“A-ANG DAMI naman po masyado niyan, Ma’am Tami,” nahihiyang wika ni Zebianna nang dalhan siya nito sa silid nila ng kaniyang ina ng maraming gamit para sa kaniya. Pinag-shopping pa talaga siya nito. “Kaunti lang ‘to, Zebianna,” nakangiti pang wika ni Tami sa kaniya. “I’m sure, kasya sa iyo ang mga pinamili kong damit. Para naman may magamit ka pagpasok mo sa Mori High University. May mga school supplies na rin diyan na magagamit mo rin.” Napakurap-kurap siya sa sinabing iyon ni Ma’am Tami. Lalo na sa paaralan na papasukan niya. “M-Mori High University po?” Tumango ito. “Oo. Doon ka mag-aaral ng college, Zebianna.” Para siyang nalula sa kaalaman na iyon. Sa pagkakaalam niya, ang Mori High ay ang prestihiyosong paaralan sa Pagbilao City at isa rin sa nangungunang paaralan sa buong bansa