FIRST DAY of school ni Zebianna. Maaga siyang nagising at naghanda para sa kaniyang pagpasok. May kopya na rin siya ng mga subject na papasukan niya para sa araw na iyon. Lahat din ng sa tingin niya ay gagamitin niya para sa pagpasok ay nakalagay na rin sa kaniyang backpack. Whole day ang pasok niya at alas kuwatro ng hapon ang uwi niya. Hindi siya sanay na nag-so-shoulder bag kaya hindi muna niya iyon ginamit. May nakahanda na rin siyang jacket in case na hindi niya kayanin ang lamig sa loob ng classroom na kaniyang papasukan. “Tingin ko ay hindi ganiyan kung gumayak ang mga college student, Zebianna,” puna pa sa kaniya ni Nanay Agatha nang makita ang kaniyang ayos. Nginitian niya ang kaniyang ina. “‘Nay, mas kumportable po ako sa ganito. Saka po, mas mabilis tumakbo kapag nakasuot ng