PALABAN

1082 Words
THE PRETENCIOUS MAID (BILLIONAIRE SERIES) By: Joemar Ancheta Chapter 4 “Good evening ho, Miss Kai,” bati ni Diane na may panginginig ang boses. “What’s good in the evening kung ngayon ka lang dumating? Hindi ba sinabi ko? Bumalik ka agad? For God’s sake Diane! Wala akong PA at ako lahat ang gumagawa sa trabaho mo. Do you want me to fire you now?” Tumingin sa akin si Diane na parang napahiya. Ibinaba niya kaagad ang karga niyang bag at yumuko na halos maglumuhod na. “I’m sorry Ma’am. Pinahanap ninyo ako ng makakasama ko kaya…” “Whatever! Huwag mo akong kausapin ha! Baka kung ano pang masabi ko sa’yo!’ pagmamaldita ni Miss Kai. Bumuga siya ng usok at muling sinipsip ang kanyang sigarilyo habang nakataas ang kanyang paa sa harap ng napakalaking TV. May hawak din diyang kopita ng alak. “Paano ho si Rose, Ma’am?” nanginginig ang boses ni Diane. “Rose? Sinong Rose?” “Siya ho, itong kasama ko ngayon an pinahanap ninyong maging kasama kong PA ninyo.” Tinignan niya ako pataas pababa. “Diyos ko naman. Wala ka man lang bang nakitang mas presentable diyan? Ang pangit niya. Ang itim. Mukhang walang ka-class-class! Mukha siyang basura!” Parang gusto kong matunaw sa kahihiyan sa mga sinabi niyang iyon sa akin. Napayuko ako. Iyon ang unang pagkakataon na nilait ako. Oo, sunog sa araw ang balat ko, matigas ang buhok ko dahil ang sabong panlabang ginagamit namin sa aming mga damit ang siya rin naming ginagait na sabon sa mukha at katawan. Bihirang makatikim ng shampoo at conditioner ang aking buhok. Ngunit hindi ako nasabihang pangit. Ako na nga ang pinakamaganda sa lugar namin eh. Ngunit yung ganda ko pala sa baryo, basura sa mga tiga-Maynila. Noon lang bumagsak ang confidence ko sa aking sarili. Lalo pa’t wala rin naman talagang kapintasan ang kaganadahan ni Miss Kai. “Ayaw ko diyan!” Humitit siya ng sigarilyo at binuga niya ang usok. “Ho?” halos sabay naming namutawi ni Diane. “Pero Miss Kai, wala na ho siyang babalikan sa probinsiya. Nakakahiya pong bumalik siya doon sa amin. Nangako ho ako sa kanyang mga magulang na maihahanapan ko ho siya ng trabaho.” “Do you think po-problemahin ko pa ‘yan?” tumayo siya. Tinignan niya ako pataas pababa. “Anong sasabihin ng mga co-stars ko? Tumatanggap ako ng ganitong PA. Tignan mo nga ang buhok niya. Parang alambre. Ang suot niya, ang buong dating niya… parang… naku! Mapapahiya lang ako! Huwag na. Ibalik ko na lang ang pamasahe niya kaysa sa magbigay lang ‘yan sa akin ng kahihiyan.” “Sorry Miss Kai,” matapang kong pangingialam sa usapan nila ni Diane lalo pa’t ako na rin naman ang kanilang pinag-uusapan. “Rose, huwag na… hayaan mo na ako,” bulong sa akin ni Diane. Alam niya kasing palaban ako. Kung kanina, tinatanggap ko lang ang pamamaliit niya sa akin. Kung kanina, nahihiya akong patulan siya lalo pa’t siya ang amo ko pero nang hinawakan niya ang buhok ko at tinignan ako pataas-pababa, napikon na ako. Hindi na tama ang ginagawa niyang pangmamaliit. Ano bang pinagkaiba niya sa akin? Mas maganda? Mas mayaman? Mas sikat? Pero tao pa rin naman siya. Kagaya kong tao rin kahit mas nakakaangat-angat siya. Gusto kong sabihin lahat iyon. Gusto kong ipakita na mali na husgahan agad ako dahil sa buhok ko, dahil sa ayos ko. “Oh, ano? Nagsasalita ka rin pala? Anong sasabihin mo bago ka lumabas sa pamamahay ko at bumalik sa bukid kung saan ka nanggaling!” “Rose, huwag na… Tama na…” pumagitna na si Diane sa amin. “Hindi. Kailangan niya akong marinig. Hindi pwedeng tatanggapin ko na lang ang sinabi niyang uuwi ako. Diane, wala na akong mukhang ihaharap. Hindia ko uuwi sa atin na walang-wala. Hindi ako pwedeng magmukhang talunan. Hayaan mo akong makipag-usap. Alam mo ang kakayanan ko at hindi ako papayag na pauwiin na lang niya ako at tanggapin ko na lang ang aking pagkabigo.” Pabulong kong sinabi ang lahat ng iyon kay Diane na pilit akong nilalayo sa amo niyang bastos. Nawala tuloy yung tingin ko sa kanya, yung matindi kong paghanga. “Anong pinag-uusapan ninyo? Kabastusang nag-uusap sa harap ko! Anong pinagbubulungan ninyo!” tumaas na ang boses ni Miss Kai. “Iyon lang ba ang problema mo sa akin, Miss Kai? Ang buhok ko, sang suot ko, ang hitsura ko?” “Yes! You know how important look is. Sa mundong ginagalawan namin, importante ang looks. Ayaw ko sa pangit. Ayaw ko sa dugyot. Nakikita mo si Diane. Ganyan ang level ng PA ko. Hindi kagaya mo.” “Ibig sabihin iyon lang ang problema ninyo sa akin?” “Well. Yes. Kung sa unang tingin pa lang, bagsak ka na, hindi na nila aalamin pa kung anong meron ka. Hindi na sila interesado pa sa kung ano pa ang kaya mong ikapakita. Nasa mukha, nasa ganda ang tinitignan at iyon ang nakita kong wala ka.” “Hindi ho Miss Kai. Marami ho akong kilalang celebrities na hindi kagandahan pero hindi nalalaos. Maraming sikat na hindi rin naman kagandahan ngunit may talent. Subsequently, there are a lot of beautiful face in show business na nawala na lang ng kusa ang kinang. Kasi, wala sila ne’to!” itinuro ko ang isip ko. “At wala rin sila nito,” itinapat ko ang kamay ko sa aking puso. Nagulantang si Diane sa palaban kong sagot. Kahit pa hindi ako tatanggapin basta hindi lang ako basta na lang paapak kahit pa sino siya. “Anong alam mo e di ba nga, probinsiyana ka lang?” “I am sorry Miss Kai. Hindi ho ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa mundong ginagawalan ninyo. Tama kayo, mas may alam kayo kaysa sa akin. That is indeed your forte but please. Give me a chance to serve you. If you have a problem on my looks, then please, give me an hour para mag-ayos at ipakita ko sa inyo kung ano talagang meron ako. Isang oras lang ho ang hinihingi ko Miss Kai. Please?” Napahabang litanya ko. Napatulala siya sa galing kong magsalita. Hindi lang iyon, gusto kong ipakita kung ano talagang meron ako. Na paglabas ko at nakapag-ayos na, magulat siya na ang babaeng minaliit niya ay ang babaeng pwedeng magpatumba sa kanyang ganda! May plano na agad ako kung paano ko makuha ang trabahong ito. Hindi ako uuwi. Hindi pa ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD