MANANG 5

1131 Words
"Rosana, ayos ka lang ba? Bakit panay ang linga mo riyan?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nesty. "Para kasing may nakatingin sa akin. Oh, baka guni-guni ko lamang iyon," sabi ko sa lalaking katabi ko. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo Rosana," saad nito. Nagulat pa nga ako nang hawakan nito ang aking balikat sabay himas. Ngunit narinig kong dumaing ang lalaki. Kaya bigla akong napatingin dito. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong may nakatarak sa balikat nitong maliit na kutsilyo. "Jusko! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" sigaw ko. Kaya napatingin sa aming gawi ang mga taong nagliliguan. Nakita ko naman kanya-kanya silang lumapit sa amin. "Hindi ko rin alam kung sino ang may kagagawa nito. Nagulat na lang ako nang may tumarak sa aking balikat," nahihirapang sabi Nesty sa akin. Lumapit naman ang isa sa mga kaibigan nito. At agad natinulungan ni Nesty. Sila na raw ang bahalang magdala sa hospital. Hindi naman ako puwede sumama dahil mayamaya ay uuwi na rin ako. "Rosana, mas mainam siguro kung umuwi na tayo. Baka nandiyan pa ang taong nagtarget kay Nesty," kabadong usal ni Susan. "Sige, dahil kinakabahan din ako," sagot ko rito. "Grabe! Ang pangit ng araw ngayon, dahil sa nangyari kay Nesty. Mabuti at hindi niya tinuluyan ang ating kaibigan," umiiling na sabi ni Susan. "Thanks din tayo kay God. Sapagkat walang nangyari sa atin," sabi ko pa. "Tama ka Rosana. Bilisan na natin. Alam kung paalis na rin ang iba nating mga kasama," saad nitong nagmamadali at alam kong natatakot ito. Pagdating sa bahay nito. Ay agad na rin akong nagpalam dito. Ayaw pa nga akong payagan at baka nandiyan lang daw sa tabi-tabi ang taong iyon. Pero mas mainam kung uuwi na lang ako at matutulog. Saka hindi naman kalayuan ang malaking bahay na kung saan kami nanunuluyan ni inay. Panay lang ang buntonghininga ko habang naglalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kay Nesty. Naisip ko rin na baka may kaaway ito kaya nagoon ang ginawa sa kanya. Mabuti na lang talaga at hindi ako nadamay. Baka ang kalabasan ko'y hindi na ako makauwi sa aking mahal na ina. Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay parang wala na rin ako sa aking sarili. Nagulat na lang ako at halos mapatalon sa gulat nang mayroon magbusina sa aking likuran. Para akong aatakihin sa puso ng mga oras na ito. Bigla tuloy akong napahawak sa aking dibdib. Anak na tinapa, oh. Baka sa pagkagulat ko ay mamatay ako? Sayang naman ang ganda ng katawan ko. Saka hindi pa ako nakakatikim ng kakaibang luto. My God! Ano bang nangyayari sa akin. "Get in!" Kumabog bigla ang aking dibdib ko nang marinig ko ang boses na iyon ng isang lalaki. Kaya naman dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. At nang tuluyan ko nang makita ang taong nagsalita ay ganoon na lamang gulat ko. Nababanaag ko rin sa mukha nito ang inis. At tila mayroong kaaway. "Did you hear me?!" Lalo akong napanganga sa sigaw nito. At hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakita na lang na bumaba ito ng kotse at mabilis na lumapit sa akin. Sabay hila sa aking kamay papasok sa loob ng kotse nito. Wala akong makapang sasabihin para sa lalaki. Tila na lunok ko ang aking dila. Hindi rin naman ito nagsalita habang nagmamaneho. Pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang mahigpit na pagkakahawak nito sa manibela. Hindi nagtagal ay nakaratimg kami sa bahay nito. Nang maipasok na ito sa loob ng gate ang sasakyan ay walang salitang lumabas ang lalaki. Nagulat pa nga ako nang ibagsak nito ang pinto ng kotse niya. Maliksi naman akong bumaba ng sasakyan at agad na pumasok sa loob ng bahay. "Rosana, ang aga mo naman bumalik. Parang wala kapa yatang tatlong oras na nakakaalis, ah?" nagtatakang tanong sa akin ni inay nang makita akong papasok sa kabahayan. "Nagkaroon po kasi ng problema inay. Habang nasa ilog kami ay mayroon tumarget na kutsilyo kay Nesty. Kaya nagdesisyon na rin kaming umuwi." "Ano! Sino ang may kagagawan noon?" tanong ni inay at gulat na gulat sa aking mga tinuran. "Wala pong nakakaalam inay. Wala naman kaming nakita ibang tao sa ilog," sabi ko pa. "Baka naman may kaaway si Nesty. Oh, baka may nagagalit sa kanya. Nasaan nga pala siya ngayon?" "Dinala na po sa hospital ng mga kaibigan niya inay. Sana nga ay ayos lang siya," saad ko. "Magiging maayos din siya. Mabuti at walang ibang nasaktan sa inyo anak." "Iyon po ang pinagpapasalamat ko sa Diyos inay. Na walang ibang nasaktan sa amin." Hindi naman nagtagal ay agad na umalis si inay. Para pumunta sa kusina. Ako naman ay pumunta sa munti kong silid para magpalit ng damit. "Rosana, anak! Bilisan mong magbihis. Pakidalhan mo ng alak si Senyorito Blake sa kanyang silid," narinig kong utos sa akin ni inay. Bigla na naman kumabog ang dibdib ko. Ano bang magandang dahilan para hindi ako ang maghatid ng alak sa kwarto ng lalaking iyon. Pero ayaw ko naman magsinungaling sa aking ina. Kaya naman kahit masama ang loob ay sumang-ayon na lamang ako sa utos ng aking inay. Paglabas sa munti kong silid ay agad akong kumuha ng alak. At pagkatapos ay maingat ko iyong dinala sa kwarto ng amo ako. Sa totoo lang ay gusto ko itong tanungin kung bakit ako hinalikan kanina. Pero natatakot naman ako sa maaaring maging sagot nito. Baka sabihin nitong. Trip lang na halikan ako. Baka tuluyan ko na itong masakal. Pagdating sa tapat ng pinto ay 'di ko malaman kung kakatok ba ako, oh, hindi. Subalit bigla na lang bumukas ang pinto at tumambad sa aking harapan ay ang malaking bulto ni senorito Blake. Ang masama pa'y wala man lang itong suot na damit at tanging boxer lamang. Umiwas na lamang ako ng tingin sa lalaki. "Senyorito Blake, heto na po ang alak na pinadadala ninyo," kabadong sabi ko. Hindi naman ito nagsalita. Ngunit binigyan naman ako ng daan para makapasok sa loob ng silid nito. Kahit nanginginig ang tuhod ay hindi ako nagpahalata sa lalaking kaharap ko. Agad ko naman ibinaba sa center table ang alak. Kaya lang parang narinig ko ang paglock ng pinto ng silid nito. Kaya maliksi akong bumaling doon kung tama nga ang aking dinig. At halos lumuwa ang mga mata ko sapagkat nakalock na ito. "S-Senyorito Blake, lalabas na po ako, baka hinahanap na po ako ni inay..." pakiusap ko sa lalaki. Pero ang aking dibdib ay sobra ang kaba. "Ayaw mo bang makipaglaro sa akinn, Manang?" baliw na tanong nito. Napailing ako sa lalaki. Wala akong nakikita sa mukha nito na nagbibiro lamang. At ang nakapaskil doon ay malademonyong ngisi. "Diyos ko! Sanay sapian ng mabuting Angel ang utak nito..." mahina kong bulong
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD