BUMAGAL ang paghakbang ni Zebianna habang papalabas siya sa pinto ng huling classroom na pinasukan. Lunch break na naman at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung kanino ba siya makikinig? Kay Samarrah ba na ayaw siyang makikita sa cafeteria kung hindi pa tapos ang mga itong kumain o kay Azriel na ayaw rin na magpapalipas siya ng kain sa tanghalian? Dahil gusto ni Azriel ay on time siyang kakain katulad ng mga ito. Napakabagal tuloy niyang maglakad habang nakahawak ang kaniyang mga kamay sa straps ng kaniyang bag. Ang mga mata niya ay nakatuon sa sahig ng hallway na kaniyang dinaraanan. Napahinto lang siya sa paglalakad nang may makitang pares ng mamahaling sapatos na nakaharang sa daraanan niya. Ni hindi iyon umisod man lang para pagbigyan siya ng daan. Bumuntong-hininga si Zebian