niya ‘yun nalaman dahil wala rin naman siyang pakialam. Ang hirap i-please ng daddy ko.
*****
Nakauwi na ako dito sa apartment ko. Ang tahimik ng buong paligid. Nakakabingi ito at ito ang laging nangyayari. Tumingin ako sa orasan at maaga pa pala. Hindi naman talaga ako party girl pero bumangon ako para maligo. Balak kong i-celebrate ang graduation ko.
Wala rin akong balak na guluhin ang kaibigan ko. Kaya mas pinili ko na magsolo flight na lang muna sa ngayon papunta sa bar. Gusto kong pagbigyan ang sarili ko kahit na ngayong gabi lang. May sasakyan ako dito kaya nagdrive ako papunta doon. Suot ang isang itim na high boots, backless na red at tinali ko ng messy bun ang buhok ko.
Pagpasok ko ay umupo ako sa bar counter. Umorder ako ng alak at sunod-sunod ko itong ininom. Ni wala na akong pakialam kung malalasing ba ako. Ang gusto ko na lang talaga ngayon makarami.
“Hey, are you alone?” narinig ko na tanong sa akin ng isang gwapong lalaki.
Sh*t! Bakit naman ang gwapo niya? Ngumiti ako sa kanya.
“Yeah, I’m alone.”
“Can I join you?” tanning niya sa akin.
“Ang gwapo mo,” mahina na sabi ko dahil alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan.
“Talaga? Gwapo ako?” tanong niya sa akin kaya nagulat ako.
“Filipino ka?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.
“Yeah,” sagot niya sa akin kaya napangiti ako.
“Cheers kabayan!” nakangisi na sabi ko sa kanya.
“Lasing ka na yata,” sabi niya.
“Gusto ko nga malasing eh. Kasi naman ang lungkot ng puso ko,” sabi ko sa kanya.
“Broken ka ba?”
“Oo, broken ako sa daddy ko. Broken ako kasi wala man lang magmamahal sa akin. Alam mo ba na graduation ko kanina pero wala man lang dumating. Mabuti pa ang kaibigan ko pumunta siya. Siya lang yata ang nagmamahal sa akin eh.” umiiyak na sabi ko at mabilis na inubos ang laman ng baso ko.
“Congratulations! Happy graduation!” sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako na may luha ang mga mata ko. Bukod kay Rachel ay siya lang ang bumati sa akin ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin kaya ko siya hinalikan. Nang marealized ko ay mabilis akong lumayo sa kanya.
“Sorry, lasing na yata ako.” sabi ko at mabilis na binayaran ang drinks na ininom ko.
“Mauna na ako sa ‘yo.” paalam ko sa kanya.
Tumalikod na ako sa kanya. Pero sh*t lang dahil nahihilo ako. Feeling ko umiikot ang buong paligid. Pero nagulat na lang ako dahil may humila sa akin dito sa madilim na parte ng bar. Hindi ko nakita ang mukha niya pero pamilyar ang amoy niya. Kung nagulat ako sa paghila niya kanina ay mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ako. Hindi ako tumugon dahil sa totoo lang wala naman akong experience pa pero malakas ang loob ko na manghalik kanina.
“Kiss me back, baby.” utos niya sa akin kaya mabilis namang sumunod ang labi ko.
Nagpalitan kami ng halik. Sinunod ko lang ang galaw ng labi niya hanggang sa nakuha ko na. Feeling ko ay nalalasing ako sa halik niya sa akin. Ang lambot ng labi niya at ang galing niyang humalik. He squeezed my breast kaya napaungol ako ng wala sa oras. Nagpatuloy kaming nagpalitan ng halik hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
******
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Masakit ang ulo ko at lalo na ang katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat na binigay ko ang vcard ko sa hindi ko man lang kilala na lalaki. Ni hindi ko na nga maalala ang mukha niya.
“Sh*t! Ang tanga mo talaga! Paano na ‘yan?” kausap ko sa sarili ko.
Dahan-dahan akong bumangon at tumayo pero natumba lang ako kaya napaiyak na lang ako. Pero kaagad rin naman akong tumigil dahil bakit ba ako umiiyak. Hindi naman ako pinilit at kagustuhan ko naman ang nangyari. Wala naman dapat akong sisihin kundi sarili ko lang din.
“Iniwan mo man lang ako dito. Sana man lang hinintay mo akong gumising para naman alam ko kung sino ang lalaking nakauna sa akin. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa one night stand?” kausap ko sa sarili ko.
“Sana naman ay magkita pa tayo ulit dahil sigurado ako na makikilala ulit kita kapag nakita ko ulit ang gwapo mong mukha.” nakangiti na sabi ko dahil alam ko na gwapo siya.