Pagkatapos kumain ay agad kong iniligpit ang mga pinagkain ko. Hinugasan ko muna ito bago pumanhik sa silid ni Senyorito Blake. Para raw hanapin ang wallet nitong nawawala. Marahan akong kumatok kahit nakaawang naman ang pinto.
"Come in!" sigaw nito mula sa loob ng silid. Nasa boses din nito ang inis. Tila na istorbo ko yata ito sa ginagawa nito.
Kaya kahit kabado ay marahan kong itinulak ang pinto at pagkatapos ay inihakbang ko ang aking mga paa. Papasok sa loob ng kwarto.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid nito ay nakita ko sa mukha nito ang inis habang nakatingin sa akin. Ngunit may kumot naman ang ibabang bahagi ng katawan nito. Pero wala naman damit pang itaas.
Napalunok tuloy ako ng laway. Para kasing mayroon itong ginagawang kababalaghan. Kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa aking amo.
"S-Senyorito, hahanapin ko na po iyong wallet ninyo..." nauutal sa sabi ko rito.
"Kanina pa kita inuutusan 'di ba? Bakit ngayon ka lang pumunta rito!" pasinghal nasabi sa akin ng lalaki.
"Paumanhin po senyorito Blake, may ginawa pa po ako," nakatungong paliwanag ko.
"Sige na, hanapin mo na iyong wallet ko!" galit na utos nito sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita. Ngunit marahan naman akong tumango rito. Agad akong lumapit sa maletang pinag-alisan ko ng gamit nito kanina. Para tingnan doon kung nandoon ang wallet nito.
Ngunit kahit anong kalkal ko sa loob ng maleta ay wala naman akong makita roon. Lumapit din ako sa cabinet para tingnan ang loob nito. Pero wala talaga!
Anak ng tukwa! Saan ko ba hahanapin iyon? Nakakainis naman!
"Nakita mo na?" Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang marinig ko ang boses na iyon mula sa aking likuran. Maliksi naman akong lumayo mula sa binata. Pakiramdam ko kasi'y dumikit ang labi nito sa aking batok.
"H-Hindi ko pa po nakikita senyorito Blake," marahang sabi ko.
"What? Ikaw lang ang nag-ayos ng aking maleta 'di ba? Paanong nawala iyon?!" patanong na singhal nito sa akin.
Nagtitimping naikuyom ko ang aking mga kamao. Gustong-gusto ko nang suntukin ang lalaking ito.
"Senyorito Blake! Para po sa kaalamam mo, ay wala po akong nakitang wallet sa maleta mo kanina noong inayos ko. Saka, kung nakita ko po sana iyon, eh, 'di sana ay ibinigay ko na sa 'yo. Ipapaalam ko lang po sa iyo senyorito, na kahit mahirap lang kami ay hinding-hindi ako kukuha ng gamit na 'di sa akin!" naiiritang paliwanag ko rito.
"Labas!" bulalas nito sa akin. At tila nagpapalabas ng aso. Siguro'y nagalit sa aking mga sinabi. Hindi na lang ako nagsalita. Baka lalong maasar sa akin oras na patulan ko pa ito.
Saka tama lang ang aking mga sinabi. Napabuntonghininga na lamang ako habang papalapit sa pinto. Ngunit bigla akong napatigil nang muli na naman itong magsalita.
"Lalabas ka talaga? Hindi mo pa nga naaayos itong higaan ko! Saka hindi mo ba nakikita? Madumi rin dito sa loob ng aking silid!" galit na galit sa sabi niya sa akin.
"Sorry po, senyorito," tanging sagot ko. Muli akong bumalik para maglinis muna sa kwarto nito. Nakita ko naman na umupo ito sa sofa. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon para ayosin ang kama nito. Kahit nanginginig ang kamay ay hindi ako nagpahalata.
Nang tuluyan na akong matapos ay agad akong humarap sa akin amo. Nakita kong nakapikit ang mga mata nito at tila malalim ang iniisip. Tumikhim muna ako bago magsalita.
"S-Senyorito Blake, may ipag-uutos pa po ba kayo sa akin?" alanganing tanong ko sa lalaki. Bigla naman itong nagmulat ng mga mata at pagkatapos ay tumingin sa aking nakasimangot.
"Wala na! Lumabas ka na, istorbo ka lang dito, Manang!" pasinghal na sabi nito sa akin. Walang salitang tumalikod ako sa lalaki. Kahit gustuhin kong magdabog ay nagpigil ako.
Mas mainam sigurong lumabas ako. Kaysa naman maghapon ako rito sa bahay at lagi na lang akong pag-initan ng lalaking iyon. Nakakainis lang kung makapagsalita ng manang sa akin ay wagas na wagas.
Napangiti ako nang makita ko si Inay na dumating na kaya agad akong nagpaalam dito para mamasyal sa labas.
"Inay, magpapaalam po sana ako. Pupunta lang po ako kay Susan," paalam ko rito.
"Sige Rosana, mag-iingat ka at umuwi ng maaga. Pero alam ko naman matanda ka na kaya alam muna at tama at mali," sunod-sunod na litanya ni inay.
"Grabe ka naman po inay kung makapagsalita ng matanda," nagtatampong sabi ko.
"Mag-asawa ka na kasi anak. Lagpas ka na sa kalendaryo. Pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin naipakikilala sa akin na lalaki. Bakit ba ayaw mo roon sa mga manliligaw mo?" tanong ni inay sa akin.
"Diyos ko naman inay! Parang ate na lang nila ako. Para lang po akong kumuha ng batong ipinukpok ko sa aking ulo. Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kaysa patulan sila," paliwanag ko sa aking inay.
"Sa lagay na iyan, eh, ganyan ka na lang ba Rosana? Sayang naman ang lahi natin anak. Kahit isang apo ay 'di mo man lang ako mabigyan. Mawawala na lang ako sa mundong ito, eh, hindi ko man lang nahahawakan ang apo ko sa 'yo," sabi ni inay at pinalungkot ang mukha.
"Huwag kang mag-alala inay bukas na bukas ay hahanap ako ng lalaking magiging asawa," nakatawang sabi ko rito.
"Naku! Ayosin mo lang Rosana. Baka uugod-ugod na ako, eh, wala ka pa ring maipakita sa aking asawa at apo ko!" bulalas ni inay at nasa boses ang pagtatampo talaga.
Ngumisi na lang ako rito. Pagkatapos ay agad na nagpaalam dito. Para pumasok sa aking kwarto. Agad kung kinuha ang aking maliit na bag. At naglagay ng ilang pirasong damit doon. Doon na lang ako maliligo kina Sunan. Malapit sila sa ilog. Kaya gusto ko laging pumunta roon. Isa ito sa mga kaibigan ko rito sa lugar namin.
Tanging malikling short at t-shirt lamang ang aking suot. Labas na labas ang mapuputi kong hita. Bihira lang naman akong magsuot ng ganito kaya sobrang puti talaga ng hita ko. Laging mahabang palda kasi ang suot ko. Tumingin din ako sa salamin. Isang simpleng Rosana ang aking nakikita.
Walang bahid na lipstick sa akin mga labi. Natural na lang talaga na mula-mula ito. Kung tutuusin ay hindi ako mapaghahalatang tatlumpu't tatlong taong gulang na. Hindi naman ako masyadong stress sa buhay. Sabi nga nila nakakabata raw kapag ngumingiti. Inilugay ko lang ang aking mahabang buhok. Pagkatapos ay agad na lumabas ng aking silid.
Muli akong bumalik sa kusina na kung saan naroroon si inay para magpaalam.
"Inay, aalis na po ako!" sigaw ko pa habang papasok sa kusina. Ngunit bigla akong napatigil nang makita ko roon si Senyorito Blake. Napansin ko ring may hawak itong wine. Grabe ang aga-aga pa. Pero naglalasing na agad ito.
"Sorry po Senyorito Blake, akala ko po kasi nandito pa si Inay," paumanhin ko rito.
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Naglakbay rin ang mga mata nito sa akin mukha pababa sa mga hita kong naka expose dahil naka short lamang ako ng maikli. Napalunok tuloy ako ng laway.
"S-Sige po Senyorito, a-alis na po ako..." nauutal na paalam ko sabay talikod dito. At mabilis na umalis sa harapan ng lalaki.
Diyos ko! Nakakatakot naman tumingin si Senyorito Blake. Parang hinuhubaran ako sa klase ng tingin nito. Pero malabo naman pag-intrisan ako nito. Lalo at sobrang layo ng agwat ng edad namin. Walang-wala ako sa mga babaeng natitipuhan nito at kaedarin lamang nito.