“JACKET MO?” sa tuwina ay iyon palagi ang unang bungad ni Azriel kay Zebianna kapag sasabay siya rito sa umaga papasok sa Mori High University. At para hindi na ito magtanong pa kaya naman bago siya lumabas sa silid nila ng kaniyang Nanay Agatha ay isinusuot na niya ang kaniyang jacket sa kaniyang katawan. Nangangamba rin siya na baka makaligtaan na naman niya ang pagbabaon ng jacket. Minsan pa nga ay muntikan pa niyang makalimutang magdala kaya nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Sa tuwina ay maganda ang simula ng kaniyang umaga dahil kay Azriel. Nasisira lang iyon dahil naman kay Samarrah. Minsan, sala rin ito sa init at sala rin sa lamig. May time na trip siya nitong pag-trip-an. May time naman na para siyang invisible na hindi naman nito nakikita. Ngunit mukhang hindi sa a