Chapter 13

2154 Words

ABALA SA paggigitara si Azriel, sa may pool area, nang pumunta roon si Zebianna para magtanggal ng nangalaglag na tuyong dahon mula sa punong mangga. May mga natutuyo na kasing dahon ang matandang puno ng mangga roon kaya maya’t maya ay may nalalaglag na tuyong dahon. Nakapagtanggal na roon kanina ang mga kawaksi kaya nagbuluntaryo naman si Zebianna na siya naman ang gagawa. Wala naman siyang ginagawa at isa pa ay madali lang naman iyong gawin dahil hindi mabigat na gawain. Isang sulyap pa kay Azriel na mukhang hindi pa rin napapansin ang presensiya niya roon, pagkuwan ay itinuloy na ni Zebianna ang balak gawin. Gamit ang leaf skimmer net ay isa-isa niyang kinuha ang tuyong dahon sa may swimming pool. Nang maagaw naman niya ang atensiyon ni Azriel ay saka lang ito nag-angat ng tingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD