KUNG kaninang tanghali ay excited si Zebianna na mag-uwian, ngayong uwian na ay para bang may kung ano na umiikot sa tiyan niya. Siguro dahil isasabay siya ni Azriel sa kotse nito pauwi sa mansiyon. At ang kaalaman na iyon ay ang nagpapakaba rin sa kaniya dahil muli na naman niya itong makikita. Dahil tapos na rin naman ang huling klase niya para sa araw na iyon kaya naman hinubad na niya ang suot niyang coat at inayos ang tupi. Napatingin pa siya kay Samarrah na nauna pang lumabas sa kanilang classroom. Tumayo na rin siya at sinukbit sa magkabilang balikat ang kaniyang backpack. Pagkuwan ay hinayon ang palabas ng classroom. Ngunit ganoon na lamang ang pagsinghap niya nang bigla siyang bungguin ni Samarrah pagkalabas na pagkalabas niya sa may pintuan. Pero hindi lang iyon ang ginawa nit