NAKAHINGA lang nang maluwag si Zebianna nang makabalik siya sa silid nila ng kaniyang ina. May ngiti sa labi nang mahiga siya sa higaan ng kaniyang Nanay Agatha. Nabura lang iyon nang pumasok din doon ang kaniyang ina. “Sumama ka kay Sir Azriel?” agad nitong tanong sa kaniya. Napabangon si Zebianna mula sa pagkakahiga. “A-alam po ‘yon ni Ma’am Shantal,” depensa niya. Bumuntong-hininga si Nanay Agatha. “Sa susunod, ‘wag ka na raw papayag kapag nagpasama sa iyo ang anak niya. Magdahilan ka na may mga gagawin kang importante.” “Bakit po, ‘Nay?” “Huwag ng maraming tanong, Zebianna. Sundin mo na lang kung ano ang utos sa iyo.” “O-okay po. Nagpasama lang naman po si Sir Azriel dahil may mga bibilhin siya.” “Ipapasok ko rito ‘yong mga nilabhang ko na damit natin, tiklupin mo na lang at tuy