Hindi pa ako halos nakakalayo nang may biglang humila sa aking braso. Kaya naman agad akong napahinto. Mabilis akong bumaling upang alamin kung sino ang may kagagawan. Ngunit pagharap ko'y nagulantang ako sapagkat isang mainit na labi ang sumakop sa aking lips.
Hindi ako makahuma ng mga oras na ito. Labis din akong nagulat. Tila nanigas ang buong katawan ko. Biglang ding pumasok sa utak ko ang aking unang halik ay ninakaw lang ng kung sinong nilalang.
Kaya naman agad kong itinaas ang aking mga kamay sabay tulak dito. Subalit mabilis lamang nitong hinawakan ang palapulsuhan ko. Kahit ano'ng pagpupumiglas ko'y hindi ako makawala. Parang gusto kong maiyak.
Ano bang problema ng lalaking ito? At basat na lang nanghahalik. Nalasahan ko rin ang alak na ininom ni Blake.
"Rosana, anak!" nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng aking inay na papalapit dito sa aming pwesto. Tangka ko sana itong itutulak ngunit agad nitong binitawan ang aking mga labi. Pero ramdam kong kinagat muna nito iyon. Alam kong sobrang pula ng aking mukha dahil sa naganap sa amin.
"Oh! Rosana. Nandito ka pa pala. Akala ko'y umalis ka na? Kasi hindi kasumagot sa pagtawag ko sa 'yo. Teka ano'ng nangyri sa mukhq mo? Ayos ka lang ba anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni inay.
Doon lamang ako nahimasmasan sa mga tanong ni inay. Hinanap din ng mga mata ko si Senorito Blake. Pero wala na ang bulto nito rito sa aking harapan. Hindi ko man lang nalaman na umalis na ito.
"Inay, ayos lang po ako. Ang totoo niyan ay paalis na po ako," nakangiting sabi ko rito.
"Ay ganoon ba. Siya sige. Mag-iingat ka na lang sa iyong papupunta," anas nito sa akin. Nagmano muna ako bago tuluyang umalis. Medyo nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakalabas ng gate at makalayo sa bahay ng amo namin.
Ano'ng dahilan at hinalikan ako ni Senyorito Blake. Bigla ring tumulo ang luha ko sa pagkat parang biglang naglaho ang lahat. Iniingatan ko ang aking first kiss. Pero ganoon-ganoon lang nanakawin ng pesteng lalaking iyon.
Parang nawala tuloy ako sa aking sarili. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang bahay ni Susan.
"Friend!" sigaw akong nito nang makita ako. Tila tuwang-tuwa sapagkat dumating ako sa usapan namin.
Kumaway naman ako rito. At mabilis na lumapit sa aking kaibigan. Nakita kong nakahanda na rin ito. At ganoon din ang mga dadalhin namin.
"Ang tagal mo!" reklamo nito.
"Pasensya ka na. Alam mo naman nandiyan ang anak ng amo namin," paghingi ko nang paumanhin.
"Oh, My God! Siya siguro iyong nakita ko kahapon na lumabas sa gate ninyo. Grabe ang swerte mo Rosana. Kasi araw-araw mong nakikita ang taglay niyang karisma," kinikilig na sabi nito sa akin.
"Umayos ka nga Susan. Ang tanda na natin para kiligin ng ganyan. Wala na nga tayo sa kalendaryo. Saka masyado pang bata si Senyorito Blake. Kung hindi ako nagkakamali ay-25-years old lamang siya," turan ko rito.
"Sabi nga nila--- age doesn't matter, ika nga nila," anas pa ni Susan.
"Ang dami mong alam Susan. Mas mabuti pang umalis na tayo. Para hindi masyadong mainit sa daanan, lalo at medyo masakit sa balat," pagyaya ko rito.
Sumunod naman ito sa akin. Ngunit patuloy pa rin sa pagsasalita habang naglalakad kami.
"Rosana, alam mo bang si Mr. Blake Martinez, ay isang sikat na negosyate. Sa batang edad niya ay marami na siyang negosyo sa iba't ibang panig ng bansa. Iyon nga lang medyo masama ang pag-uugali niya. At ang sabi sa balita ay may pagka demonyo rin daw iyan," pahayag nito.
"Ha! Saan mo naman napulot ang balitang iyan?" tanong ko.
"Sa Tv at cellphono ko. Lagi kaya akong nagfa-f*******:," pagmamalaki pa nito sa akin. Tumango-tango na lamang ako. May bagong cellphone nga pala ito. Hindi katulad kong never pang nakahawak ng phone. Ang katwiran ko naman ay ano'ng gagawin ko roon. Wala naman akong kamag-anak na puwede kong tawagan. Sayang lang ang pera ko kung bibili ako.
Kuntento na ako sa mga pocketbook na binabasa ko araw-araw. Doon lamang ako nakakaranas ng kilig kapag nagbabasa ako noon. Napataas na lamang ang aking kilay nang muli na naman itong magsalita. Akala ko'y tapos na ang pasaway kong kaibigan. Kaya naman nakinig na lang ako sa mga pinagsasabi nito.
"Alam mo bang karamihan sa mga babaeng nalilink kay Mr. Martinez ay sobrang napakabata pa. At ang huling babae raw ay nasa edad 18-years old lamang. At ito kapa! Ayon sa balita ay kasapi raw ito sa "DARK PHANTOM," bulalas ni Susan.
"Ha? Ano 'yun?" nagtataka kong tanong sa aking kaibigan.
"Pangalan ng group ni Mr. Blake. Pero malalaking tao ang mga kasapi roon. At ayon sa akin nalaman ay talagang masasama silang nilalang. Pumapatay rin sila ng tao na hadlang sa kanilang mga balak..." pabulong na sabi sa akin ni Susan.
"Totoo ba ang mga sinabi mo Susan? Mahirap maghusga ng kapwa. Lalo at mayamang tao si Senorito Blake," may pag-aalala sa aking boses.
"Oo, totoo. Kaya mag-ingat ka kay Mr. Blake," babala nito sa akin.
Nakaramdam naman ako ng kaba sa mga pinagsasabi ni Susan. Diyos ko! Sana'y umalis na ito sa bahay.
"Huwag kang mag-alala Rosana. Kasi hindi naman sila basta na nanakit ng babae. Iyon nga lang kapag tipo nila ang isang babae ay ginagahasa nila upang maangkin nang tuluyan," baliw sabi sa akin ni Susan.
Kaya naman lalo akong kinabahan. Sa mga pinagsasabi nito. "Huwag ka na ngang magkwento ng tungkol kay Senorito Blake," sabi ko na lamang dito.
Nakinig naman ito sa akin at iniba na nga ang usapan. Pagdating sa ilog ay napansin kong maraming naliligo. Pero mga kakilala ko naman sila. Nakita ko rin si Nesty. Ang masugid kong manliligaw. Gwapo naman ito pero sadyang napakabata pa nito. Walong taon ang tanda ko rito. At parang bunsong kapatid ko lamang ito.
Ano bang mayroon sa akin? At gustong-gusto ako ng mga bata. Nakakaloka na sila.
"Akala ko'y hindi na kayo pupunta?" tanong sa amin ni Nesty, nang tuluyan na kaming makalapit sa mga taong naliligo rito sa ilog. Isang ngiti na lamang ang ipinagkaloob ko sa lalaki.
Agad naman kaming niyaya nito sa pwesto nito. At nakipagkwentuhan sa mga tao rito. Nagulat pa nga ako nang biglang umupo sa aking tabi si Nesty na aking kinagulat.
"Hi! Rosana. Mabuti talaga at sumama ka kay Susan. Kamusta ka na? Ngayon lamang kita nakita. Lagi kang nagtitigil sa malaking bahay," saad nito.
"Nandiyan kasi iyong amo namin. Hindi basta makakaalis. Mabuti nga at pinayagan ako ni inay na pumunta rito," saad ko pa.
"Rosana, wala ba talaga akong pag-asa sa 'yo?" malungkot na tanong nito sa akin.
"Nesty! Paumanhin sa 'yo. Pero isang nakababatang kapatid lamang ang tingin ko sa 'yo. Sana ay maintindihan mo. Saka alam kong marami ka pang makikilalang babae na karapatdapat sa iyo. At iyong kaseng edad mo lamang Nesty at hindi ako iyon," malumanay sa sabi ko rito.
"Wala naman sa edad iyon Rosana. Para sa aking puso ay ikaw ang tinitibok nito," malungkot na turan nito sa akin.
"Nesty, tama ka walang masama. Kaso bilang kapatid lamang ang tingin ko sa 'yo. Ibaling mo na lang sa ibang babae ang pagtingin mo. Alam ko rin paghanga lamang ang iyong nararamdaman para sa akin," malumanay na sabi ko.
Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaki. Subalit nakikita ko sa mukha nito ang lungkot. At tila nasaktan sa aking mga sinabi. Hindi ko naman puwedeng ipilit ang puso ko sa kanya. Parihas lang kaming masasaktan sa bandang huli.
Napahilot tuloy ako sa aking noo. Subalit bigla akong napa-angat ng tingin nang maramdaman kong tila mayroong nakatingin sa akin. Kaya naman umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Pero wala naman akong ibang nakita na ibang tao. Kundi ako lamang.
"Ano ba 'yan! Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa aking utak..." mahina kong bulong.