“SO, IT’S TRUE. You’re back in town, Zebianna.” Inihinto ni Zebianna ang ginagawang pagpapalit ng kobre-kama sa higaan ng kaniyang ina nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Naglapat pa nang mariin ang labi niya. Pagkuwan ay huminga nang malalim bago nilingon ang babaeng nasa may bungad ng pintuan ng silid na iyon. Ang mataray na pagmumukha ni Samarrah ang kaniyang nakita. “Bakit bumalik ka pa?” walang kangiti-ngiti nitong tanong sa kaniya. Naglakad pa ito papasok sa loob ng silid at bahagyang inilibot ang tingin. Napilitang tumayo si Zebianna para harapin si Samarrah. Nasurpresa siya nang makita na magkasingtaas lang silang dalawa. Dalagang-dalaga na rin si Samarrah. May kulay ang buhok. Dati ay itim lang iyon. Ngayon ay kulay brown na. Ang mga kuko sa daliri ng kamay ay kay