DAHIL sa sinapit ni Zebianna mula kay Samarrah, naging dahilan pa iyon para lagnatin siya kinagabihan. Tatlong araw rin siyang hindi nakapasok dahil masama ang kaniyang pakiramdam. “Okay ka na?” Pagkasakay na pagkasakay ni Zebianna sa kotse ni Azriel isang umaga, iyon agad ang bungad nito sa kaniya. Nasa iisang bahay nga lang pala sila kaya imposible na hindi nito malaman ang naging kundisyon niya sa nakalipas na tatlong araw. Tumango siya. Walang salita na namutawi sa kaniyang labi. Ikinabit na rin niya sa kaniyang katawan ang kaniyang seat belt. Sa pagtataka niya ay hindi agad pinaandar ni Azriel ang kotse nito. May hinihintay pa ba sila? Napasulyap tuloy siyang muli rito. “May hinihintay pa po ba tayo?” hindi niya napigilang itanong. “Wala,” tugon ni Azriel habang mataman pa rin