IPINILIG ni Zebianna ang kaniyang ulo. Hindi pa rin niya lubos mapaniwalaan ang ginawang iyon ni Azriel sa kaniya. He kissed her! “Siguro, kailangang mo ng ibang iisipin,” ang mga salitang iyon naman ay animo batingaw sa pandinig ni Zebianna. Ginawa ba iyon ni Azriel para dito mabaling ang isip niya? Marahas siyang napabuntong-hininga. Kung alam lang ni Azriel na mas madalas din niya itong isipin. Kung maaari lang din iyong ipakita rito. Pero alam niyang hindi maaari. Baka lalo lamang maging kumplekado ang lahat. Zebianna, hinagkan ka lang ni Azriel dahil gusto niya na hindi mo na isipin ang nanay at pinsan niya. Mas effective naman, ‘di ba? Dahil simula nang gawin niya iyon sa iyo, hindi na lalo iyon nawala sa isip mo. ‘Yon lang ‘yon. Oo, Zebianna. ‘Yon lang ang dahilan at wala ng ib