ALOK

1536 Words

Chapter 34 Pagkaalis ni Attorney ay kinausap ko naman sina Nanang at Tatang. “Nang, Tang, paano ho ang babayaran natin dito? Mukhang private room pa naman ito. Hindi natin kaya ito. Hindi tayo pwedeng tumagal pa rito. Saan ho tayo kukuha ng pambayad dito?” Nagkatinginan muna sina Nanang at Tatang bago sila tumingin sa akin. Para bang nagtuturuan pa sila kung sino ang magsasalita. “Anak, huwag kang mabibigla ha?” “Kahit hindi ninyo sa akin sasabihin Nang, Tang, parang alam ko na.” “Wala eh. Kailangan nating ibenta ang kapiranggot na bukid natin, ang kalabaw pati ang kinatatayuan ng bahay natin nakasanla na. Walang-wala na tayo anak. Pero babangon tayo. Makakaahon din tayo. Ang mahalaga, nakalaya ka na. Ang importante, hindi ka na babalik pa sa kulungan at ligtas ka na sa kamatayan.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD