KAHIT HINDI na magbaon pa ng pagkain si Zebianna para sa tanghalian ay okay lang dahil wala siyang babayaran para sa lunch sa cafeteria na mas mukhang eleganteng restaurant sa isang five star hotel ang hitsura. Napakarami ring pagkain na puwedeng pagpilian. Buffet style ang pagkain na bawat isang menu ay may kani-kaniyang tao na taga lagay ng pagkain sa plato ng bawat estudyante. Sa sobrang sasarap ng nakikita niyang pagkain ay kay sarap ilagay lahat sa kaniyang pinggan. Pero ipinaalala niya sa kaniyang sarili na wala siya sa isang fiesta. Kumuha lang siya ng kaya niyang kainin bago naghanap na rin ng pupuwestuhan na lamesa. Akmang uukupahin niya ang isang lamesa nang maunahan siya ni Samarrah at ng new found friends nito sa Mori High University. “Nauna kami,” taas pa ang isang kilay na